8

711 38 8
                                    

J

"Jema, is that..." napatingin agad ako sa tinuro ni Kyla.

Kahit sa malayo kilala ko na agad eh, si Deanna. Palabas ng bar habang nakaakbay lang naman sa kasama niyang babae na kung makakapit sa kanya akala mo aagaw kay Deanna sa kanya.

"Si Deanna yun, di ba?" tanong ni Kyla. Sinundan ko lang sila ng tingin hanggang sa makalayo sila samin.

"Ang dami mong nakikita, Ky. Saan ba tayo pupunta?"

Pano ba naman tong si Kyla, anong oras na matutulog na dapat kami nagyaya pa lumabas, di daw siya makatulog.

Pero ayos din, ang ganda pala dito sa beach pag gabi na, mailaw at maraming bukas na bar at resto.

"Hmmm, alam ko na! Haha, sundan natin yung ex-jowa mo... Tara, dali, Jema!" hila sakin ni Kyla at talagang sinundan sila Deanna.

Huminto kami nang medyo malapit na kami sa kanila.

"Hala, grabe naman si ate girl makakapit." sabi ni Kyla.

"Tara na kasi, balik na tayo. Inaantok na ko."

Pag lingon ko, shoot! Nakita ata nila kami, naglalakad sila palapit samin. Hinihila hila ko si Kyla pero ayaw niya umalis.

"Let's stay, Jem." sabi ni Kyla.

Ano naman kayang trip nitong ni Kyla. Si Deanna halatang lasing na lasing na sa lakad niya eh.

"H-hey, Jema...." shocks! She's so drunk.

Parang talagang ibang tao na siya. Hindi naman to yung kilala kong Deanna noon.

Akay akay siya ng kasama niyang babae. Di naman to si Tin.

"Deann, come on. Ihahatid na kita sa room mo, hinahanap ka na ni Tin." sabi ng kasama niya.

"Aissshhh, Ara... If you want, una ka na sa room."

Room??? Ay, ewan.

"J-jema... Sinusundan mo ko no..."

Aba, ang kapal nga naman. Malay ba naming nandito sila.

"Uy, Deanna. Lasing ka na, alam ba ni Tin to." sabi ni Kyla.

"K-kyla, right?" nalasing lang siya, nakalimot na?

"Lasing ka na nga, Deanna... But, yes, I'm Kyla hehe." natatawa pa si Kyla.

"Do you know me, Kyla?"

"The dead one?" What?! Napahawak tuloy ako sa kamay ni Kyla.

Ano ba tong sinasabi niya.

Tumawa lang ng nakakaloko si Deanna.

"Wong, tara na! Let's go!" inayos na ng kasama niya yung pag alalay kay Deanna. Halos di na siya makatayo ng maayos.

Tapos para pang nataranta bigla yung kasama niya.

"Hey, guys. Sorry, I'm really sorry, we will go na." sabi nung Ara.

"Wait, wait, Ara..." pigil ni Deanna.

Tumingin siya ng diretso sakin at pilit na idinilat ng maayos ang mga mata niya.

"I'm not dead, Jema. I am not."

Tapos ayun, nawalan na siya ng malay sa kalasingan.

Tinanaw ko na lang sila ng kasama niya hanggang makalayo sila samin.

Yeah, okay, Deanna. You're not dead.

WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon