J
I got a message from Jillian.
Yung bata from swimming. Akala ko nga di na niya ko naalala. Almost a week na din nung dinala siya dito.
Ang sabi lang niya sa message, nagttrain na ulit siya. Ang bilis naman. May concern lang siya ulit sa shoulder niya pero di daw siya makadaan sa clinic.
So, I decided na ako na lang ang pupunta sa kanya today. Early morning, bago mag simula ang training niya.
Pero nagtataka talaga ako bakit nagttraining na siya. Kahit di ako doctor, alam kong 2 to 3 weeks pa ang recovery ng shoulder niya.
Ang aga aga, 5am pa lang pero nandito na ako sa school at dumiretso ako dito sa swimming area.
Wow! Ang aga aga pa pero may mga nagttraining na. Ganitong oras ba sila lagi nagsisimula? No wonder na laging champion ang team nila.
"Jema?" inaninag ko pa yung tumawag sakin, di pa kasi bukas lahat ng ilaw dito.
"Jema, what are you doing here?" si Deanna.
Naka board shorts at drifit lang siya. Okay, nag ttraining nga sila. Nakaharang pala ako dito sa pool, ngayon ko lang napansin.
"Ang aga ng training niyo." yun lang ang nasabi ko.
Shit! Hanggang ngayon kasi hindi pa din ako makapaniwala na buhay tong taong to!
Naiinis na naman ako!
Wala man lang nag sabi sakin, ganon?
"Coach..."
"Oh, Jillian.. Bakit umahon ka na? Di ba sabi ko sayo tapusin mo yung lap?"
"Di ko na kaya coach. Ang sakit na ng balikat ko."
"Ang tagal mo kasing di nagtraining. Mawawala din yan pag nasanay. Tara, balik na tayo don."
Parang di na nila ako napansin dito sa gilid.
"Deanna, wait."
"What?"
"Ate Jema..." ngayon lang ata ako napansin ni Jillian.
Pareho silang humarap sakin ni Jillian.
"Di mo ba narinig yung sabi ng bata? Masakit na yung balikat niya."
"Malapit na ang competition namin." sagot niya.
"Di ba nag sabi ako na 2 to 3 weeks pa ang recovery niya? Wala pang 2 weeks, Deanna. Mabubugbog lalo ang balikat nyan."
"You're not a doctor, Jema. Kung sumakit man yan, yun ang trabaho mo as PT. So, can we resume na ba sa training namin?"
I don't know what to say.
Para akong napipi. Siya ba talaga to? Parang hindi siya yung nakilala ko dati.
"Besides, you're not supposed to be here." dagdag pa niya at saka tumalikod, hila hila si Jillian pabalik sa pool.
Shit! Ang sakit non ah.
Bakit siya?! Dapat ba nandito siya?
Sa inis ko, umalis na lang din ako at dumiretso ng clinic.
Nakakabadtrip!
Umpisa pa lang ng araw ko ganito na agad.
----------
D
"Sige na, Jillian. Mag bihis ka na at magpahinga sa dorm."
"Po?"
"I said, magbihis ka na at bumalik sa dorm."
"Akala ko po coach tatapusin ko pa yung lap ko?"
"Hindi na. Magpahinga ka na muna. Ipahinga mo yung balikat mo. Next week ka na magtraining."
"Pero coach, di po pwede. Sabi ni coach Tin resume ako ngayon sa training."
"Ako ng bahala sa kanya. Next week na ulit. Ingatan mo yang balikat mo. Wala din munang gym training okay?"
"Yes po coach."
"Pacheck natin ulit sa PT yung balikat mo bukas. Sa ngayon magpahinga ka muna."
"Opo coach. Salamat po."
"Sure. Sige na, ingat ka pabalik ng dorm."
Hay, sinabi ko na kay Yan to na wag muna pabalikin sa training yung bata, ako pa tuloy nagmukhang walang pakialam.
Sumasakit lang ulo ko sa trabaho na to. Kung ano ano pa tuloy ang nasabi ko kay Jema kanina.
----------
J
Ano namang gagawin ko dito sa clinic? Ang aga aga pa. Pumasok lang ako ng maaga para matignan si Jillian.
Ang totoo on call lang dapat ako ngayon. Makauwi na nga lang.
Inayos ko muna ang gamit ko bago lumabas ng clinic. Di pa naman siguro traffic nito.
Pag labas ko may humintong kotse sa harap ko. Tapos may lumabas sa kabilang side nito.
Siya na naman. Haaaay...
"Jema...." ano na naman ba to.
"I'm sorry pala sa mga nasabi ko kanina. Pressured lang ako." she added.
"Sige na, okay na yun. Di naman talaga ako doctor."
"No, di ganon, Jema. Sorry na ohhh.."
"Okay, okay. Naiintindihan ko na. Sige na, uuwi na ko."
"Wait, uuwi ka na agad? Ang aga pa ah." ano ba naman to, uwing uwi na ko.
"Pumunta lang ako dito para kay Jillian. So, baka pwede na ako dumaan at ng makauwi na ko."
"Ang taray mo na ngayon, Jema ah. Di ka naman ganyan dati ah."
Wow! Sa kanya talaga nanggaling yun.
"Gusto ko lang umuwi please lang." pero humarang siya lalo sa dadaanan ko.
"Let's have breakfast, Jema. Mukhang di ka pa kumakain eh." baliw ba to? Parang walang nangyari ah.
Arrrggghhh! Nakakainis siya!
"Deanna naman!"
Tumawa lang siya!
Nang aasar ba talaga to?! Hindi nakakatuwa!
"Sige na, Jema. I'll treat you. Dun tayo sa favorite place mo."
"Tumabi ka nga!" tinulak ko na siya. Ubos na ang pasensya ko.
"Challenging. Okay, maybe next time. Ingat ka... Love!"
Tinignan ko siya ng masama bago tuluyang umalis. Love mo mukha mo!
