Diary of a Paranormal Writer-Entry # 2

15 0 0
                                    

Tumtulo ang luha. Hindi ko maiwasang hindi humagulgol habang inilalapag ko ang smartphone ko. Ganito lang naman ang daily routine ko mag-alarm ng alas-kwatro ng madaling araw at saka tatayo ng mga alas-singko. Hindi ko naman kailangang magmadali kasi. Mag-isa lang naman akong namumuhay. Pero dahil sa layo ng kabuhayan kailangang gumising ng maaga para hindi ma-ipit sa traffic ng Metro Manila. I wiped off my tears and i get up. Hindi kasi ako maka-move one sa heartfelt struggle ng bidang lalaki sa binabasa kong romance story sa wattpad. Lubos akong humahanga sa mga batikang writer lalong lalo na kung nagagawa nilang bigyan ng twist ang isang storyang akala mo'y normal na lang. Iyon ang oniisip ko habang nag-aayos ng hinigaan ko. After a while i decided to take a bath.

I grab my towel from the towel rack. Naghilamos muna ako para lang matawa ng makita kong namumugto ang mata ko. Wirdo na kung wirdo. Pero ganoon lang talaga ang isang writer. Masyadong emo.

Napalingon ako ng may marinig akong umiiyak. Isang mabining hagulgol. Umiling-iling ako. Siguro guni-guni ko lang iyon. Ganito lang siguro ang namumuhay na mag-isa. Senti na, emo pa. Kapag ganitong oras, marami ng gising dito sa subdivision. Lalo na iyong mga nagtratrabaho sa lungsod. Maaring may nag-aaway lang at dahil malakas ang hangin, naririnig ko rin ang taghoy na iyon.

As usual, di ko na lang pinanasin. Life must go on.

Diary Of A Paranormal WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon