15

539 38 1
                                    

J

Pagkatapos ng championship celebration, hindi ko na nga nakita ulit si Deanna sa university. Pero si Tin nakita ko pa siya, nag stay pa siya ng isang buong semester.

Isang beses lang ako nagka chance na tanungin si Deanna kay Tin, nung isang beses na dumaan si Tin sa clinic at paalis na din pala siya non.

Ang sabi niya lang nauna na si Deanna bumalik sa Australia dahil urgent. Siya kasi tinapos niya pa yung isang semester dahil naghahanap pa ng kapalit na coach.

Tapos wala na. Sa social media ko na lang nakikita si Deanna, hindi pa sa mismong account niya, kay Tin. Finollow niya kasi ako sa instagram, nakakahiya naman hindi magfollow back.

Well, sa nakikita ko naman mukhang masaya naman si Deanna eh. May mga bagay talaga na hindi na pwedeng ibalik sa dati.

Pero ewan, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko. Ang dami ko pa kasi sanang tanong kaso nawala na bigla si Deanna eh. Gusto ko malaman bakit hindi pwede yung amin.

Pumunta ako dito sa Australia, sinadya ko talagang maghanap ng kahit anong work dito para lang hanapin siya.

Inabot din ako ng mahigit kalahating taon kakahanap at kakapasa ng resume at credentials, may tumanggap din sakin.

Buti na lang madaming benefits yung company,  may free boarding sila, food and transpo allowance. Pero sa Sydney kasi yung nakuha ko, ang pagkakatanda ko nasa Perth sila Deanna at Tin.

Ang layo...

Nandito na nga ako sa Australia pero ang layo layo niya pa din. Tapos ang laki laki pa ng Perth, saan dun?

Hindi na rin ganon ka active sa social media si Tin at bihira ko na makita sa mga post niya si Deanna. Ayoko naman magtanong, baka ma weirduhan sakin na bakit nandito ako.

Gusto ko, ako yung hahanap kay Deanna. Ako yung makakakita sa kanya.

Isang taon na ko dito. Ngayon lang ako nagkaroon ng oras para mag break muna sa trabaho. Gusto ko kasi muna ipakita sa work na tama lang na tinanggap nila ako, kaya isang taon talaga akong tuloy tuloy nagtrabaho.

Kaya nung humingi ako ng leave sa supervisor ko pinayagan niya agad ako. 1 week lang naman yung hiningi ko, para makapagpahinga ako at makapag ikot ikot dito.

This is the first day of my leave. Maaga pa din ako gumising para mag prepare ng breakfast. May sariling staff house yung company namin, at dahil konti lang naman kaming foreigner sa company, tig iisa kami ng unit dito.

Maliit lang yung unit. Sabi ng nagbabantay dito designed daw yung unit for 2 persons. Dalawang tao? Eh sapat na sapat lang sakin yung space. Buti na lang tig iisa kami.

Pag pasok ng unit, sa kanan maliit na toilet and bath agad, shoe rack sa kaliwa. Sunod maliit na kitchen, dining table agad na pang dalawang tao, then bed ko na at window. May maliit na closet lang for my clothes.

Malaki naman yung compensation kaso di ko pa rin kakayaning kumuha ng sariling apartment ang taas ng rentals dito. Saka maganda naman tong unit, okay na sakin to.

Nag scroll lang ako ng scroll sa instagram hanggang sa mag message si Kyla. Nangangamusta. Dun pa din siya sa university nag wowork.

Then, she called...

"Hi, Jema!!!"

"Uy, Kyla! Kamusta ka na?"

Di naman halatang miss na miss namin isa't isa. 😁

"So, anong plano mo today? Wala ka bang balak umuwi ng Pinas ang tagal mo na dyan ha? Nakita mo na ba siya ha?"

"Kaloka ka! Kaka leave ko lang di ba? Baka pwede magkape muna ako? Haha."

"Gaga! Ano nga? Anong plano mo?"

Siya lang pinagsabihan ko ng totoong dahilan bakit nandito ako. Sa pamilya ko sabi ko lang opportunity to. Saka payag naman sila agad, matanda naman na daw ako.

"Actually, di ko pa alam. Ngayon palang sana ako mag paplano kaso tumawag ka. Hahaha."

Maasar nga to...

"Ano ngaaaaaa, Jemaaaa! Di na tatalab sakin yang pang aasar mo."

"Hmmm... Baka mag ikot ikot muna ako dito, di pa ko nakakapag city tour dito sa Sydney."

"Tapos?"

"Baka hanapin ko na siya haha..."

"Tuwang tuwa ka ah. Alam mo ba kung nasaan siya ha?"

"Haaaay, alam ko lang nasa Perth."

"Eh yan pa yung dati mong alam eh. Pano kung lumipat na pala? Saka ang laki ng Perth, ang layo pa. Sinearch ko kaya."

Wow! Ibang level na pala tong kaibigan ko, nag search pa para sakin.

"Ibang level na yang skills mo, Kyla ah."

"Speaking of skills. Naku, baka mas alam ko pa kung nasaan si Deanna ngayon kaysa sayo! Hahahaha."

"Hoooooyyyyy! Hindi ngaaaaa?!"

Napainom tuloy ako ng kape lalo!

"Pilitin mo ko! Hahaha."

"Ky! Sige na nasaan? Para di na ko mahirapan."

"Bakit kasi hindi mo i-follow sa instagram yung tao?"

Owww, I remembered! Si Kyla nga pala lageng nag sstalk non kay Deanna.

"Ehhhh ewan, basta. Nasaan siya?"

"Hay naku! Jema, kung ayaw mo i-follow, just check her IG. Hindi naman siya naka private."

Tapos sinend niya sakin yung username ni Deanna.

"Good luck, Jemaaaa! Bye!" ang loka, binabaan ako agad.

And, yes. She's right. Hindi nga naka private si Deanna.

Ohmygod! Nandito siya sa Sydney! Kasama niya si Tin. May post pa siya kahapon, shot sa plane. Kahapon siguro sila dumating dito.

Nakita ko naman sa IG ni Tin to pero kasi di ko naisip na kasama niya si Deanna. Pictures lang kasi niya yun, wala si Deanna.

Grabe, Jemaaaaaa... Tadhana na gumagawa ng paraan!

WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon