Noong nakabalik na ako sa NCR, may mga pangyayari pa rin naman pero hindi na katulad dati. Isang magandang epekto ng pagsara ng albularya sa ESP ay iyong parang nagkaroon ng tali iyong mga paa ko at hindi na ako umaalis habang natutulog. Dito na papasok iyong ikunukuwento ko na mga aso at mga batang tumatawag sa akin pabalik. Iyong batang nagpapabukas ng pintuan. Iyong babae na nagsisigaw para magising ako.
Sa ngayon, mayroon pa rin naman. Pero mas kontrolado ko na iyong kaluluwa ko sa tuwing naglalakbay. May mga madilim na usok pa rin na nakapalibot sa akin kung akoy pabalik na. Iyong kinukwento ko sa modem na natanggal sa pagkakahook niya sa dingding.
Recently nga pala, nagstay iyong kapatid ko dito sa bahay. May mga kasama siya. Tapos umalis na iyong dalawa. May naiwanan at nagkwento siya na ayaw niyang matulog sa kwarto tinutulugan nila.
"Bakit?" Tanong ko.
"Ta, dalawang beses na akong naalimpungatan na may nagtatakbo paakyat diyan sa hagdan. Mga alas dose hanggang ala una ng madaling araw."
"Baka iyang kabilang bahay. Mga lalaki rin kasi ang natutulog diyan sa katabi niyo." Sabi ko.
"Hindi, Ta. Hinihintay ko nga na sisilip kasi akala ko si Kuya." Sagot niya.
"Iyong kasama mo, naranasan din?" Tanong ko.
"Tulog-mantika iyon,,Ta."
"Hay naku. Lasing ka lang noon." Sagot ko.
Hindi ko talaga siya napilit na matulog doon. Iyong kapatid ko kasi sa baba natutulog dahil di sila kasya sa kwartong iyon. Habang kumakain kami, naikwento na naman niya iyon.
Tinginan kami ng kapatid ko. Nagpasya na lang iyong kapatid ko na ikwento sa kaniya ang karanasan niya noong naiwanan siya dito mag-isa noong 2017. Pagkatapos akong maiuwi ni kuya namin noon, siya ang pumalit sa akin para bantayan ang bahay. At iyon nga. Ikinukwento nga niya iyong tumatakbo sa hagdan. At may spooky pa na kasama.
May telephone kasi dito sa bahay para sa internet. Sabi niya, dapit-hapon or mga six or seven nag-ring daw iyong phone. So bumaba siya para sagutin. Wala naman daw siyang expected na caller kaya inakala niya na baka sa gwardiya. Inangat daw niya iyong phone. Pag-hello niya. Halakhak daw na nakakilabot ang bumungad sa kaniya. Hello daw siya ng hello. Pero halakhak labg daw ng halakhak. Ramdam daw niya ang takot at iyong mga buhok niya nagsitayuan. Hindi daw niya binitiwan ang phone hanggang sa natapos daw iyong tumawag sa kaniyang paghalakhak.
Ikinukwento niya iuon sa amin noon. Pero naungkat niya dahil nga doon sa pamangkin namin na tropa niya. Sabi niya ayaw niyang maniwala na may ganoon, pero di daw niya kayang iexplain iyong karanasan niya na iyon. Ang depinisyon niya is kung nanonood daw ng horror na movie, iyong mga telephone na eksena, kung paano ginawa ng direktor ganun daw. Hindi daw nuya maidescribe kung paano. Sabi pa niya, sobrang takot daw niya noon gusto na lang niyang tumakbo sa labas.
Ako naman na skeptical, sinasabi ko na baka nagkamali lang ang switch iyong operator ng telco doon sa panel board. O kaya may nangprank sa kaniya. Pero wala naman nakakaalam sa number ng phone.
Basta iyon na iyon. Itong location kasi ng lugar namin, ay may kwento rin according aa mga marites. Dati kasing malawak na kabukiran ito at sabi nila, naging tapunan daw ng mga pinapatay. Hindi ko sigurado kung totoo. Pwedeng totoo at hindi.
Dito ko na ilalahad ang lahat ng kwento kung paano ako naging ganito, kung bakit skeptical ako. Bakit sabi ko nasa paranoia ako.
Iyong paranoia kong, isinusulat ipagpatuloy ko na lang as kwento ng mga panaginip ko iyon.
Hanggang sa muli,
Enn
BINABASA MO ANG
Diary Of A Paranormal Writer
RandomExcerpt from Rotten Writer's Diary about her "Housemate". Ang akala ko normal na madaling araw lang iyon. Pero doon ko pala matutunan kung paano ang magsulat. Alas-tres ng madaling araw. Nagising ako sa alolong ng aso. Pagdilat ng mata ko, napansin...