J
Another Monday again.
"Jema, coffee."
"Thanks, Ky."
"Ready ka na makipagbakbakan hehe. Monday naku, dadagsain tayo ng mga bata dito."
Medyo natawa ako sa sinabi ni Kyla, bata kasi tawag namin sa mga athletes namin dito sa university.
Ang kukulit kasi nila kahit mga college students na, kahit anong sabihin namin na bawal to, ganyan wala pa din. Kaya pabalik balik lang sila dito.
"Ready na yung kamay ko mambugbog ng mga likod at balikat nila haha." natatawang sagot ko at inunat unat pa ang mga kamay ko.
Tahimik lang kaming nagkakape ni Kyla, sobrang aga pa din kasi almost 6am palang. Maaga talaga kami dito sa university lagi.
Minsan kasi umaga palang may darating ng mga bata para magpatingin, syempre mga galing sa bugbugang training.
"Jem, may parating tayong bata ah. Kakamessage lang ng coach. Eto yung na sprain sa balikat last week."
"Ah, yung wala ako." naka leave kasi ako non.
"Oo, ikaw na humawak ha? May mga hahawakan din ako mamaya eh."
"Sure, Ky. Akong bahala. Pasa mo na lang sakin files niya. Ano bang nangyari dun?"
"Nabugbog na yung balikat sa training."
"Volleyball? Basketball?"
"Swimming..."
"Oh, okay.. Sige ako ng bahala." tatayo na sana si Kyla pero may nakalimutan akong itanong sa kanya.
"Ky, wait. Sino sa coach ng swimming team natin ang sasama sa bata?"
"Ah, si coach Yan. Ikaw mag assist ah."
"Ah okay, sige ako ng bahala."
Inayos ko na din ang gamit ko pag alis ni Kyla. Anytime parating na daw yun.
----------
D
"D, ikaw na mag drive. Tayo na magdala sa PT, nakita mo namang busy si Yan oh."
"Wala naman akong magagawa, di ba? Sige na, tara na. Nasaan na ba si Jill?"
"Nasa locker lang nagbibihis. Sunduin ko lang, start mo na yung kotse."
Naging driver pa ko imbes na nagttrain ako ng mga swimmer namin. Bakit ba kasi absent yung dapat driver ng service namin eh!
Inantay ko na lang sa loob ng kotse sila Tin.
"Oh, nakasimangot ka dyan?" bungad ni Tin pag bukas ng kotse.
"Sumakay na kayo.." sabi ko na lang.
"Hi coach, sorry sa abala po." bati sakin ni Jill pag sakay niya sa likod.
"Okay lang, Jill. Relax ka lang dyan."
Bakit kasi nag oovertrain sila ng mga swimmer eh. Ayan tuloy nagkakainjury.
Saglit lang nakarating na kami sa Rehab Clinic nitong university.
Nakisuyo samin si Yan, Tin's best friend na kung pwede kaming mag train ng mga swimmer nila. Nag resign kasi yung dalawang coach nila.
Syempre ayaw ko pero pinilit lang naman ako ni Tin. Ang sarap sarap ng buhay ko na pa gala gala lang tapos magkakatrabaho ako na kailangang gumising ng 5am in the morning, arrrgghhh...
"Una na kayo sa loob, hahanap lang ako ng parking." sabi ko sa kanila pag baba nila sa tapat ng clinic. Iikot pa ko, puno na yung parking dito sa unahan.
