Entry#17

5 0 0
                                    

Dapat isusulat ko ito pagkatapos doon sa una kong nasaksihan na 'crime scene'. Entry ko sana ito kung paano ako nagkaroon ng idea noon sa General Psychology about Esp.

Binanggit noon ng Prof ang tungkol sa Sixth sense. Iyon nga ang ESP or Extrasensory Perception. Parang nagkaroon ako ng idea. Sabi ko na lang "kaya pala."

"Ano ang kaya pala." Tanong ng Prof.

"Parang pong kapag may naisip akong mamatay, namamatay nga." Paliwanag ko.

"Di ko po alam. Basta nararamdaman ko na mamatay na iyong tao. Natest ko po ito noong namatay iyong lolo ko. May iba ako pakiramdam na parang mamatay na siya."

Ganoon lang ang naikwento ko sa psychology prof ko. Isa sa realization na iyon kung bakit ako naging skeptical. Dahil natatakot ako. Hindi ko kasi alam kong paano i interpret ang mga bagay-bagay. Masakit ang mawalan ng mahal sa buhay kaya ayaw ko iyong pakiramdam na iyon.

Kung ikaw reader ang nakakaranas nito, ano ang gagawin mo? To cut it short, kung naalala ko ang isang tao na walang dahilan pangitain iyon. It is either nagakakasakit o malapit na siyang mamatay. Kung naattract ako sa dark colors, black, blue o dark blue, violet malapir na kamag-anak. Kung iyong tao naman na di mo close, kakilala mo lang. Bigla mo siyang naisip na walang dahilan ilang days o linggo navalitaan mo na lang namatay na siya.

Mahirap sa akin ang ganitong karanasan. Kaya sinasabi ko na curse ang mayroon sa akin. May ikukuwento ako sa'yo. Minsan nakasalubong ako na matanda. Iyong aura niya kakaiba. Parang pagod na pagod at hapong-hapo.

Naisip ko, "pagod na pagod na si Tatay. Kailan kaya ito magpapahinga".

Two days after, naheart attack habang nasa work. Marami pang instances na naobserve ko ang ganoon. Sa malapit na kamaganak naman, iyong dark colors na damit.

Hindi ko maipaliwanag. Kasi ang choice of color ko is peach, white, pink, orange basta iyong light colors. Tapos bigla na lang akong nagandahan sa black. Favorite ko siyang isinusuot. Kahit isang buong linggo, black iyan okay lang. Ayaw ko ng ibang color. Then, may namatay uncle ko. Noong narealize ko iyon, kinilabutan ako. Pero di ko ikinukwento.

Years passed na. So kinagalitan ko ulit ang black. Then, heto nanaman siya. Atrractive na ulit ako sa black colors. Next auntie ko na naman ang namatay. Noong napatunayan ko na may something nga ako regarding sa mga taong malapit ng mawawala. Kung nararamdaman ko na ulit ang pagkahumaling sa dark colors na damit, pilit ko siyang nilalabanan. Nakikiusap ako na ayaw ko ang ganoong pakiramdam na alam mo kung may mamatay. Hindi mo lang alam kong sino. So, kinokontra ko siya hanggat kaya. Pilit kong ipinapamigay ang mga black colors, pero nireregaluhan naman ako. Matagal rin naman ang ginawa kong pagpalag noong naramdaman ko iyon. Ang ending, matagal din pinahirapan ng karamdaman iyong tao. Hanggang sa namatay na nga. Nasabi ko na lang, siya pala iyon.

This time kaya ko isinulat ito, kasi naalala ko iyong pinsan ko. Tapos nakita ko iyong mga black at parang gusto ko siyang isuot. Pero dahil alam kong masama ang black sa akin, binalak ko ioverhaul ang mga damit kong black at ipamigay. Pero recently dahil mafalas ang zoom meeting, need ko ng blazer. At iyon nga, bapapako ang eyes ko na naman sa black. Tapos, bad news. Heart attack ang pinsan ko.

On the contrary, nararamdaman ko rin kung sino ang mabubuntis. Pero hindi siya kasing lakas doon sa premonition ng mamatay.

Minsan nakarinig ako ng bag-uusap na pinapanaginipan daw nila iyong taong namatay na nakikiusap sa kanila. Ako, sa isip ko, "nakakatakot pala iyon." Sa akin kasi normal lang na panaginipan ko sila.

Sana kung may expert na makakabasa nito, anong klaseng esp ba ang meron ako? Sinasabi ko rin na astral traveler ako, kaya ko rin basahin ang aura nv isang tao. Noon bagong-sapi ako nagagawa ko rin sabihin ang gamot ng isang may sakit lalo na kung elemental. May inaakyat din akong mahabang hagdan at nakakasalubong ko ang mga mapuputi at gold ang buhok. Pero tatanongin ka kung anong ginagawa mo doon.

Sa totoo lang, natatakot talaga ako sa sarili ko kaya di ko pinapansin at inuunawa ang mga pangitaing darating kasi ayaw kong magkatotoo. Ayaw kong makasakit. Ayaw kong malahamak ang mahal ko sa buhay.

Hanggang sa muli,

Diary Of A Paranormal WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon