9

695 45 3
                                    

D

"Oh my god, Tin! Next time wag mo na sakin iiwan si Deanna. Shocks!"

Urrggghhhh... Sobrang sakit ng ulo ko! Tapos ang ingay ingay pa nitong si Ara.

Ayoko na magsalita o bumangon, gusto ko na lang matulog pero di matigil tigil sa kakareklamo si Ara.

"Naman kasi, sino bang nagsabing magpakalasing kayo?"

"I thought babalik ka kasi, kaya hinayaan ko lang uminom tong si Deanna. Sa alak binuhos yung kabadtripan niya sa ex niya!"

"Hoy! Kayo pwede ba, nandito ako oh. Bukas niyo na ko pag usapan." Sagot ko habang nakapikit at hilong hilo na nakahiga sa kama.

Lecheng alak yan! Ang lakas ng tama sakin. Ganon na ba ko katagal di umiinom at para yun lang nalasing ako ng sobra.

"Gosh, Deanna... Ilalaglag mo na lang sarili mo, idadamay mo pa kami." kahit di ko idilat yung mga mata ko, alam kong inis na inis si Tin sakin.

"May nalalaman pa siyang do you know me sa kaibigan ng ex niya. Jusko, Tin. Ibalik mo na nga yan sa Perth."

"Whatever, Ara..."

Di ata titigil tong dalawang to sa inis sakin, pinilit kong umupo. Medyo nawawala wala na yung hilo ko.

"Okay ka na ba, Deanna ha?" di ko maintindihan yung itsura ni Tin, malapit na kong mabatukan nito sa inis sakin.

"Yeah, I'm fine. I just need some cold drink." kumuha agad ng soda can si Ara sa cooler at inabot sakin.

"Bakit di mo subukang magsabi na kay Jema, Deanna?"

"Di pa ko ready, Tin."

"She's clueless. Naffeel ko na gustung gusto ka niya tanungin, malaman ang totoo. Tapusin mo na lang yung paghihirap niya."

"Soon, Tin."

"God, Deanna! Sige na, Tin. Balik na ko sa hotel ko. Bahala ka na dito." dire-diretsong lumabas si Ara ng room.

Ara is our cousin. Siya yung nagmamanage ng bar kung saan kami tumambay kanina. Kaya gusto din sumama ni Tin dito eh para makapagreunion man lang kaming tatlo.

"Ano, Deanna? Balik na lang ba tayo sa Perth? Parang mas matino ka don. Kaysa dito, kung ano anong pinaggagawa mo."

"Pwede din."

"Sira ulo ka talaga, wala ka talagang balak kausapin si Jema no?"

"Para saan pa? Para lang madisappoint siya? Para lang masaktan pa siya, o para lalo lang siyang maguluhan? Its better this way."

"Di ka matino. Ayusin mo nga yang pag iisip mo at mga desisyon mo sa buhay."

"Can we just sleep? Bukas na natin pag usapan to."

"What's new? Ganyan ka naman. Wala kang effort man lang ayusin yung sitwasyon. Mas gusto mo yung mas madali, mas gusto mong takbuhan na lang."

"Tin please, wag ngayon. Ang sakit ng ulo ko." Tumayo ako at dumiretso sa shower.

I need some cold shower. Ayoko ng ganitong usapan. Nakakastress.

WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon