D
"Let's go back, Tin."
"So, okay na lahat sayo yun?"
"Yeah, I told her everything at wala na siyang pakialam sakin."
"And you believed that?"
"Yes. That's what she said."
"Come on, Deanna! Oh my god!"
"My god, Tin! I'm tired. I can't play this game, ayokong manghula. Kung anong sinabi niya yun ang paniniwalaan ko. And besides, ano bang gusto mong mangyari?"
And that made her paused... Tinignan ko lang si Tin.
"Yeah, you're right. Hindi nga pala pwede yung iniisip ko."
"See... Hindi tayo bumalik dito para kay Jema ipapaalala ko lang sayo, Tin."
"So, aayusin ko na ba yung flight schedule natin?"
"Yes, after the competition. But, book a flight first to Cebu, kahit 2 to 3 days lang, then, we'll fly back to Perth."
"Okay, D. I'll take note of that."
----------
J
"Yun lang ang sinabi niya, Jema?"
Tinawagan ko agad si Kyla. Pinuntahan niya agad ako sa apartment.
"Oo, Kyla yun lang. Baka wala na talaga yung totoong Deanna."
Then, Kyla gave me a hug.
"Akala ko pag nakausap ko na siya, pag nalaman ko na ang lahat, akala ko makikita ko ulit yung Deanna na nakilala ko, hindi pala. Iba na siya, hindi ko na siya kilala."
"Ano ng gagawin mo nyan, Jema?"
"Hindi ko alam, bahala na."
"Ang alam ko, Jema, hanggang after competition na lang sila sa university after non aalis na daw sila. Nalaman ko lang kay Yan."
"Yeah, nasabi niya yun sakin, na aalis na nga siya."
"Jema, para kasing may kulang eh. Ewan parang may di siya sinasabi. Bakit ganon? Bakit di man lang niya na open yung about sa relationship niyo?"
"Ewan ko, Kyla. Hindi ko talaga alam."
Haay, hindi ko alam kung magagalit ba ko kay Deanna o ano.
"Para bang nagpaliwanag lang siya sayo bakit biglang hello buhay ako. Parang bang wala kayong nakaraan o alam mo yun, parang wala siyang balak linawin lahat ng nakaraan niyo."
"Baka ayaw na din niya balikan yun."
"Hindi, Jem eh. May mali. Kung ako nag propose sayo tapos nakaligtas ako, hahanapin agad kita. Di ko papalipasin yung dalawang taon. Tapos nung nagkita kayo, lahat na ng chance meron siya pero mas pinili niya mag explain kung kailan paalis na siya."
"Ayoko na lang isipin, Kyla. Siguro panahon na talaga para kalimutan siya." at saka ko tinanggal ang singsing sa daliri ko.
"Wow, Jema. Sure ka na ba dyan?" halatang nagulat si Kyla sa ginawa ko.
Tinago ko ang singsing sa drawer ko. Hanggang dito na lang.siguro talaga lahat.
"Oo, Kyla. Kakalimutan ko na siya."
