11

544 29 3
                                    

D

"Again!"

"Coach, break muna please."

"Anong break? Di mo pa nga nakukuha yung goal natin ngayon, pagod ka na?"

"Coach please..."

"Deanna..." it's Tin.

"Masyado ka ng seryoso dyan ah." she added.

"Kala ko ba championship ang gusto mo?"

"Oo, pero hindi sa ganitong paraan. Pagod na yung bata natin. Gusto mo bang ma-injure ulit yan?"

"Go, Jillian. Bukas na ulit."

"Yes! Thank you, coach!" sabay ahon niya at takbo sa shower area.

"Anong problema mo, D?"

"Hay, wala no. Di ko lang makita na ready na so Jillian for the competition. Malapit na yun."

"Deanna, di mo ba nakikita yung laki ng improvement niya?"

"I see it, but..."

"She's not you, Deanna."

"Pero..."

"I'm proud of you kasi na train mo siya na maging ganon. And I know, we will get that championship."

"But, Tin..."

"She can't be you. Masyado ka ng stress. Let's go, mag lunch na muna tayo."

"Gusto ko ng bumalik sa Perth."

"What?"

"I said, uwi na tayo sa Perth."

"I thought you're having fun here?"

"Yes, pero... We never planned of staying here for good, right?"

"How about Jema? Hindi mo ba siya kakausapin?"

"Para saan pa?"

"My god, Deanna naman!"

"Oh, bakit na naman?"

"Better talk to Jema or else di tayo babalik sa Perth."

"Ano ngang sasabihin ko, Tin?"

"Deanna, mag explain ka. Bakit nawala ka, bakit buhay ka ngayon, bakit di mo agad siya nasabihan. Ganon, ano ba..."

"Maguguluhan lang siya."

"Maguluhan ng kung maguluhan, mahalaga nasabi mo. Hindi yung parang nanghuhula siya sa lahat ng tungkol sayo."

"And after that, mawawala na naman ako."

"After that, it's all up to Jema."

----------

J

Nag early out si Kyla. Ako na lang ang naiwan dito sa clinic. Wala naman ng patient, inaayos ko na lang din yung gamit ko para makauwi na.

At pag labas ko ng pinto, I saw a familiar car. Kilala ko kung kanino to. Bumukas ang pinto ng kotse at siya nga.

Madadaanan ko siya palabas, so, no choice. Hindi ko na lang siya titignan.

"Hey, Jema..." arrrggghhh bbwisitin na naman ba ako nito.

"Jema, can we talk?" sinundan pa talaga niya ko.

"Deanna please. Kung bbwisitin mo lang ako, pwede bukas na lang?"

"No, Jema. Gusto ko lang kausapin ka."

"At tungkol naman saan?" gusto ko na umuwi, pagod na ko.

"I'm sorry kasi nandito ako."

Mag sasalita na sana ako pero pinigilan niya ko agad.

"Please, hear me out first, Jema."

"Okay, I'm listening, Deanna."

"As you can see, Jema. I'm very much alive. And I know the last thing you remember about me was me drowning."

Damn. Eto na ba yung inaantay kong explanation.

"Yes, Jema. Yun din yung huling kong natatandaan nung araw na yun." nakatingin lang siya sakin.

"Then, I woke up. Sa hospital. I don't know, Jema. Wala akong maalala agad pag gising ko. Yung mga tao na nakakita sakin was convincing me na hanapin na yung family ko o kung sino mang nakakakilala sakin, kaso wala akong maalala non, Jema."

"So, what did you do?"

"I told them to give me some time. I had some stitches on my head and some bruises on my face."

May nakakita pala sa kanya pero saan? Bakit di namin siya nakita.

"It took me longer to recover."

"Hinanap ka namin ng sobrang tagal, Deanna."

"I know, Jema. I saw the news, and I'm really really sorry. Hindi ko namalayan na sobrang tagal na bago ako nakarecover, you've all accepted my fate."

"At paano mo nasabi yan ha?" parang naninikip tuloy ang dibdib ko, gusto kong umiyak at sumigaw.

"You all stopped looking for me."

"That's what the news said. Pero naisip mo ba ko?"

"Yes. Pero natakot na ko, Jema. Baka nakalimutan mo na din ako tulad ng family ko. I went back to see them, pero masaya na sila kahit wala ako. Kaya naisip ko, baka ganon ka din."

Kusa na lang tumulo ang mga luha ko. Bakit, Deanna? Bakit?!

"Jema, please... Please, don't cry, Jema. It's all my fault."

"Yes! And yes! Kasalanan mo lahat to! Kasalanan mo bakit nasasaktan na naman ako ngayon!"

"I know, Jema. I know. Gusto ko lang sabihin ang lahat sayo bago ako umalis."

"Alam mo, wala na akong pakialam kung anong gusto mong gawin. I just don't wanna see you anymore!"

At saka ako tumakbo paalis, palayo sa kanya. Ayoko ng marinig yung iba pa niyang sasabihin. Malinaw na sa akin na pinili niyang itapon lahat ng meron kami noon.

WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon