Dahil sa panahon, hindi mamin nakumpleto pa lahat ang kinakailangan ng albularyo. Kaya ginawan muna niya ako ng langis para daw may proteksiyon ako.
Dahil pakiramdam ko ay malakas na ako, magisa lang akong pumupunta sa bukid. Nangunguha ng tuyong kahoy para may pangatong sila. May Gas at burner naman pero marami kasing available resources sa probinsiya kaya dapat may imbak sila ng tuyong kahoy. Nakailang beses na akong naghahakot ng panggatong. Nararamdamam ko na para na naman akong sinisikmuraan. Iyong pakiramdam bago masapian. Iyong langis na nasa bulsa ko, tumatagas kahit nakatakip naman ito. Pero di ko iyon napansin hanggang sa di ko nansman kaya ang katawan ko. Hanggang sa naalala kong ipahid iyon sa sikmura ko at bumuti naman ang pakiramdam ko.Napanaginipan ko rin na naglakbay ako mula doon sa lumang dormitoryo pauwi sa bahay namin. Alam kong nananaginip ako, pero hindi ako binangungot. Ito iyong pakiramdam na nakakasalamuha mo na iyong maraming nilalang, pero panatag ka lang. May nakita rin akong madre, mga nakauniformeng sundalo sa sinaunang panahon. Bata at kung ano-ano pa. Tandang-tanda ko ang panaginip na ito kasi alam ko na hindi buhay ang mga nilalang na iyon. Alam mo iyong tao silang kaharap mo pero para lang silang manipis na usok na hindi mo mahawakan. Hindi ko kayang i explain. Mayroon din sumubok na iligaw ako pero sa di ko maipaliwanag na dahilan parang natatakot sila sa akin. Narinig ko pa iyong isa na nagsabi na huwag daw akong lapitan kasi may hawak ako na makakasakit sa kanila. Nakauwi ako sa bahay na maaliwas saka pa lang ako nagising na may payapang pakiramdam. Siguro doon pa lang ako totoong nakauwi kasama ang kaluluwa kong kinuha noong nasapian ako sa lumang dormitoryo.
Napanaginipan ko rin iyong babae na galit na galit sa akin. Tinititigan niya ako na puno ng poot. Magkagayon man, sinubukan ko pa rin siyang kausapin. Sabi ko "Pumunta ka na doon sa dapat mong kalagyan, ginihintay ka na niya".
Iyong galit niya, napalitsn ng pagliliyab ng kaniyang mga mata. Nilapitan niya ako at sinakal. "Hindi daw pwede dahil gusto niya ng second chance."Sinagot ko siya na "Second chance. Paano ka magkakaroon ng second chance eh patay ka na nga. Bakit di mo sila gayahin." Sabi ko sabay turo sa mga napakaraming bilog ns usok na papaakyat sa taas hangang sa tuluyan na silang maglaho. Lalong dumiin ang pagsaksl niya sa akin hanggdng sa nararamdaman kong di na ako makahings na parang malalagutan na ako ng hininga. Nararamdaman ko na parang nay mainit na likido pumapaso sa akin. Doon ko lsng narealize na basa mundo ako ng panaginip at kailangan kong gumising. Naalala konv magpray. "Jesus have mercy on me." Pagkabigkad ko nito, unti-unti ko naramdaman ba nakakahinga na ako ng maluwag. Pagkagising ko, kinapa ko iyong bulsa ko at kalahati na ang laman ng langis. Hindi nabuksan kundi lumuwa lang. Dahil doon pinapunta na ni Mama ang albularyo at nagbayad utang na kami. Order ulit si mama ng langis para sa akin.
Hangang sa muli,
BINABASA MO ANG
Diary Of A Paranormal Writer
عشوائيExcerpt from Rotten Writer's Diary about her "Housemate". Ang akala ko normal na madaling araw lang iyon. Pero doon ko pala matutunan kung paano ang magsulat. Alas-tres ng madaling araw. Nagising ako sa alolong ng aso. Pagdilat ng mata ko, napansin...