14

519 32 6
                                    

J

"This is really my day! I won again! Yes!"

She extended her hand but I ignored it. Dire-diretso akong pumasok sa loob.

"Hey, Jema... Galit ka ba?" sinundan pa talaga niya ko dito.

"Uy, Jema, game lang yun. Ganyan ka ba tumanggap ng pagkatalo?"

She even grabbed my arm para lang huminto ako at humarap sa kanya.

"Bitawan mo ko, Deanna!"

"Why? Bakit ganyan ka sakin?"

"I hate you! I hate you! I hate you!" sa inis ko at halo halo na lahat ng nararamdaman ko, di ko na napigilang umiyak.

She tries to hug me pero tinulak ko siya at pinagsasampal.

"I'm sorry, Jema. I can't let you win this time."

Ang sakit sakit na, hindi pa ba siya tapos saktan ako.

Ang saya saya nila dun sa labas samantalang ako gusto ko na lang mawala dito.

"Bakit, Deanna ha? Bakit? Wala na ba yung dating meron tayo? Ayaw mo na bang balikan yun? Kung ayaw mo na bakit nagpakita ka pa? Bakit?!"

"Jema, hindi ko sinadya na magkita tayo. Wala sa plano ko yun. And I'm sorry for that."

"Sagutin mo ko, Deanna, please. Just this one. Ayaw mo na ba? Hindi mo na ba ko mahal?"

"What we had was beautiful. Di ko kakalimutan lahat yun, Jema. You know I did love you before, you know that."

"Did, Deanna? So, hindi mo na nga ako mahal?"

"I still do. Pero iba na ang sitwasyon ngayon."

"Deanna, please, stay. Let's figure this out together. Let's start again."

"Gustuhin ko man pero hind na pwede. Ang dami ng nagbago, Jema."

Tapos tumalikod na siya at akmang lalabas na.

"Alam mo, Deanna. Dapat kakalimutan na kita." humarap ulit siya sakin.

Nilabas ko yung necklace ko kung saan ko nilagay yung engagement ring na binigay niya sakin non.

"Hinubad ko na to, pero di ko pala kaya. Kaya nilagay ko to dito, mas malapit sa puso ko. Baka sakaling maramdaman mo ulit. Ayokong mag give up, lalo na nandito ka na."

Lumapit siya sakin at tinignan yung ring na hawak ko.

"Nasa iyo pa pala to, Jema? This is my mom's engagement ring. She gave it to me nung sinabi kong sigurado na talaga ako sayo noon."

Hindi ko alam na sa mama niya pala to. Ganon pala talaga niya ko kamahal.

Bigla niya kong niyakap.

"Jema, thank you. Salamat talaga sa lahat lahat noon. Wag mong iisipin na di kita minahal."

Bakit parang gusto ko ulit umiyak sa mga sinasabi niya? Ang bigat lalo sa pakiramdam.

Bumitiw na siya sa pagkakayakap sakin.

"Keep it, Jema. Sayo yan."

"Iiwan mo na ulit ako, Deanna?"

"I can't stay, Jema."

"Pero bakit? Nandito ka na, bakit aalis ka pa? Nandito ako, nandito ang pamilya mo."

"Jema, ikaw naman tatanungin ko."

"Ano yun?"

"Sinong pipiliin mo, yung taong mahal mo o yung pamilya mo?"

Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Padaliin natin, Jema. Ako o yung pamilya mo? Sinong pipiliin mo?"

"Bakit kailangan kong pumili? I can keep you and my family. Pwede ko kayong sabay mahalin."

"But, in my case, I can't do that, Jema. Soon, you will understand pag nagkafamily ka na din."

Hindi ko maintindihan. Ano bang pinagsasabi ni Deanna.

Lumabas na siya. Ako na lang ang naiwan dito.
.
.
.
.
.
.

"Bes..." si Kyla.

"Tara sa labas. Bakit di ka na lumabas dyan? Hinahanap ka nila."

Pinili ko na lang kasing manuod dito sa loob, ayoko din namang uminom. Nag iinuman na sila don sa labas eh

"Ayoko uminom."

"Eh di wag ka uminom, maglalaro tayo. Tara na, wag kj." di na ko nakatanggi, hilahin ba naman ako ni Kyla palabas.

Puro lasing na tong mga to halatang halata eh lalo na tong si Deanna, halos wala na siyang mata.

"Okay! Okay! Jema's here, we're complete. Spin the bottle na tayo. Walang pass sa mga dare ah."

Pati ata bote ayaw sakin, puro sa kanila lang tumatapat. Mga dare nila madadali lang naman. Until the bottle pointed to Deanna.

"Oppps! Deanna Wong! Walang pass to ah." Yan said. Naghiyawan pa sila.

"Go on, mate! Hahaha." sagot ni Deanna.

"Okay, put your phone here and yung first one na mag memessage sayo, tawagan mo at ipakilala mo kami. Haha."

That's easy! Kanina ko pa napapansin ang dadali ng mga dare nila.

Nilagay ni Deanna yung phone niya sa gitna namin tapos nakatingin lang sila don lahat. Ako kasi kay Deanna ako nakatingin, nakasandal na siya kay Tin. Lasing na lasing na. Para pang may sinasabi sabi sa kanya si Tin na naiinis siya.

Medyo matagal bago umilaw yung phone niya. Meron na atang nag message.

Kinuha to ni Deanna tapos sabi ni Yan ipakita muna kung sino para sure. It's from messenger, Rachel yung naka register na name.

Sinabihan na siya na tawagan pero biglang nag video call yun. Parang nataranta pa siya. Nag excuse muna siya.

Tapos bumalik na siya.

"Rach, say hi to my friends here..."

Nag hi naman yung Rachel. Tapos may biglang sumingit na bata don video.

"Ohhhh, my baby's here?" Deanna said.

What???

Naramdaman kong siniko siko ako ni Kyla.

"Jema, please explain?" bulong niya sakin.

"Ssshhhh... Hindi ko din alam."

"Ohhh, hi, baby Dane!" Tin said.

Nag hi silang lahat don sa baby na para bang normal lang. Kala mo kilala na nila yung nasa video call na babae at yung baby.

Tapos nag excuse ulit si Deanna. Tinignan ko lang siya don sa dulo. Para siyang bata na nagbababye dun sa bata.

Pag balik ni Deanna, siya namang tanong ni Kyla. Naloko na.

"Who's that, Deanna?" Kyla asked. My god!

"That's my family, Kyla." sagot ni Deanna pero sa akin ang tingin niya.

WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon