D
After a year, Jema went back to Manila. Tinapos niya na lang talaga yung contract niya dito sa Australia.
Hindi na rin naman kami nagkita after nung makita namin siya sa Sydney at makasama sa mga gala namin ni Tin don.
Naging busy na ako after non at si Jema din naman. Pareho kaming back to reality after ng short vacation na yun.
Pero nakapag usap naman kami ng maayos at nagkaintindihan na. We decided to keep in touch with each other, after all, may pinagsamahan naman kami.
"Deanna, what's your plan now?" Tin asked.
Weekend at pareho kaming walang pasok sa trabaho. Hindi rin namin alam ang gagawin. Kaming dalawa na lang yung naiwan dito sa Perth.
Yung parents ni Tin nagdecide na sumama na kay Rachel sa relocation nito sa work. At first, nalungkot talaga ako, nasanay akong kasama sila, lalo na si Dane.
Pero yun nga, lumalaki na si Dane kaya mas priority ni Rachel yung better opportunity sa work para sa future niya at ni Dane.
"Basta ang alam ko sawang sawa na kong kasama ka haha."
"Hay, sobrang kapal mo talaga, Deans."
Wala kaming mapapala nito, pareho kaming nakahilata dito sa couch still in our pj's watching random series. Wala ngang may balak mag luto o mag prepare man lang ng pwedeng kainin na breakfast.
"I'll go get some food." sabi ko pag tayo.
"Get me some food too, Deans." sabi niya habang naghahanap na naman ng ibang series.
Nagbukas na lang ako ng pork and beans, tapos toasted bread, at juice na lang. Nakakatamad eh.
"Here...." abot ko ng plate sa kanya.
"Again, Deans?"
"Yan lang meron tayo."
"Urgghhh, let's go grab some pizza." sabi niya at tumayo na din.
"Grocery na din tayo?"
"Great idea!"
Ang hirap talaga pag pareho kaming walang alam sa bahay. Usually, si Rachel o yung mom nila yung nag gogrocery, and now, kaming dalawa pa yung naiwan na magkasama dito. Sa gutom ata kami mamamatay.
----------
J
"Welcome back, Jema!" nakakatawa tong si Kyla. Maka welcome back.
Umuwi na ako dito sa Pinas after ng contract ko sa Sydney. Wala naman ng dahilan pa para mag stay don.
Balak pa nga ng boss ko na i-renew yung contract ko pero tumanggi na ako kahit pa inofferan ako ng mas mataas na salary, free housing, car, gas and food allowance.
Ipopromote pala sana nila ako kaso yun nga di na ako nag renew ng contract. Gusto ko na din kasing umuwi, malungkot mabuhay mag isa sa Australia. Mas gusto ko pa din dito sa Pinas, nandito ang pamilya ko at mga kaibigan.
Pero sinabihan naman ako ng boss ko sa Australia na pag nagbago ang isip ko at gusto ko bumalik, direct ko na siya tawagan para sila na ang mag aayos ng papers ko. Ang bait nga nila sakin eh.
"Madami tayong patient ngayon, Jema." sabi pa ni Kyla.
Nakita ko nga sa schedule sa desktop ang dami ngang patient ngayon dito sa university. Pero maaga pa naman, mamaya pa yung unang schedule namin.
"Noted, Ky. Labas lang ako saglit."
"Saan ka pupunta, Jema?"
"May bibilhin lang ako, babalik agad ako."
