7

838 56 5
                                    

J

"Jemmm!" sigaw ni Kyla habang tumatakbo papunta sakin dito sa dagat.

Akala ko hindi na matutuloy tong plano naming beach nila Yan. Right after ng competition ng swimming team, pumunta agad kami dito sa beach house nila Yan.

Lima lang naman kami. Kaming dalawa ni Ky at yung dalawang conditioning coach sa basketball. Magkakakilala naman kami.

"Oh, Kyla. Bakit?"

"You won't believe it, Jema."

"Bakit nga? Kakain na ba ng lunch haha."

"Oo, pero..."

"Ano nga?"

"May kasama pa pala tayo. Kakarating lang nila."

Ha? Kasama? I thought, lima lang kami. May iba pa bang ininvite si Yan?

"Okay lang naman. Mas madami, mas masaya. Tara na, lunch na tayo."

"Wait, Jema..."

"What, Ky? Sure ka okay lang sayo?"

"Whatever, Ky. Tara na, nagugutom na ko." saka ko siya hinila paahon sa dagat.

Pagdating namin sa loob ng open bar, nakita ko na agad si Yan at....

What the?!

Anong ginagawa niya dito?!

"Hi, Jema..." nakakainis talaga siya. Ganda pa ng ngiti eh.

"Jem, I invited them too ah. Short notice hehe pero okay lang naman di ba?" sabi ni Yan. Katabi niya yung Tin. Pareho silang nakangiti sakin.

"Of course, Yan." sabi ko na lang. Wala naman na akong magagawa. Saka si Yan naman talaga nag invite samin.

"Okay, tara, tara. Let's eat. Gutom na kami, Yan. Ang traffic kanina." wow! Ang kapal nito ni Deanna.

Di ko na talaga siya makilala. Ang kupal ng datingan, di naman siya ganito dati.

Napabuntong hininga na lang ako sa inis. Ewan ko ba, pag nakikita ko siya kumukulo agad yung dugo ko.

Umupo na lang ako sa tabi ni Kyla. Silang tatlo nila Yan nasa harap namin.

"Okay ka lang, Jema?" bulong sakin ni Kyla.

"Hindi. Pero no choice. Nakakainis siya." mahinang sabi ko. Mamaya marinig pa kami eh.

"Idaan mo na lang sa food yan girl. Haha." pang asar pa tong si Kyla eh.

"Hi, Jema." owww nandito na din sila Miko at Brian.

Cute talaga nitong si Brian. Smile pa lang eh, saka napaka gentleman.

Sinisiko siko pa ko nitong si Kyla sa gilid. Haha. Alam ko na to...

"Patabi, Jema ha?" waaahhh sige lang, Brian. Kahit di ka na magpaalam..

"Nagpapaalam ka pa, Bri. Umupo ka na. Nagugutom na ko." loko loko talaga tong si Miko kahit kailan.

"Yiiieeehhhh, kilig, Jema!" bulong na naman ni Kyla sakin pag upo ni Brian sa tabi ko.

Kinikiliggggg din akooooo... Ang cute kasi talaga ng smile niya.

----------

D

What the fuck?!

Sino ba tong dalawang to? Lalo na tong katabi ni Jema?! Napaka pacute! Di naman cute!

Nakakabadtrip!

"D, stop that."

"What, Tin?"

"Minumurder mo na yung chicken. Umayos ka."

"Fine..." nakakawalang gana tuloy.

"Kumain ka na dyan. Don't look at them." sabi pa ni Tin.

Bakit ba sumama sama ako dito! Si Tin lang naman nagpilit sakin. Ganda ganda ng paglalaro ko ng playstation inistorbo ako at sinama dito.

Hanggang sa matapos kaming kumain tinignan ko lang sila Jema maglandian sa harap ko.

Wow talaga! Si Jema ba talaga to? Ang harot harot ah. Di naman siya ganito dati. Nag iba na siya, di ko na siya kilala.

"Ang sama ng mukha mo dyan?" napabagsak na lang ako dito sa couch sa room namin Tin. Gusto ko muna magpahinga.

Di ko siya pinansin. Naglaro na lang ako sa phone ko.

"D, magbihis ka na. Inaantay tayo ni Yan."

"Ikaw na lang. Pagod pa ko, ako kaya nagdrive." bigla niyang kinuha yung phone ko.

"Hoy, D! Ang arte mo ah. Si Jema lang naman dahilan kaya nagkakaganyan ka. Ano selos ka?"

"What?! Ako selos? Hello, I'm Deanna. Ako magseselos? No way! Bahala siya sa buhay niya. Pagod lang talaga ako. Mauna ka na dun."

"Ewan ko sayo. Wag nga ako, D. Kilala kita. Kung ako sayo kausapin mo na kasi siya."

"Bakit ba pinupush mo ko dun ha? Parang di mo alam ha?"

"Di kita pinupush, gusto ko lang kausapin mo siya. Saka alam ko no. Di ako kontrabida sa buhay mo, ipapaalala ko lang."

"I just wanna be home, Tin."

"We are home. Masasanay ka din dito. After this, sasamahan kita sa Cebu kung gusto mo."

"Hay, ayoko muna isipin. Parang di pa ko ready makita sila."

"No one is ever ready. Sasamahan kita."

"Okay, bahala na. Pero sige na, mauna ka na. Susunod ako."

"Sige, sumunod ka. Nakakahiya kay Yan."

"Yeah, promise."

I hate this feeling...

WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon