After kung magpost sa social media, ni message ako ng mga kaibigan ko. Ilan sa kanila nagsapantaha na baka daw kinukulam ako. Iyong isa, ipinatawas ako. Makalipas ang ilang oras, nagmessage ang fren ko sa akin. Sabi niya "fren, magpadasal ka. May kasama ka diyan sa bahay mo nga di mo nakikita. Maraming kaluluwa fren at gutom na gutom na daw sila. Kahit suman lang daw." Kinilibutan ako sa message niya. Kasi sabi din ng kapatid ko na ganoon din ang resulta sa magtatawas sa amin.
Pagkatapos kung mabasa iyong mga mensahe, para akong baliw na nagtatagbo paakyat sa hagdan. Pasayaw-sayaw. Tatakbo ulit pataas-pababa. Tinetesting ko kung di na mabigat ang mga paa ko. Di na mabigat ang katawan ko. Nakita kung lumuluha ang mama ko. Ako din. Napaluha sa sobrang tuwa. Napagisipan namin ni Mama na tuluyan ng ipahouse-blessing ang bahay. Iyong pinangarap kong house blessing na grande para sana isabay sa birthday ko ay di na natupad. Naghanda na lang kami ng kunti. Umuwi si kuya para samahan kami ni Mama. Nakailang post ako sa social media ng "unbelivable but true." How come na dahil sa suman nagawa kong magtatakbo, magsayaw-sayaw sa hagdanang kung akyatin ko na ay gumagapang na ako.
Balik trabaho na ulit ako. Umuwi na si mama kasi kailngan na din siya ng mga Apo niyang maliit pa. Normal na ang buhay ko. I a positive independent person. Since karerecover ko lang, i decided to finally quit my job. Pero noong bumalik ako sa work, i was shocked to know that ai was backstabbed by someone i considered fren."
She spreaded rumors na nag-inarte lang daw ako. I got angry. Halos mamatay ako pero para sa kanya arte lang daw iyon. Everytime na tatanungin niya ako kung papasok ako, sabi ko kasi ayaw ko. I am not feeling well. Nagalit ako sa kaniya. Ayaw ko siyang makita kaya ayaw kong pumasok kasi baka makasabayan ko siya. Sa sobrang galit ko, unti-unti akong natatamaan ng depresyon. Ang kwento kung ito ay hindi buo kung hindi ko ilalahad ang bahaging ito ng buhay ko. Nataob na ang lahat ng savings ko. Iyong utak ko parang may agiw. Walang laman at lutang lagi. Nagbago na din ang ugali ko. Tuwang-tuwa ako sa mga napapanood kung nagkakasakitan sa TV. Sabi ko, ayan maramdaman niyo rin ang sakit. Kung may nagpapatayan akong napapanood, halos papalakpak ako. Ayaw kong pumasok at gusto ko sa bahay lang lagi.
Alam kung something is not right. Wala na akong ganang mabuhay at ang madiskarte kong utak ay parang iba na ang laman. nagkaroon na ako ng mantra na walang paki-alam sa mundo. Pero hindi ko maintindihan kung bakit di ako makabalik sa dating ako. January.
Naalimpungatan ako sa isang mahinang bulong. Kung nabasa niyo ang unang bahagi ng kwentong ito ay ito na karugtong. Sabi niya "Christina." Napamulagat ako. Wala akong kasama sa bahay at alam ko na hindi tuluyang nawala ang mga naglalagi dito. Ni-deadma ko lang at nagtalukbong ng kumot.
Nagpatuloy ako sa buhay ko na walang paki-alam kung ano ang mangyayari bukas. Minsan nga kapag nakikita ko iyong gunting sa banyo ay gusto kung ilaslas sa pulsuhan ko. Pero nahihimasmasan ako na hawak-hawak ang gunting. Sabi ko kung magpapakamatay ako, bakit di ko na lang itarak ang kutsilyo sa dibdib ko. Tapos sabi ko, di ako baliw para wakasan ang buhay ko. Minsan walang humpay na bangongot ang nararanasan ko. Pero hindi ko rin maipaliwanag ang boses ng maliliit na nilalalng na nanalangin na siya kong sinusundan para magising, Minsan pilit kong ginigising ang sarili ko. Iniisip ko kasi, na kung mamamatay ako dito, maagnas lang ako at di ako maibuburol. Kung matatagpuan nila ako, mga tatlong buwan pa siguro kung dadalaw si kuya. Kaya sa awa ng diyos, nagigising pa naman ako. Iyong kinapitan kung pagdarasal noong hindi ako makalakad, ay unti-unting parang nawawala rin sa akin. As in talaga na wala na ako sa sarili kong katinuan. Sabi ko, hindi na ako si Jeromenn. Parang ibang tao na ako.
Natutulog ako isang tanghali, ng napanaginipan ko ang isang babae. May hawak-hawak siyang walis-tambo at ihinampas sa aking mukha. Napabalikwas ako ng bangon dahil ramdam ko ang sakit at hapdi sa kaliwa kong pisngi. I just shrug it off. Iyong agiw sa utak ko lalong-lumalala. Pilit kong nilalabanan, sa pamamagitan ng blogging at work of arts. Isang gabi, papatulog ako. Sinigurado kung ni-lock ko ang mga pinto. Kinaumagahan, di agad ako bumaba. Kitang-kita ko kung paano bumukas ang pintuan sa kwarto. Nanlaki ang mga mata ko pero di ko na lang pinansin. Inisip ko na baka naapektuhan ang pintuan sa bagbukas ng pintuan sa kabilang unit. Pinalipas ko muna ang isang oras bago ako tumayo para icheck ang pinto. Singurado ko kagabi na nilock ko iyon bago ako natulog. Pinihit ko ang door-knob ang naka-lock nga ito. Inisip ko na lang na maaring hindi tama ang paglapat nito sa pintuan kaya noong gumalaw iyong kabilang bahay ay gumalaw din. O di kaya ay hanging. Pero nalingunan ko ang bintana. Napailing ako. Kung hangin kako, dapat pasara siya. Kasi kung nakasara lang ng pintuan walang hangin ang manggagaling sa side na iyon kundi dito sa bintana ko lang na nakaawang ng bahagya.
BINABASA MO ANG
Diary Of A Paranormal Writer
RandomExcerpt from Rotten Writer's Diary about her "Housemate". Ang akala ko normal na madaling araw lang iyon. Pero doon ko pala matutunan kung paano ang magsulat. Alas-tres ng madaling araw. Nagising ako sa alolong ng aso. Pagdilat ng mata ko, napansin...