2

961 57 10
                                    

J

"I don't know what to say, Jema sa lahat ng sinabi mo. Basta, Jem, nandito lang ako lagi, alam mo yan."

"I know, Ky. Thank you ah." kalmado na ko.

Nakwento ko na lahat kay Kyla. Pinakinggan niya lang ako, wala siyang sinabi.

Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko, ang tagal ko din kasing sinarili to, halos dalawang taon na.

Ni hindi ko alam sa sarili ko kung gusto ko ba siyang makalimutan na pero gusto ko ng mawala tong sakit na nararamdaman ko. Ang hirap hirap na kasi.

Siya at siya pa din ang nasa puso at isip ko. I can't imagine myself with someone else.

Bumalik na din kami ni Kyla.

Hanggang 3pm lang ang work namin pag sabado. Pag Sunday naman puro by appointment lang.

At dahil gawain na namin ang mag unwind pag sabado, dumiretso kami sa mall pagka out namin.

"Jem, saan tayo? Kain muna ba tayo?" tanong ni Kyla pag pasok namin dito sa mall.

"Sige, kain muna tayo. Nakakagutom eh. Saan mo gusto?"

"Hmmm, gusto ko ng milkshake at pomodoro."

"Sige.. Pero saan? Ikaw na pumili."

Tama ako ng hula kung saan ako dadalhin ni Kyla, same resto lang naman. Alam ko na din ang oorderin ko dito.

Sa same spot din kami umupo. Kinuha agad ng waiter yung order namin. Nagpaka busy muna kami sa phone namin habang naghihintay.

FB... IG... Twitter... Repeat!

Wala namang bago sa social media.

Memes sa FB, show off sa IG, rants at chismis sa Twitter.

"D, you should have listened to me." uhmm, may umupo na ata sa table sa likod namin. Naramdaman kong may umupo sa likod ko eh. Talikuran kasi tong couch.

"Wait, I'll fix your collar." sabi ulit ng babaeng boses. I think nag extend yung girl ng kamay sa side ko, inabot siguro yung kasama niya. Naamoy ko kasi yung perfume.

"Okay na, Tin." wait?!

Magsalita ka ulit!

Goosebumps!

Not in any way! Pero hindi ako pwedeng magkamali. Sa kanyang boses yun.

I need confirmation.

Parang gusto kong lumingon sa likod ko.

"Jem!"

"Para kang natigilan dyan? Dito na order natin. Kain na tayo."

Grabe yung kabog ng dibdib ko. Parang gusto kumawala ng puso ko.

Dinig na dinig ko na yung pag uusap nila sa likod ko. Boses niya to!

"Ky, nababaliw na ba ko?"

"Ha? Anong sinasabi mo?"

"Yung kinuwento ko sayo kanina, parang naririnig ko siya ngayon, Ky."

"Yung jowa mo dati? Anong naririnig? Naku, Jema.. Kumain ka na, gutom na yan."

Pero imbes na sumagot ako, tumayo ako sa upuan. Hindi ako nababaliw.

Pag harap ko sa nakaupo sa likod ko, pareho sila ng kasama niyang napatingin sakin.

"Any problem, miss?"

Pero hindi ko pinansin yung babae. Nakatitig lang ako sa kanya.

Hindi ako nababaliw.

Napatayo siya habang nakatitig din sakin.

"J-Jema?"

"Ako nga... B-bakit?"

Shit!

Ano to?!

Totoo ba talaga to? Bakit!

"Jema, okay ka lang?" nasa tabi ko na pala si Kyla.

"Miss ano? May problema ba?"

Ano, Deanna! Magsalita ka!

"Jema, let's go..."

Nagpatangay na lang ako kay Kyla. Nadala niya ko hanggang labas, malayo dun sa resto.

"Okay ka lang?" inabot niya sakin yung panyo niya.

Hay, umiiyak na pala ako di ko pa alam.

"Ky, siya yun! Siya yun!" hindi ko na napigilan ang emosyon ko.

Iyak ako ng iyak.

Hindi ko alam kung magagalit ba ko, matutuwa o ano ba?!

Bakit?!

WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon