D
"So, anong trip mo non, Deans, ha? Bakit mo siya tinawag ng ganon?"
"Wala lang, ang cute kasi niya maasar haha."
"Di mo kakausapin si Jema?"
"Hay naku, Tin. Yan na naman tayo."
Ang saya saya ng kwento ko biglang itatanong yun. Napatayo na lang tuloy ako sa couch, ang sarap pa naman ng upo ko.
"Ohh saan ka pupunta?"
"Dun na ko sa room, gigisahin mo lang ako dito.."
"Ihhh, Deans! Dito ka lang. Mag momovie marathon nga tayo eh." hinila ako ni Tin paupo ulit sa couch.
Oo nga pala, mag momovie marathon pala kami dahil weekend ngayon, rest day namin.
"Wag na kasi natin pag usapan yun, Tin."
"Wait lang, kuha lang akong food and soda natin. Pili ka na ng movie." tumakbo siya papuntang kitchen.
Naghanap hanap ako ng movies pero wala naman akong mapili, hanggang sa bumalik na lang ulit si Tin at pumwesto sa tabi ko.
Pinaghandaan talaga namin tong rest day namin, halos isang buwan kaming tuloy tuloy sa training walang pahinga kahit rest day.
Nag grocery na kami kahapon bago umuwi para wala na kaming iisipin ngayong araw. Pareho pa kaming nakapanjama attire kahit ang totoo after lunch pa lang.
"Ikaw na pumili, wala akong mapili eh."
"Kahit kailan ka talaga, Deans. Pero teka lang, seryosong tanong kasi, anong balak mo kay Jema?"
Hay, di titigil to pag di ako sumagot, simula ng magkita ulit kami ni Jema di na ko tinantanan ng tanong ni Tin.
"Wala akong balak. Ayoko na siyang guluhin, mas okay na tong ganito."
"Baliw ka. Kahit man lang iexplain mo yung nangyari."
"Saka na yun. Di ko rin alam paano sasabihin sa kanya. Parang di rin naman siya nabobother hahaha."
"Gagi!" nakatanggap lang naman ako ng batok.
"Aray, Tin!"
"Dapat lang sayo yan! Ang sama mo. Ramdam kong ang dami niyang tanong, di lang niya magawang iconfront ka. Feeling ko di pa rin yung makapaniwala na hello, di ba dapat wala ka na? Tapos bigla kang susulpot na parang wala lang."
"Ewan ko sayo, dami mong sinasabi. Manuod na tayo. Pumili ka na!" inabot ko na lang sa kanya yung remote para manahimik na siya at sinimulan ko na ding kumain ng pizza.
"Hoy! Kunwari ka pa, si Jema pa din naman gusto mo. Pag yan nakuha pa ng iba."
"Baka nga meron na yun eh. Kaya nga ayaw ko na siya guluhin. Manuod na tayo."
Mas okay na siguro yung ganito. Yung parang walang nangyari.
----------
J
"Di mo pa din kinakausap, Jema?"
"Nakakainis siya, Kyla! Alam mo yung ang presko presko ng datingan niya. Di ganon yung kilala kong Deanna."
"Hahaha... Yeah, nameet ko na nga siya, may dinala silang bata sakin."
"Anong masasabi mo sa kanya?"
"Ang cute niya hehe."
"Hay naku, Ky! Given na yan."
"Uyyy! Si Jemaaaaaa!" langhiya! Nang asar pa si Kyla.
"Jusko, Ky haha. Inasar mo pa ko. Ano ngang masasabi mo? Ang presko di ba?"
"Hmmm, actually, she's nice naman. At ang polite niya."
"Ah basta, naiinis ako sa kanya!"
"Pero, Jema... Sino yung kasama niyang girl? Ang close nila eh. Yung parang bagong coach din sa swimming."
"Baka jowa niya, sabi mo close eh. Baka yan din yung kasama niya non dito. Payat at maputi?"
"Oo, tapos shoulder level yung buhok."
"Yan nga yung kasama niya non. Di ko kilala yun."
"Jowa niya kaya? Yiiieee selos si Jema."
"Bahala siya sa buhay niya. Buhay pala siya."
Ewan ko pero naiinis ako pag siya ang pinag uusapan.
Grabe wala man lang ba siyang balak magpaliwanag sakin? Sa mga nangyari? At kung ano ba talagang nangyari?
