Housemate
November 1 2022.
Iyong nagsasaing ka sa gabi para di ka na magluto kinaumagahan. Hindi naman napapanis kaagad. Maganda ang pagkaluto kaya kampante ka na may kakainin ka pa nga. Pero iyong pagbukas mo sa kaldero iyon panis na pala. Ngayon lang sumama ng loob ko ng ganito kasi gusto ko iyong ulam kong dinengdeng kagabi. Kaya habang nagsasaing ganito ang dialogue ko."Alam ko na nandito kayo. Di ba lagi ko sinasabi sa inyo na kunin niyo lahat ng mga pagkain dito huwag niyo lang sirain. Mamaya ko pa dapat kayo ipagluto ng kakainin niyo eh. Kasi may trabaho pa. Bukas pa naman ang fiesta ninyo."
Usually kasi, kapag ganoon ang sinasabi ko, di nasisira ang mga pagkain. Nawawalan lang ng lasa pero okay pa rin naman. Kahit gaano pa kasarap ang pagkakaluto mo niyan, kapag nauna sila sayo hindi mo na malasahan.
Pamahiin ito ng mga ninuno natin. Pero, na-observe naming buong pamilya na parang tama nga ang pamahiin na iyan.
Anyway may kwento dapat ako ng 'crime scene' ng kaluluwang ligaw. Second encounter ko sa ganoong uri ng bangungot.
Place: Baguio City
Date: Summer Month of May 2004Lumuwas kami ng Baguio City sa taon na iyon. Kasama ko ang nakakabatang pinsan at isang pang pinsan namin na bata. Ilang araw lang naman kami doon dahil nandoon iyong pinsan namin na nagaaral. Bago magpasukan iyon kaya kami pinaluwas ni Auntie.
Okay naman. Wala naman kakaiba. Patulog na kami ng maramdaman kong may humawak sa paa ko na nanunoot sa lamig na bagay. Alam kong gising pa ang diwa ko dahil naririnig ko pa ang kuya namin at barkada niya na nagkalasiyahan sa labas. Nakahiga ako sa upper deck. Pag tingin ko sa may paa ko nakakita ako ng babaeng nakuputi. Isipin mo iyong nakahiga ka na hindi makakilos. Iyong mata mo lang ang gumagalaw pero di nakadilat.
Pagkatapos, hindi ko na namalayan kung nasaan na ako. Nandoon ako sa isang sulok habang pinapanood ko siyang pumapasok sa mga pwesto ng tindahan, mga boutique at kung ano-ano pa. Sa dami ng pinupuntahan niya, may napuntahan siya na may maraming kalalakihan. 2 o 4 yata ang nakita kong sumunggab sa kaniya. Pinipilit niyang lumaban pero hindi niya kaya. Ako pinapanood ko lang siya pero ramdam ko iyong struggle, hirap, at iyong takot niya. As if ako mismo iyong sinusunggaban na iyon. Pagkatapos, hinila siya sa isang lugar. Salitan siyang ginahasa. Dahil sabi ko ramdam ko iyong dinaranas niya, kaya sigaw ako ng sigaw habang naririnig ko pa rin ang togtog ng gitara nina kuya sa labas. Pagkatapos siyang gasahain, nanghinhina na siya. Hindi makakilos, pero may malay siya. Hinila-hila ulit siya. Tapos binuhusan ng something na nasa galon. Kitang-kita ko kung paano siya sinilaban. Dahil pinapanood ko siya, iyong parang ako iyong sinusunog na hindi. Nag mamakaawa ako na " "Huwag niyo siyang sunugin! Humihinga siya!" Sigaw ko pero wala akong magawa. Napakalamig ng Baguio City pero sa oras na iyon, para akong nasa iniihaw sa sakit ng init na lumulukob sa akin. Sigaw ako ng sigaw. Gusto ko ng umalis doon pero di ko magawa. Sa labas naririnig ko sina kuya na nagiingay pa rin.
Sa sobrang init na dinaranas ko, iyong nararamdaman kong hirap nong babaeng sinusunog, hiyaw ako ng hiyaw para puntahan ako nina kuya. Ramdam ko na malapit na akong nalagutan ng hininga. Ginawa ko na ang lahat ng paraan para makakilos. Andiyan iyong ginagalaw ko iyong daliri sa paa ko. Nagagalaw ko siya pero di ako makaalis doon sa pinapanood at dinaranas kong lumiliyab na apoy."Sabi ko, di ko na kayang gisingin ang sarili ko Lord, bahala na kayo sa akin." Iyong bahay na kinaroroonan ng babae, lumiliyab na rin kaya naririnig ko na ang pagdating ng mga tao.
Sigaw pa rin ako ng sigaw. Tinatawag ko pa rin si Kuya. Hanggang sa pagkasabi ko ng 'bahala na kayo sa akin Lord', narinig ko may nagsalita sa labas na may binabangongot ata. Nagkaroon ako ng pag-asa na magising pa. Nilakasan ko ang pagsigaw ko."Mayroon nga." Sabi nila.
Pinuntahan na ako nina kuya. Naririnig ko na ginigising na niya ako. Pero di pa rin ako makakilos. Tinawag niya ang pangalan ko, ungol lang ang naisasagot ko. Hanggang sa hinila na niya iyong paa ko. Doon pa lang ako huminga ng malalim. Dumilat kunti pero pumikit din.
"Gising ka na?" Tanong niya.
"Ehmm."
"Uminom ka muna ng tubig." Sabi niya.
Uminom ako ng tubig. Humiga ulit dahil pagod na pagod ako. Nakabalik na sina kuya sa labas. Doon pa lang para akong nahimasmasan. Ni-text ko siya. Kinuwento ko ang panaginip na iyong babae humawak sa paa ko. Tapos ganito ang nangyari sa kaniya.
Doon pa lang nila naikwento rin, na may babae pala daw na nakikita ng kapit-bahay nila na nakatira doon sa bahay na iyon. Nangyari daw iyon noong bago pa sila lumipat sa bahay na iyon. Sabi rin niya, noong unang nag sleep over ang girlfriend niya sa kwarto ba iyon, ganun din daw. Binangongot din ng babae ring nakatunghay sa kaniya habang natutulog.
Kung sino man siya, hindi ko alam. Hindi ko pa maintindihan ang nangyayari sa akin noon. Nasa isang dilemna pa ako kasi di ko nga tanggap na ganito ako.
Habang isinusulat ko ito ngayon, kung iniisip ko ang panaginip na iyon, masasabi ko na turista iyong babae. Wala akong kakayahang alamin pa kong totoong sa Baguio City nga siya nagahasa o kaluluwang ligaw na lang siya na napadpad sa lungsod at nanirahan sa inuupahang bahay nina Kuya. Hindi pa ako marunong mag handog ng panalangin para sa nagpapanaginip na kaluluwang lugaw noon.
Simula pagkabata ko, tinuruan na ng Nanay ko na manalangin din para sa mga namayapa lalong-lalo na iyong mga walang nakakaalala at iyong mga batang pinatay, in-abort o iyong maagang mga namatay na bata.Mahirap ang naging buhay ko. Iyong mayat-maya kang binabangongot. Hindi lang ng kaluluwang ligaw may pinupuntahan akong lugar na mga batang mabaho ang nandoon. Halos mamatay din ako kapag napapadpad ako doon.
Ikukuwento ko sila sa susunod.
Hanggang sa muli,
BINABASA MO ANG
Diary Of A Paranormal Writer
AcakExcerpt from Rotten Writer's Diary about her "Housemate". Ang akala ko normal na madaling araw lang iyon. Pero doon ko pala matutunan kung paano ang magsulat. Alas-tres ng madaling araw. Nagising ako sa alolong ng aso. Pagdilat ng mata ko, napansin...