17

616 37 1
                                    

J

"Hey, I'll just need to go for awhile." sabi ni Tin pagtayo niya.

Its day 1 with them? I guess. Sumama na ako sa aya ni Tin na sumama sa kanila, tutal naka leave din naman ako.

"Wait, what, Tin?" tumayo na din si Deanna.

Nakaupo kami dito sa park, Hyde Park ata yung tawag dito pagkakatanda ko sa sinabi nila kanina. Napagod kami kakaikot, dito sila nag decide magpahinga muna.

"Saglit lang ako, D. Promise, I'll just meet my friend. Nandito lang sila, I promise, I'll be quick. I'll be back before dinner."

"Dinner?!" Deanna exclaimed.

Ganito ba talaga mag usap tong dalawang to? Normal ba nila to? Pansin ko kasi mabilis sila magkapikunan pero ang bilis din naman nila maging okay.

Parang batang nagmamaktol tong si Deanna. Tumayo na din ako, di ko tuloy alam gagawin. Aalis pala si Tin, ano maiiwan kaming dalawa lang?

"Maglakad lakad muna kayo ni Jema mabilis lang ako. Okay lang ba, Jema?"

"Uhhmmm, I'm okay, Tin. Actually, I can go home naman na."

"Ohhh, no, Jema! Please, stay muna. I'll be quick, maganda yung kakainan natin later for dinner. Please..." She holds my arm and tries to convince me.

"Sure... I'll stay." sagot ko.

Hapon na din naman, so, mabilis lang talaga siya kung before dinner makakabalik na siya.

Wala na din namang nagawa si Deanna eh. Umalis na si Tin. Naiwan kaming dalawa dito sa park. Hindi ko na nga alam kung nasaan na kami at paano na pabalik.

Hindi ko naman kabisado ang pasikot sikot dito. For 1 year, way lang papuntang work at pauwi ang alam ko, may shuttle pa. Ngayon pa lang talaga ako nakaikot dito.

Narinig ko yung malalim na buntong hininga ni Deanna. Alam ko namang ayaw niya kong kasama. Ni hindi nga niya ko kinakausap simula kaninang umaga.

Di ko nga alam bakit sumasama pa ko sa kanila eh, mas nalulungkot lang ako pero ewan gusto ko kasi siyang makita at makasama.

Bigla na lang naglakad si Deanna. Di man lang siya nagsalita. Syempre sinundan ko siya, di ko pa naman kabisado tong lugar na to.

"Hey, Deanna. Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. Di man lang niya ko tinitignan.

"Dito na lang kaya tayo? Sabi naman ni Tin babalik siya before dinner eh."

"Eh di mag stay ka don, Jema."

"Deanna naman eh. Kausapin mo naman ako ng maayos."

Huminto siya at humarap sakin.

"Okay, ano bang sasabihin mo, Jema?"

"Tayong dalawa na lang to, Deanna. Kahit ngayon lang, kausapin mo naman ako ng maayos. Gusto ko lang naman ienjoy tong bakasyon na to."

"Ako din, Jema eh. Gusto ko lang din naman sana ienjoy tong vacation namin kaso nandito ka."

What she said hurt me. Paulit ulit na sa isip ko yung sinabi niyang "kaso nandito ka."

Tapos lumakad na ulit siya without looking at me. Ni di niya alam na di na ako sumunod sa kanya. Tinignan ko lang siya, ang layo na niya sakin.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit ba kasi pumunta pa ko dito! Tapos ganito lang din naman pala niya ko kakausapin. Mali, di pala niya ko kinakausap, ako lang ang kumakausap sa kanya.

Ayoko na! Hanggang kailan ba ko magtitiis sa ganito? Para akong tangang habol ng hahol sa kanya.

Hindi ko alam kung ano bang gusto ko, closure ba? Paano? Kailangan pa ba non?

WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon