3

865 55 9
                                    

D

"What?"

"Anong what?"

"Kanina ka pa wala sa sarili mo."

"I'm just tired, Tin. Maaga pa pasok ko din bukas."

"Maaga pa ang training 'natin' bukas." pinagdiinan pa talaga ni Tin yung 'natin'.

"Okay, okay, natin na. Pag uwi na tayo mag usap nagdadrive ka oh. Focus on the road."

Ang sakit ng ulo ko.

Siya ba talaga yung nakita ko kanina? Ang bilis, hindi man lang ako nakapag react.

Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa labas ng kotse. I hate this season, tag ulan na naman.

"Tinatanong pala nila mama kung kailan tayo bibisita sa kanila. You know, ang tagal na nung huli tayong nagpunta dun." Tin said.

"Pwede bang sa summer na lang? Tag ulan ngayon oh, delikado bumyahe papunta dun."

"Okay okay, sasabihin ko na lang kina mama."

Ayokong bumalik don.

"May problema ba, D?"

"Pagod lang ako."

"I know you. Sabihin mo na yan."

Haaay...

"Alam ko namang di ka titigil eh."

"So, come on, spill it."

"Yung babae sa resto kanina---"

"I knew it!" pagputol ni Tin sakin.

"Sabi na eh, yun ang iniisip mo. Sino siya? Part of the past ba? Come on, di ka magkakaganyan kung wala lang siya."

"Alam mo mag drive ka muna."

"Traffic, D.. Nagugutom na din ako, mag stopover kaya muna tayo? Pahupain natin tong traffic."

"Sige, ipark mo na pag lagpas ng traffic lights."

Nagpark kami sa isang cafe.

"Sasabihin mo o sasabihin mo, D?" tanong ni Tin pag lapag niya ng tray sa table.

Dito kami pumwesto sa outside seating ng cafe para makita namin kung hindi na traffic.

"Syempre sasabihin ko, kailan pa ko may di sinabi sayo, sa kulit mong yan."

"Go, sabihin mo na. Sino yun?"

"Hmmmmm... The one that got away hahaha.."

"Sira ulo ka! Sure ba yan, D?!"

"Oo nga haha."

"Natatawa ka pa dyan.. So, siya si Jessica?"

"Oo siya, di ako pwedeng magkamali, siyang siya yun."

"Anong plano mo?"

"Wala, Tin. Anong gusto mong gawin ko? Makipagbalikan? Haha."

"Para kang tanga, D. Bakit ganyan ka?"

"Ayoko isipin. Saka matagal na yun, di ko naman siya makikita kung di tayo umuwi dito."

"Wala kang plano talaga? Kausapin siya, iexplain lahat sa kanya?"

"Para saan? Saka ang tagal tagal na non. Baka nga may iba na yun at masaya na sa buhay niya tapos guguluhin ko pa."

"I doubt. Nakita mo ba yung reaction niya kanina pagkakita sayo?"

"Hindi. Ayoko ng alamin pa."

"Ang sarap mong batukan! Hoy, pinangakuan mo dati yun!"

"Galit na galit ka? Eh sa ayoko na nga. Ayoko na siyang guluhin."

"Ewan ko sayo! Nakakainis ka, D!"

"Ano na naman? Baka magsumbong ka pa kay mama nyan?"

"Oo isusumbong talaga kita pag di ka umayos."

"Hay naku, what do you want me to do ba?"

"Talk to her. Explain everything. Naguguluhan yun. Kahit yun lang para naman malinawan siya."

"Bahala na..."

WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon