Entry # 5

16 1 0
                                    

Noong Sinisimulan ko ang kwentong ito, punong-puno ako ng buhay. Positive Vibes lang lagi ang aking aura. Pero kasabay ng paghinto kong magsulat ay isang realisasyon din ang aking napagtanto. Ang magpasalamat sa buhay gaano man kalaki at kaliit ang mga biyaya o kaya'y gaano man kalaki at kaliit ang mga pagsubok na ating maranasan. Ang importante ay matuto tayo sa mga aral na dulot nito. Kung di mo pa maranasan bumagsak at mabasag, magpasalamat ka. Anyway, what I am trying to say is I am grateful, I am alive.

Nagpatuloy ako sa pamumuhay ko na mag-isa noon. Pero dahil na rin sa stress sa trabaho, nagkasakit ako. Ngunit hindi sapat iyon para igupo ako sa karamdaman. Paslit pa ako ng makaranas ako ng mga kakaibang pangyayari sa paligid. Pero dahil ako'y wala pang muwang di o maintindihan ang mga panaginip na iyon. Hanggang sa nagdalaga at naging adult naging normal na pangyayari na lang ang mga "kakaibang nilalang" para sa akin. Kumbaga, bahagi na sila ng buhay ko. Naranasan ko na ring masapian sa school, sa harap ng mga kaklase at mga guro ko. Doon ko naranasan ang bumaba ang self esteem. Likas na mahina ang physical kung katawan. Mayroon akong iron deficiency anemia. At kung sa medical aspect ang pagbababatayan, maaring iyon ang naging sanhi ng aking 'hallucination'. Maari rin na escaping from reality ang nangyayari sa akin. Inshort, Mental Imbalance. I am not afraid to write these things. Gusto ko lang palayain ang sarili ko sa mga kuro-kuro at pagdududa na matagal ko na ring kasama sa buhay. Magpakatoo ika nga. Pero background lang ang ikukuwento ko sa inyo sa bahaging ito. Kasi maraming mga karansan iyan na kalamitan ay nangyayari sa mga nasa Liblib na lugar.

Balikan natin ang ating housemate, sabi ko nga kayo na lang ang humusga. At 26 years old, I can say that I know mylife's direction. I acquired my townhouse unit thru bank financing. Dahil bago pa lang, tiwala ako na kaya ko naman siya. Kasi Likas akong madiskarte. Pero di ko inaasahan na sa Bahay na ito ko pala maransan ang isang di malilimutang karansan na pauli-ulit ko man isalaysay ay di magbabago. Lumipat ako sa bagong townhouse. Maaliwalas naman siya. Hidi ko pa siya naipa-house blessing kasi magiipon sana ako para isabay ko sa birthday ko bago matapos ang taon. Di ko pinapansin ang mga kakaibang pangyayari sa Bahay ko kasi tiwala naman ako na sanay na ako sa kanila. Kaakibat din noon ang hindi lubusang pagtanggap sa mga karanasang kakaiba dahil nga sa underlying medical condition ko.

Sa Bahay na ito, napapanaginipan ko ang isang babae na sumasapi sa akin habang natutulog ako. Pero sa kabilang banda, may mga maliliit na tinig din akong naririnig na nagdadasal ng Our Father, Hail Mary and Glorybe. Noong marinig ko iyon, nakidasal din ako. Hanggang sa magising ako. pagbangon, deadma lang din ulit kasi madalas nga akong bangungutin at minsan hirap akong gumising. I started the day just like another day. I ignored that dream just like another dream.

Then...Now I am relaying this story because this is my second life. Kalbaryo to the fullest ang karugtong ng kwento na iyan.


---Jeromenn___



Diary Of A Paranormal WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon