J
So, I kept on stalking Deanna's instagram the whole day. Buong araw din kasi siyang nag update ng nag update sa instagram, post and stories. Kasama nga niya si Tin.
Kung saan saan sila pumunta ni Tin. Last update niya ay yung papunta na silang Sydney Tower. Kaya agad agad akong umalis ng unit. Dito na ako tumambay maghapon sa isang cafe malapit sa tower.
Kaso pagabi na wala ng update si Deanna pati si Tin. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko. Ni hindi ko nga alam kung anong sasabihin o gagawin ko pag nakita ko siya ngayon.
"Hay, naku, Jema! Ano bang ginagawa mo sa buhay mo..." bulong ko sa sarili ko.
Lumabas na lang ako ng cafe. Hanggang sa dumilim naglalakad lang ako, tingin tingin baka may makita akong magandang kainan, dito na din ako mag didinner.
Haaaay, nandito lang si Deanna pero parang ang layo layo pa din niya. Di ko naman kasi alam kanina kung susundan ko ba sila o ano. Parang ang stalker naman ng datingan ko.
Kaloka!
Sobrang lungkot tuloy ng pakiramdam ko. Di ko tuloy alam bakit nandito ako, eh siya naman talaga ang pinunta ko dito hindi ang trabaho.
"Jema?"
Oh my! It's Tin! Naglalakad siya papunta sakin.
"Hey, hi, Tin.." kalmadong bati ko sa kanya.
"Oh my god, Jema! Ikaw nga! What are you doing here?" yumakap at nag beso pa siya sakin.
"Ahhhmmm, I work here now."
"Really? Kailan pa? Bakit di ka nag sabi? Oh my god! May kasama ka ba?"
"Tin! Hey..."
Shoot! Nananaginip ba ko?!
"Ohhh..." yan lang ang nasabi niya pagkakita sakin.
"Hey, D! Jema's here! Jema, are you with someone? Sama ka samin!" nag smirk lang si Deanna.
Si Deanna nakatingin lang sakin. Blank expression lang.
"Ahhh.. No, I'm okay. Pauwi na talaga ako." kahit di naman talaga.
Pano ba naman, gustuhin ko mang sumama sa kanila, di ko alam kung gusto ba kong kasama ni Deanna. Wala man lang siyang reaction.
"Hey, Jema. Ano ka ba. Come on, sama ka sa amin. Kahit dinner lang please." eto na naman yung ang hirap tumanggi kay Tin.
"Yeah, Jema. Come on, sama ka samin. We got extra ticket sa Sydney Tower." sabi ni Deanna.
Shemz! Parang napilitan pa siya dahil kay Tin. Haaaaayyyy 🥺
Pero eto naman ang gusto ko eh. Makita siya at makasama pero bakit parang ang lungkot pa din.
"Yey! Let's go, Jema!"
Kumapit sa braso ko si Tin, nasa gitna namin siya ni Deanna. Hindi na ako nakatanggi.
Akala ko mag didinner agad kami pero dumiretso kami sa observation deck.
"Wow!" eto na lang ang nasabi ko pagdating dito. Ngayon lang naman kasi ako nakapunta dito. Ang ganda ng mga ilaw.
"Better than sailing, right, Jema?" nasa tabi ko na pala si Deanna.
"Maybe..." sagot ko.
"Do you still sail, Jema?"
"Yes, paminsan minsan pag may time."
"All right." tapos umalis na siya. Sinundan niya si Tin.
Maya maya nag aya si Tin. Skywalk dapat ang susunod, bigla akong na excite sa sinabi ni Tin. Hindi ko pa nasusubukan yun.
Pagdating namin, nauna kami ni Tin sa labas. Si Deanna parang ayaw pumasok.
"Deanna! Come on!" tawag ni Tin sa kanya.
Si Deanna di mo maintindihan kung lalakad palapit samin o aatras.
"Sige na, kayo na lang. I'll wait here."
"No!" lumapit si Tin sa kanya at hinila siya palabas.
"Tin, wait! Wait!"
"What, Deanna?" parang naiinis na tanong ni Tin.
What now? Ano bang nangyayari dito kay Deanna? Wala namang nakakatakot dito. At sa pagkakatanda ko siya nga tong mahilig sa mga extreme rides non.
"Wait, wait! I feel like drowning here."
"Come on! Fight that fear."
Tapos bigla siyang humawak sa kamay ko habang naglalakad na kami.
"I just can't! Kayo na lang." nagmamadali siyang umalis.
"Let's go, Jema. Sundan na lang natin si Deanna." disappointed ang itsura ni Tin.
"Hey, Tin. Hmmm..."
"Yes, Jema?"
"Bakit ganon siya?"
"May fear of heights si Deanna. Lagi siyang ganon. But to a particular place lang, di sa lahat. She's gonna be fine."
"I see... Okay."
Madami na ngang nagbago sa kanya, madami na kong di alam.
Dumiretso kami ni Tin sa dining area dito. Nandun nga si Deanna, inaantay kami. Nag sorry naman siya samin at balik na ulit silang dalawa ni Tin sa kakulitan, parang walang nangyari.
Magkatabi sila ni Tin sa harap ko. Kwento lang ng kwento si Tin sakin, si Deanna tumatango lang at paminsan minsan busy sa phone niya.
"Jema, kailan ka pa nga dito?"
"Matagal na, 1 year na ako dito."
"Ang tagal na pala. Free ka ba bukas? We're staying here for another 3 days pa eh. Sama ka samin, bonding tayo tapos itour ka namin."
Wow! Ang bait naman ni Tin.
"I'll answer this muna ha?" paalam ni Deanna samin. Tapos lumabas na siya.
"Ano, Jema? Sama ka ba samin?"
"Sure! Naka leave naman ako sa work."
"Yes! I'll message you the itinerary for tomorrow ha."
"Sure, Tin. Sa Perth pa din kayo naka base ni Deanna?"
"Oo, Jema. Nag unwind lang talaga kami dito. Si Deanna talaga nag aya habang nasa vacation sila Rachel."
Owwww... That Rachel. Sino ba kasi siya?
Bago pa ko makapagtanong ulit bumalik na si Deanna. May dala siya bagong kuhang mga food, mostly, fruits.
Si Tin naman yung nagpaalam na lalabas, tumatawag daw yung sister niya sa kanya.
Sinundan ko lang ng tingin si Tin hanggang makalabas, pag tingin ko sa harap ko, nakatingin lang si Deanna sakin.
"Jessica..." tawag niya sakin.
"Yes, Deanna."
"Be honest about this, why are you here?"
Para akong kinabahan sa tanong niya.
"I'm here for you..."
"Di ba I told you that---"
"Yes, Deanna. I know what you told me. Pero ang dami ko pang tanong tapos nawala ka na agad. Nawala ka na naman."
"Please, Jema. Just go home.. Hindi na ako yung Deanna dati."
"What do you mean, Deanna?"
"Sinabi ko naman sayo, hindi na tayo pwede."
"Bakit? Bakit nga kasi?!" medyo napalakas na yung boses ko. Bigla kasing bumigat ang dibdib ko. Para akong sasabog sa bigat.
Bakit ganito na lang niya ko kausapin. Dati para ako lang yung mahalaga sa buhay niya, ngayon halos pagtabuyan niya ko.
"Masasaktan ka lang ulit. At ayoko ng mangyari yun. Now, get yourself together, Jessica. We're in a public place, wag kang umiyak."
