Entry # 4

14 0 0
                                    

Matagal kung pinagisipan kung itutuloy ko pa nga ba ang aking sinimulan o katulad ng kadalasan kong ginagawa at huminto na lang. Mahirap balikan ang mga pangyayaring hindi normal na nangyayari sa isang ordinaryong tao. Habang-buhay kong nilabanan ang pagiging iba ko sa karamihan.

Sinubukan kong simulan ang kwentong ito sa isang fictional na karakter para sana iiwanan ko sa inyo ang pagbibigay ng ending sa mga kwentong aking ilalahad pero di ko pala kaya.

'I am just a frustrated writer trapped within my truth' ika nga sa isang kanta. Kaya sa abot ng aking makakaya susubukan kong ilahad ang kwentong ito ayon sa kung paano ko sila nakita.

Taon na rin ang lumipas bago ko nagawang balikan at sinimulan buuin ito. Hindi kasi ako makasulat sa isang tahimik na lugar katulad ng nakasanayan ko. Kailangan nasa isang crowded place ako para may distraction.

Buong buhay akong lumalaban sa bangongot na kung di ako magising siguro matagal na akong nawala sa mundong ito.
Ako rin mismo'y hindi maintindihan ang nangyayari sa akin. Kaya sa pamamagitan nitong kwentong ito, samasama nating tuklasin at nagpapasalamat ako sa mgaatiyagang magbabasa sa aking Diary.

Matapos kon gaghilom, napapanaginipan ko pa rin ang isang babae. Ang bulong niya sa akin, 'ituloy natin ang ating nasimulan. Ituwid mo kami, proprotektahan ka namin katulad dati."

"Ang sagot ko, ayaw ko. Matapos niyo akong muntikang patayin,hihingi kayo ng tulong sa akin."

Ito ang dahilan kung bakit ako huminto. Nagiisa lang akong numumuhay at masasabi kong sanay na ako. Masasabi kong mas takot pa ako sa mga nilalang sa ibang dimension kaysa sa mga taong buhay na pwedeng gumawa ng masama.

Bweno kailangan ko ulit huminto sa aking kwento. Dahil iba na ang pakiramdam ko sa paligid.

Hanggang sa muli...

-jeromenn'
10/14/2019

Diary Of A Paranormal WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon