Pagkatapos kaming makita ng albularyo, naging magaan ang mundo ko. Naka-schedule na kung kailan gagawin ang pagbabayad namin doon sa nilalang. Kasama na doon iyong pag-sara ng aking ESP. Walang nagkukwento doon sa albularyo pero nalaman niya na ako ay may kasakasama na apat na magkakapatid. Pero taliwas sa sinabi niya, iba ang pakilala sa amin noong mga bata. Tawagin na lang nating silang sina "Wisdom of innocence" sabi niya kasi 3-year old lang siya pero napakatalino. Siya ang problem solver ko, "The Virtue of a Little Girl", 5 Year old lang siya. Naughty pero lovable katulad ng isang batang babae, "The Guardian/Councelor", 7-year old na batang babae. Siya ang pinakatravel companion ko. "The Responsible", 9 year-old boy at pinaka-panganay sa lahat. Siya ang Provider at doer sa Apat. Ang pakilala nila sa akin galing daw sila sa may likha pero sabi ni Albularyo mga dwende daw sila. Ang sabi ko na lang, ang mga dwendeng ito at tumulong sa akin para mapalapit ng husto kay God. Kung Makikilala niyo sana sila napakabusilak ng puso ng mga batang ito.
Pero saka na tayo mag-pokus sa kanila. Iyon nga naging mas masigla na ako. Nakakatulong na ako kina mama sa mga gawain. Rainy Season, kaya di namin maipagpatuloy ang pagkatay doon sa hinihingi ng nilalang. Kasagsagan ng Baguio na malakas. Iyong Sumunod sa Typhoon Yolanda sa categorya. Noong humupa ang ulan, sumama ako sa mga kapatid ko para tingnan ang pinsala ng Baguio sa Ibayong Probinsiya. Umuwi ako na iba na naman ang pakiramdam. Nahihirapan akong huminga. Akala ko, inaatake ako ng hika. allergy kasi ang sanhi ng Hika ko kaya uminom ako ng anti-histamine. Pero nakalipas na ang ilang minuto, ramdam ko na di pa rin tumatalab ang gamot. Naninigas ang aking mga paa, malamig at di ko na naman maikilos. Umuungol lang ako dahil may iba akong nararamdadan sa paligid. Kung ano-ano ang hinihingi kong panlunas sa akin. Pero di ko pa rin maikilos ang Kalahating-bahagi ng katawan ko. Tinitingnan ko ang mama ko. Namimilibis ang luha ko. Pakiramdam ko noon, iyon na ang end.
Dinaluhan na ako ng mga kapatid ko. "Saan ka ba kasi nagpupunta?" tanong ni Mama.
Sabi ko, "Pinapahirapan ako kasi di pa tayo tumutupad."
"Paano ka nga naman makakapag-katay kung ganito ang panahon." Sabi ni Mama.
Tumingin ako sa bintana sa kaliwa ko. May nararamdaman akong naka-tingin sa akin na Babae doon. "Mama", sabi ko, "may nararamdaman akong babae diyan sa bintana. Baka iyong housemate ko iyan."
Sabi ng kapatid ko, "Baka hindi ate, kasi sabi nila noong nakaraang mga taon, may nakita ang taga-ibang lugar na Babaeng nakaputi doon sa waiting shed. Nakuhaan pa nila ng picture."
"Doon ka ba nagpunta?" Tanong ni Mama.
"Oo. Madami naman kami, Ma." Tugon ko.
Kung ano-anong klase ng langis na ang ipinahid ni Mama sa akin. Hangang sa makalipas ng isang oras, naikilos ko rin iyong kalating bahagi ng katawan ko. Mula sikmura hanggang sa aking mga paa. Lumuwag na rin ang aking pag-hinga. Hindi ko na hinahabol. Alam mo iyong namamatay na hinuhugot ang huling hininga bago malagutan. Ganoon iyong paghinga ko.
Minadali ni mama na ihanda ang mga kakailanganin para makapunta na ang albularyo. Takot na takot din ang albularyo dahil sabi niya masyado daw silang malakas. Maaring naniniwala rin ako sa kaniya dahil siya lang ang naglakas loob na pumunta sa lugar namin.
Sino ba iyong nilalang?Sabi niya, may punong kahoy daw na kinuha sa ibang lugar na ginawang haligi ng bahay. Nasaktan daw iyong nilalang at sinundan ang punong-kahoy hanggang sa nakapatay na nga ito. Pangatlo na daw ako kung sakali. Sabi niya may bata na namatay, tapos iyong tatay namin. Walang nagkwento sa kaniya na may namatay na baby si mama. Isinilang na walang buhay. Sabi ni mama, iyon daw ay ipinanganak sa bago nilang bahay. Kung pamilyar kayo sa pagsilang ng mga bata sa baryo. Tapos sumunod nga daw iyong Tatay namin.
Sabi niya, ako daw kung gugustuhin ko, maging seer. Kasi iyong daw ako. Pati bulong ng hangin may ibig sabihin sa akin. Alam ko na ang tamang term, babaylan. Pero di daw lubos ang aking pagtanggap kaya nagkaganoon ako. Sabi ko, "isara mo na ate. Pagod-na-pagod na ako."
BINABASA MO ANG
Diary Of A Paranormal Writer
RandomExcerpt from Rotten Writer's Diary about her "Housemate". Ang akala ko normal na madaling araw lang iyon. Pero doon ko pala matutunan kung paano ang magsulat. Alas-tres ng madaling araw. Nagising ako sa alolong ng aso. Pagdilat ng mata ko, napansin...