Entry # 6

13 1 0
                                    

Ang panaginip na iyon na pilit kong di pinapansin ay di na naulit. Pero binabagabag pa rin ako ng mga pangyayaring maaring ordinaryo lang sa mga makakabasa nito. Sa layo ng aking pinapasukan, madaling araw aalis at gabi ng kung makauwi. Wala na akong ibang gagawin kundi kakain at matutulog na lang. Ganoon ang routine ko sa araw-araw 6 days a week. Totoo din iyong kwento ko sa alulong ng aso at doon sa bakanteng lote sa likuran ng subdibisyon.

Sa tindi ng pagod ko, dapat tulog na lang ako lagi hanggang sa madaling araw. Mula noong nanaginip ako ng kakaiba, hindi ko maipaliwanag kung bakit lagi akong nagigising sa hating-gabi. Minsan, naramdaman kong parang may bumagsak na bagay o sa tabi ko. Naalimpungatan ako at tiningnan ko kung ano iyon. Pero wala akong makita. Napaisip ko kung ano bagay iyon dahil wala naman pwedeng bumagsak sa tabi ko. Dineadma ko lang ang ipinagpatuloy ang aking naudlot na tulog.

Patuloy lang ang buhay. Stress sa trabaho at pagod sa biyahe. Palagi akong naalimpungatan sa hating-gabi na wari mo'y laging may gumigising sa akin. Yamot na yamot ako kasi ako iyong klase ng tao na matakaw sa tulog. Pero sabi ko nga sanay na ako sa kanila. Hanggang sa isang gabi, naalimpungatan na naman ako. Nakarinig ako na may tumikhim na babae sa ulunan ko. Doon, nakaramdam ako ng kilabot. Ako lang o kasi mag-isa at di pa ukupado ang ibang unit. may nakatira sa kadikit bahay ko pero iyong tikhim na narinig ko ay nasa malapit lang sa ulo ko. Nagtalukbong ako ng kumot at di pinansin iyon. Pagkagising ko normal lang ang mga bagay. Hanggang sa nakaramdam ako ng unti-unting panghihina ng katawan. Kailangan kong magpahinga. Tamad na tamad akong kumilos. Pero kailangan kong pumasok. Stress man trabaho kailangang magpatuloy.

Lumipas ang mga araw, unti-unting humihina ang katawan ko at nakakaramdam ako ng lungkot na di ko maintindihan. Ayaw kong iugnay ang naranasan kong kalungkutan sa aking pag-iisa. Maaring iyon ay dahil sa trabaho dahil maiiwasan ang mga di pagkakaintindihan. Nagpatuloy ang pasakop ng karamdaman sa akin. Gusto kong umalis sa bahay pero di ko maipaliwanag dahil ayaw ko talagang kumilos. Hanggang sa sinubukan kong pumasok pero hirap na hirap akong umuwi.

Kalbaryo to the fullest ang mga sumundo na araw, makakalabas ako ng bahay, makahakbang ng kaunti tapos pahinga dahil ayaw ng kumilos ang mga paa ko. Pag-uwi ko, matagal ng nakarating sa bahay nila ang mga kasabayan ko pero ako nandoon pa rin. Lakad-bata ang mga hakbang. Wala akong maramdaman sakit sa alinmang bahagi ng katawan ko. Maliban doon sa paa ko na sobrang bigat na di ko maipaliwanag.

Ilang linggo rin na ganoon ang sitwasyon ko. Hanggang sa ayaw ko ng pumasok dahil sa sobrang hirap na nararanasan ko. Mayroon akong medical insurance for check-up only. Kasi nga may anemia ako at annual kung bumisita ako doon. Iniisip ko na humina nanaman ang immune system ko. Dahil sa sobrang layo ng clinic, naisip kong kumunsulta sa malapit na mga clinic. Pero dahil bagong lipat, hindi ko alamkung nasaaan ang mga hospital kaya iyong madadaanan kong tricycle ang inarkila ko papunta doon. Rural Health Unit lang pala ang napuntahan ko at walang present na doctor. Inasikaso naman ako ng Nurse on duty. Sabi ko sa kaniya, "Ate, Nahihirapan akong maglakad." Hindi ko na kailangang sabihin na di ako makahinga kasi halata iyon kahit ng mga pasyenteng naghihintay. Dumidilim na ang paningin ko kaya nakapikit din ako. Humihina na ang katawan ko pero iyong isip ko lumalaban. sa isip ko, ayaw kong mawalan ng malay kahit na anong mangyari. Kapag nawalan ako ng malay, di ko na alam ang mangyayari sa akin, mabaguk ang ulo ko o kaya ay nakawin ang mga dala kong bagay.

Kaya nagpahinga na ako ng kaunti. Pumikit hanggang sa mapanatag na ang aking hininga. Kailangan kung pumunta sa Clinic ko sa metro. Nakarating ako sa sakayan ko ng mga ala-una y media. Kailangang kong tawarin ang isang overpass sa may makati para makasakay papuntang CBD kung saan iyong Clinic. Iyong 15 to 20 minutes na pagtawid ko doon sa normal na sitwasyon, naging isa't kalahating oras ko siyang tinawid. Pinagtitinginan ako ng mga tao pero di ko na sila pinansin. Mas malaki ang determinasyon kung makarating sa Clinic. Hingal, lakad bata kasi di ko talaga maihakbang ang mga paa ko. Pagdating sa Clinic, ulit procedure na naman. Blood test, Reseta gamot para sa dugo. Pumapasok pa rin naman ako pero lagi na lang akong half-day. Kasi nga sa hirap kung maglakad, nakakarating ako sa sakayan ng alas-diyes. Namumuhay akong mag-isa kaya kahit hirap man, kailangan kong lumabas para bumili ng supplies. Dahil sa di nga ako halos makalakad, gumagamit na ako ng tungkod na payong para masuportahan ang bigat ko kung sakali mang babagsak ako. Napakabata ko pa para malumpo pero dahil siguro sa mga sakit ko dahil likas na mahina ang katawan ko.

Hanggang isang araw, dinalaw ako ng kapatid ko para dalhan ako ng pagkain. Nakakalakad naman ako pero sa malapit lang. Napansin niya na something is not right. Payat na payat na ako. Sabi niya magnovena ka nga para sa mga patay. Hanggat maari, ayaw kong malaman nila ang sitwasyon at hirap na dinaranas ko. Umalis ulit siya kinabukasan para magtrabaho. Sinunod ko naman siya. unti-unti naging maayos naman ang sitwasyon ko. Malakas na ulit pero nandoon pa rin iyong kakaibang bigat sa mga paa ko. Di ko na dala iyong payong na tungkod pero iyong pglakad ko, paunti-unti pa rin at parang pilay na hila-hila ko iyong paa ko. Iyong walang sakit pero di ko talaga maipaliwanag. Pagsapit ng ika-9 na araw ng novena, galing sa work iba na naman ang pakiramdam ko. Tulog ako buong biyahe at hinang-hina ang katawan ko.

Umulit ulit ang lumala na....


---Jeromenn___

Sa susunod na kabanata, mas nanaisin kong mamatay na lang sana ako dahil sa hirap na dinaranas ko.




Diary Of A Paranormal WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon