Entry#9

9 1 0
                                    


Nakauwi nga ako sa probinsiya. Sinabihan ko si Mama na iapatawa ulit ako. Kasi iyong ulo ko, parang napuno na ng hangin. Dalawa ulit na albularyo ang pinagpapatawasan niya sa kin. Sabi ng isa, may mga kaluluwa daw sa isang mataas na building na pinupuntahan ko. Iyong isa naman, iyong bahay ko daw may kasama akong nakatira. May nga ipinagawa na sinunod namin ni Mama. Pero hindi pa rin ako okay. Nawawala pa rin ang utak ko.

May nakapagsbi na may magaling daw na albularyo sa ibang lugar. pinuntahan namin ni Mama. Medyo may kamahalan. Pero sumunod na lang kami para di walang rason. Sabi niya may nangkukulam daw sa akin na dalawa. Isang malayo at isa nainggit lang. Gusto ko sanang maniwala kasi nga may kinasamaaan ako ng loob. Sinunud namin ang pinagawa niya at mga hiniling. Hindi ko alam kung saan kumukuha ng pera ang mama ko kasi wala naman akong maimbag na.

Sa dami ng ginastos ng mama dapat okay na ako. Pero nandoon pa rin sa ulo ko ang pagiging lutang. Unti-unti ko ng tinatanggap na mababaliw na ako. Na maaring di na ako gagaling. Sa nangyayari sa akin, parang bumubulusuk din pababa ang kabuhayan namin. Kung ano-anong aberya ang nangyayari. Sunod-sunod na sakit ang nararanasan ng pamilya namin. Iyong kapatid ko nagcollapse at kailangang itakbo sa hospital. Akala namin severe din ang sakit niya pero parang wala lang din pagdating namin sa ospital. Dinalaw namin ang tiya namin na naktira sa bayan. "Ano bang nangyayari sa inyo? Bakit salitan kayong nagkakasakit" Tanong niya.

"Ewan namin, Auntie. Parang nasapian yata si Ate." Sagot ng kapatid kung isa.

Nabangit ng Tiya ko na may gumamot daw sa kaniya sa pamamagitan ng picture lang. Ipinaend niya ang picture ng ate namin pero walang nakitang kakaiba ang manggagamot. Iniwanan ko sila. Naisipan siguro ng kaatid kong ipakita ang picture ko.

Doon na nagpakita ang isang pangitain na ni sa hinagap ay di ko naisip na bangyari sa akin. Nakunan daw ako. Gulantang si Tiya. "Ano. Eh wala nga iyang boyfriend." Sagot ni Tiya.

"Hindi ate. Ng mga Nilalang." Shock ako noong ni-forward ni Tiya ang chat message. Sa pangyayaring iyon, parang Pandora's Box na nabuksan ang mga kwento na kaming pamilya lang ang nakakaalam.

Hindi lang ako nakunan daw. Papatayin daw ako ng nilalang na nadisgraya noong wala pa kami at ipinapatayo pa lang ang bahay namin sa probinsiya.

Sabi ko di naman ako nadelay. Paano nangyari iyon. "Kahit natutulog ka madalas kang asawahin."

Napamura ako sa kalooban ko. Oo nga. Kasali iyon minsan sa bangungot ko na huminto lang noong nararamdaman ko iyong babae. May nauna ng tumingin sa akin at ipinakita di ang pangalan ko sa kakilala niyang albularyo. Sabi nga daw may kapre. Pero napakamahal ng sinisingil kaya di ko itinuloy. Doon ko naaalala na nagumpisa lang ang lahat noong nagising akong di makahinga isang gabi sa dati naming tinitirhan bahay. Pero ako lang kasi ang nakakaalam. Kasi In denial ako. Di ko Fully accepted na may ganitong pangyayari sa mundo. Kung napansin niyo, inuuna ko ang Doctor lagi at logic kaysa sa paranomal activities.

Sa akin nag-reflect ang isang kwento na matagal na naming alam na pamilya. Iyong tatay ko noon madalas din magkasakit. Pero Doctor at Albularyo din ang naging solosyun niya. Hanggang sa natuluyan na nga siyang namatay. Ang pagkamatay niya ay nasamahan ng kontrobersiya. Sabi kasi ng albularyong tumingin sa kaniya, Kinulam daw si Papa. Pero may iba ding albularyo mga lima ata ang nagsabi na ang bahay namin ay may kakaibang nilalang. Ang mga albularyong ito ay nagmula sa ibat-ibang lugar at iba-ibang taon na kahit noong wala na ang papa ay iyon pa rin ang nakikita nila. Iyong kwento tungkol sa tatay ko, susubukan kong ilahad doon sa tatlong katok kung kaya ko. kalbaryo to the fullest ang laman ng isang iyon. Lahat magkakarugtong at kung bakit ako naging skeptical.

Dito sa pinagpakitaan sa picture ko, lumabas ulit ang ganoong resulta. Kailangang naming magamot lahat. Bale iba iyong healing ko at iba para sa aming lahat. Ang mga kwentong nilalahad ko dito ay halaw sa karanasan ni Jeromenn. Na sana kung matapos niyang ilahad ang lahat dito ay makapagumpisa na siyang tuluyang palayain ang sarili sa agam-agam na di kayang arukin ng kaniyang logical na pag-iisip at tanggapin ang kakaiba niyang talent.

Hanggang sa muli.



Diary Of A Paranormal WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon