Entry#14

12 0 0
                                    

Pasensiya na kung ganito ako kagulo magsulat. Lahat kasi ng mga nilalahad ko dito ay nangyari na. Kaya kung nakakabasa ako ng mga comment sa social mefia, natritrigger ang mga memory ng mga nakaraan pangyayari.

Undas na naman pala. Kaya flashback memory lane tayo year 2010 building near Heritage Park Taguig.

Ganitong panahon noon. Marami kasing tinatapos para sa annual audit. Kaya lagi aking overtime noon. Maaga akong pumapasok dahil rank and file employee ako. Madalas naiiwanan din akong mag-isa. Dahil nga sa pagkasapi ko noong high school nahbukas iyong Esp sense ko. May nararamdaman ako sa paligid pero di ko pinapansin. Namamalikmata ako na may kasama ako kahit sa realidad mag-isa lang naman. Nararamdaman ko rin iyong familiar na symptoma kung may kaluluwa sa paligid. Para akong sinikmuraan sa sobrang sakit ng tiyan. Hindi iyong sakit na natatae, kinakabag o naootot ha. Basta iba siya. Tapos iyong hangin, medyo kakaiba. Iyong buhok sa batok nagtatayuan. Pero di ko pinapansin.
Minsan maaga akong umuwi at naiwanan iyong kasama ko. Hanggang sa isang araw nagkwento siya na para daw may nakikita iyong peripheral vision niya na babae.

Sabi ko naman, "diyan po ba sa banda riyan?" Tanong ko.

"Oo. Pag tinitingnan ko naman, ay wala naman akong makita."

"Ay akala ko, ako lang." Sagot ko.

Dahil doon, naikwento niya doon sa mga gwardiya at maintenance ng building. Sila na ang nagsabi na may tenant sila noon na may ganoon ding kwento. Iyong babaeng nakaputi, na umaakyat sa hagdan papuntang 3rd floor. Pero hindi lang iyon. Iyong panggabing guard, kwento niya iyong elevator daw paakyat-pababa na wala namang lumalabas na nakasakay. Ganito, aandar iyong elevator paakyat sa 3rd floor, tapos baba sa ground floor, bubukas iyong pintuan pero walang lalabas. Kapag naiirita daw iyong guard, kinukuha niya iyong baton niya at hinahabol niya iyong elevator hanggang second floor. Kinakalembang niya iyong metal na railings ng hagdan. Kapag di daw bubukas iyong elevator sa secon floor babalik siya sa ground floor at iyong bakal na basurahan ang kinakalembang niya. Hanggang sa kusang titigil daw iyong paglalaro ng 'bata'. Bata ang tawag niya doon sa naglalaro sa elevator kahit di niya physical na nakita ang multong-itsura nito.

Iyong ibang maintenance staff naman, natutulog daw siya sa rooftop. Tapos iyong walis tingting na may hawakan, sigurado daw siya na nasa malayo iyon sa kaniya. Kaya natakot daw siya noong tumama sa mukha niya iyon na parang ihinagis.

Balik tayo doon sa kwento ko. Iyon nga. Kumpirmado ng mga staff na meron ngang nahpaparamdam sa building  a iyon. Dahil naniniwala rin iyong kasam ko sa paranormal, sabi niya magtirik daw kami ng kandila. Pero dahil ako ang maaga, ako ang naghanda.

November 1. Pumasok ako sa trabaho kahit non-working holiday sa buong bansa. Ganoon ako kamartyr noon. Dahil mahirap mabungangaan kung di makahabol sa deadline. Mag-isa lang ako as usual. Naiihi ako pero di ko maexplain iyong sarili ko kung bakit ayaw kong pumasok sa rest room. Badta may nararamdaman akong something kung papasok ako doon. Pero dahil di ko na mapigilan, pumasok ako.

Paghawak ko sa switch ng ilaw, naramdaman kung may humawak din sa kamay ko na napakalamig na bagay. Millisecond lang ata lumipas, iba na ang itsura ng banyo. Napakaliwanag na niya, may bath tub na siya. Tapos nakita ko iyong napakahandang babaeng naliligo sa bath tub. May nagdoorbell. Nakatapis lang siyang tumayo habang inaabot ang bath robe. Kitang-kita ko na pumasok ang dalawang lalaki. Nagtatalo sila at hinila niya iyong babae sa banyo. Nagtagal sila doon sa bathtub. Tapos tumayo ang lalaki at umalis. Hindi ako nakasaksi ng exrated sa crime scene ha. Walang ganun bes. Masasabi ko lang na base sa gesture ng babae, nanlaban siya pero saglit lang. Dahil dilat ang mata ko, kinikilabutan ako sa nangyayari. Alam ko na nasa realidad ako na parang hindi. Tiningnan ko iyong bath tub kung may bakas ng dugo pero wala naman. Inilibot ko iyong mga mata ko para hanapin iyong babae kung nasaan siya. Andoon nakabigti.Pinatay ba o Nagpakamatay? Sa tingin ko parang siya iyong nagbigti mismo sa sarili niya.

Pagkatapos noon, bumalik na iyong totoong itsura at ayos ng banyo. May shower area lang ito pero walang bath tub. At walang anything na pwedeng gamitin para sabitan para magbigti. Alam ko na hindi sa banyong iyon nangyari ang krimen. Marahil paraan niys iyon para ipakita sa akin ang nangyari sa kaniya kung bakit kaluluwang ligaw siya.

Hindi ako mapakali sa nasaksihan kong iyon. Palaisipan sa akin kung bakit kailangan niyang magpakamatay. Kasi sa tingin ko, may relasyon naman sila doon sa isa sa mga pumasok. Kaya sa concentration ng dilat kong mata, kinausap ko siya kung anong gusto niyang mangyari. Sabi niya tulungan siyang makatawid. Dahil hindi ko naman nadala ang kandilanh inihanda ko, ginawa ko ang pagtitirik at pagsindi sa kandila doon sa banyo. Saka ikwenento sa kasamahan ko na alam ko na ay may idea na ako kung bakit nagmumulto iyong babae. Kasi nagpakamatay.

Ilang araw ang lumipas at napanaginipan ko ang isang babaeng maganda. Sobrang ganda niya actually. Hindi ko siya kilala hanggang sa sabihan niya ako ng "salamat ha".

Tanong ko, 'sino ka ba?"

Tapos naituloy iyong nakita ko sa banyo. Pagkatapos nilang manggaling ss bath tub, lumabas iyong lalaki. Naiwanan iyong babae ng umiiyak. At parang sising-sisi. Tumayo siya. Kumuha ng bath robe. Tapos ang susunod kong nakita, nakabigti na siya sa may ceiling na shower area.

Noong napagtanto ko kung sino siya, iyong Tsismode ko ay gumana. Tinanong ko kung bakit kailangan niyang magpakamatay.

Sabi niya, sa sama ng loob. Sa pandidiri. Kasintahan nga daw niya iyon. Nakikipaghiwalay siya pero ayaw nang lalaki. Hindi daw niya expected na magawa siyang gasahain dahil sobra daw ang tiwala at pagtingin niya doon. Parang ayaw yata niyang magpakasal yata at ang panggahasa sa kaniya ang huling paraan ng lalaki para makuha siya. Dahil ayaw niya talaga sa lalaki, ayon nagpakamatay na lang siya.
Hindi malinaw ang dahilang iyon para sa akin. Or hindi lang ako makarelate. Maari din na hindi niya sinasabi ang lahat. Tinanong ko siya kung ano gusto niyang mangyari. Hustisya ba?

Pero sabi niya hindi. Gusto na lang niyang manahamik. Nagmahal lang naman daw ng sobra ang boyfriend niya at siya ang hindi nakatuhon.Tapos doon na ako nagising. Binalak ko rin hanapin siya sa malapit na sementeryong pangmayaman. Maaring hindi din siya doon nakalibing. Maaring isa lang talaga siyang kaluluwang-ligaw na nakatagpo ng tahanan sa building na iyon.

Hindi naman niya kami ginambala pang muli. Di ko sigurado kong may ganoon kwento pa sa building ngayon. Pero noong doon pa ako nagwowork wala baman na. Hindi ko siya makalimutan, kasi iyon ang unang karanasan kong makasaksi ng 'crime scene' mula sa kaluluwang ligaw na dilat iyong mga mata ko at hindi ako binabangongot. Nipost ko sa fb ito noong pero sa shout out lang kaya di ko na run maretrieve. Natrigger lang ang memory dahil ang tingin ng mga tao sa katulad kong pinapakitaan ay kulang sa prayer. Hindi nila nabatid na nagpapakita ang kaluluwang ligaw hindi para manakot kundi may sinasabi iyan o dili kaya humihingi ng tulong.

Isa iyong babaeng multong iyon ang dahilan kung bakit di ko kinatatakutan anb mga kaluluwa. Kaya noong nakaencounter ako ng bruhang muntikang pumatay sa akin, di ko agad nasala na masama na pala iyon. Marami pa akong "crime scene" ng kaluluwang ligaw at nagumpisa iyon matapos akong grumadweyt sa high school. Noong nasasapian ako ng mga batang maliliit.

-hanggang sa muli

Diary Of A Paranormal WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon