J
"Jema, labas ka."
"Labas? Bakit?"
"Basta, labas ka."
Anong meron dito kay Kyla? Bumili lang ng kape sa labas to ah.
"Anong meron sa labas?" inaayos ko pa tong chart ng mga patient namin eh.
"Ako na dyan, sige na labas ka saglit. May naghahanap sayo dun."
"Sino?" naghahanap sakin? Sino naman? Wala naman akong pinadeliver.
"Basta nga. Sige na, labasin mo muna." ang weird ni Kyla.
Lumabas na lang ako. Maaga pa naman, wala pang patient dito.
Nakita ko agad siya pag labas ko. Nakasandal siya sa likod ng kotse niya.
"Hi, Jema." nandito pa pala to sa Pinas? Halos 2 weeks na din kasi simula nung wedding ni Yan.
"Hey, di ka pa bumabalik ng Perth?"
"Ah hehe, oo hindi pa. I just came back from Cebu, binisita ko sila."
Kaya siguro nandito pa siya, buti naman binisita niya yung family niya dun.
"So, what made you come here? Wala si Yan dito, naka leave pa."
"Ah, ano. Di naman si Yan ang pinunta ko dito. Ano kasi, Jema. Ahhh.."
Ano daw? Ano ba? Medyo nahihilo din ako sa kanya, ang restless niya. Nakita ko na to eh, nung nasa Sydney kami.
"Hey, okay ka lang?" nag aalala ako, ganito na naman siya.
"J-Jema... Flight ko na bukas pabalik ng Perth."
Ano bang dapat kong sabihin? Take care? Safe flight? Ano ba? Hindi ko alam.
"Jema, you can come with me if you want. Please, Jema give me another chance."
"You want me to give you another chance? Kung pumayag ako, paano mo gagawin yun, Deanna na nandun ka at nandito ako?"
"Come with me, Jema. Let's start again to another place. Please, Jema."
"I can't, Deanna. Nandito ang buhay ko, dito ako masaya."
"Pero sinundan mo ko dun, Jema."
"Oo, pero wala din namang nangyari di ba. At saka narealize ko hindi na natin mababalik yung dati, Deanna."
"We can start again, Jema."
"I'm staying here. Sige na, kailangan ko ng pumasok sa loob, may trabaho pa ako. Ingat ka, Deanna."
Hay, ang bigat bigat sa loob. Gusto niya ng chance pero hindi naman pwede yung gusto niya. Paano naman ako?
"Jema..." hay, ano na naman.
Ayoko ng humarap sa kanya, huminto na lang ako sa paglalakad.
"I can't stay here, 'cause I died here, Jema. I want us to start again anywhere but here."
Tapos narinig ko na lang na umandar na yung kotse niya. Umalis na siya.
----------
D
"Deans! Here!" there you go! Nakita ko din si Tin dito sa labas ng arrival.
"Let's go, nagpareserve ako for our lunch."
I'm back here in Perth.
"So, how's your family in Cebu?" tanong agad niya pagpasok namin ng kotse.
"Okay naman sila, namiss nila ako. May pinadala sila na food for you nasa bag ko."
"Wow! Dried mangoes?"
"Yes, at madami pa."
Nakatingin lang ako sa labas habang nagdadrive si Tin. I'm home again. Mas magaan ang pakiramdam ko dito, buhay na buhay ako. Nandito na talaga ang buhay ko.
"You know what, Deans. I found a place, resto! Ang sarap ng steak nila, magugustuhan mo. Dun nga tayo maglalunch eh."
Tinignan ko lang si Tin at ngumiti. At least, I have them here. Di man ako nagka chance ulit kay Jema, kasama ko naman sila Tin at mga kaibigan ko dito.
"Hey, ang weird mo."
"I'm just happy that I'm home again."
"Weird. 2 weeks ka lang nawala. Anyway, nag usap ba kayo ni Jema?"
"Yeah, bago ako umuwi."
"And?"
"And I realized, tapos na talaga yung saming dalawa hehe."
"Nag explain ka ba ng maayos?"
"Yeah, pero di ko naman siya mapipilit na dito kami mag simula. Nandun ang buhay niya, nandito ang sakin. And that's an obvious reason para hindi na ipilit yung sa amin."
"Aww, Deans. It's alright. We're here naman and I know you will find your happiness naman along the way."
"I'm okay, don't worry. Mahalaga naman sinubukan ko, at least, no regrets for the rest of my life."
"That's the spirit, Deanna Wong!"
Ang mahalaga ginawa ko ang lahat para wala akong pagsisihan sa huli. Siguro nga hanggang dito na lang kami.
Hindi pala lahat ng magagandang simula ay magtatapos ng kagaya ng inaasahan natin. Kung hindi talaga para sayo, hindi talaga mapupunta sayo kahit gaanong pilit pa ang gawin natin.
.
.
.
.
.E N D
![](https://img.wattpad.com/cover/240333270-288-k601558.jpg)