10

575 29 1
                                    

J

Pagkatapos ng kagabi, buong araw kong di nakita si Deanna. Si Tin lang yung kasama namin maghapon.

Kung ano ano na ngang nagawa namin. Natry na namin yung ibang water activities nung umaga, pagkatapos namin mag lunch nag ikot kami para mamili ng mga souvenirs at kung ano ano.

Tinanong naman ni Yan si Tin about Deanna, sabi lang niya masakit yung ulo dahil sa hangover. Grabe naman kasi, lasing na lasing siya kagabi. Sila Brian at Miko naman humiwalay samin, kaya parang girls' hangout yung ginawa namin kanina.

Okay naman kasama si Tin. In fact, masaya siyang kasama. Mukha lang talaga siyang masungit sa umpisa, intimidating kasi yung datingan niya, ang ganda ganda kasi niya. But, hola! Sobrang pinoy na pinoy niya minus the accent. Magaling naman siya mag tagalog pero halatang hindi yun ang kinalakihan niyang languange.

"So, Tin, kwento naman dyan. Haha." biro ni Yan kay Tin.

Nandito kami sa isang cafe, malapit lang din sa beach house nila Yan. Dito na kami nag dinner and now nag order kami ng drinks, ayaw pa kasi nila umuwi. Nag eenjoy pa magkwentuhan. Sabagay, kahit ako nag eenjoy kasama sila.

"Naku, Yan ha. Ako naman nakita mo." sagot ni Tin.

Haha, I can't talaga with her accent pero ang galing talaga niya mag tagalog, may accent nga lang.

"What made you decide to stay here? Kala ko ba magbabakasyon lang kayo ni Deanna dito?"

Owwww... Medyo naging interesado ako, nabanggit kasi si Deanna. Si Kyla sinisiko siko pa ko dito sa gilid.

Parang tipsy na din tong si Yan at Tin eh, alcoholic drink ba naman orderin nila. Kami ni Kyla fruit shake lang inorder eh.

"Yeah, pero you know, Yan. Medyo napahaba yung bakasyon hehe." ang safe naman ng sagot nito. Yun na yun.

"Oh come on, you babe. Tayo tayo lang to. I know you. Haha." kalokaaaa si Yan, lasing na ata to. Ang lakas ng tawa niya.

Wait, hmmm... Kung di ako nagkakamali galing din Australia si Yan. Oo, tama ako, nabanggit niya yun samin dati. Baka naman matagal ng magkakilala tong dalawang to.

"Hay naku, ask Deanna. Hahahaha..." sagot ni Tin.

What?

Magkasama ba sila ni Deanna sa ibang bansa? Gosh! Lalo akong naguguluhan parang gusto ko din magtanong. Haha.

"Pero di nga, Tin. For good na ba kayo dito o ano?" nakikinig na lang kami ni Kyla sa kanilang dalawa.

"I don't know yet. Magulo pa."

"Why? Anong magulo?"

"Hay, ewan ko kay Deanna. Naguguluhan din ako sa kanya." medyo napatingin ako kay Tin.

Tapos napatingin din siya sakin sabay iwas. Dire-diretso niyang ininom yung nasa baso niya.

Anong meron?

"You know what, tell Deanna na harapin na si totga niya nga matapos na---"

"Yan!" halatang pinigilan ni Tin si Yan eh.

"What?"

"You're drunk, mate!"

"Yeah, yeah! Right. Let's go, balik na tayo. Baka gutom na yung baby mo don hahaha..." sabay akbay ni Yan kay Tin.

Sabay sabay na kaming tumayo. Anong oras na din. Walking distance lang naman dito yung kina Yan.

Nasa unahan sila Yan at Tin. Nakaakbay si Yan sa kanya, nalasing na tong si Yan.

"Uy, Jema hahaha."

"Wag mo na ituloy, Kyla."

"Gagi, di ka ba nacucurious sa ex mo?"

"Ex ka dyan..."

"Oh oo nga pala, di kayo nag break haha.." jusko, di ba titigil tong si Kyla kakaasar.

Ang sakit na nga sa ulo ng mga pinagkkwento nila kanina. Ang guloooooo...

"Hay, matulog na lang tayo agad pag balik."

"Jema naman ehhhh..." parang bata magmaktol haha.

"Pano kung di naman pala siya talaga nawala, Jema?" ang kuleeeeet...

"Wala na kong pakialam, Kyla. Besides, parang di naman siya yung kilala kong Deanna dati."

"At pano mo nasabi?"

"Ibang iba na siya. Di ganon yung Deanna na kilala ko dati."

"Ano ba siya dati? Jema please kwento mo, nacucurious ako."

"Yung kasama natin na Deanna, ang yabang, ang angas, walang paki alam. Alam mo yung parang sarili lang niya iniisip niya. Di ganon yung kilala kong Deanna. Yung kilala ko mabait, humble, lagi niyang iniisip yung mararamdaman ng mga nasa paligid niya."

"Haaaayyyy... Magkaiba nga sila."

"Di ba, kaya parang di ko kilala yung nasa harap ko eh. And one thing, di mo makikita si Deanna na mag phone unless its needed. Para sa kanya mas importante yung reality kesa yung mga distraction sa phone like social media and games, ayaw niya ng mga ganyan."

"Hmmm, yung nandito ngayon, well, lagi siyang nakaharap nga sa phone niya. All right, Jemacakes! Magkaiba sila."

Napabuntong hininga na lang ako. Magkaiba talaga yung kilala ko sa kilala ko ngayon. Tapos wala pa kong kahit anong explanation man lang na makuha sa kanya. Parang wala lang lahat sa kanya.

WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon