J
"Yes! Yes! We won! Wohooooo! Champion!" Deanna shouted.
Nanalo yung swimming team namin. Ininvite kami ni Yan manuod.
Kitang kita kay Deanna yung saya at fulfillment. Para kong nakikita yung dating Deanna, ganitong ganito kasi siya non pag nananalo yung team nila, coach din siya non pero ng mga high school students.
"Hoy, Jema! Baka matunaw. Haha." langhiyang Kyla to!
"Sira, mamaya may makarinig sayo." eh magkakatabi lang kami, nag tatatalon silang mga coach sa swimming team.
Hay, namiss kong makita yung ganitong Deanna. Kung pwede lang di matapos to.
"Ano, Jema? Handa ka na bang pakawalan siya?" pinagsasabi nito ni Kyla.
"Alam mo umuwi na tayo, nanalo na sila oh. Tara magpaaalam na tayo kay Yan." hila ko kay Kyla.
"Hey, Yan... Uy, congrats sa inyo."
"Uy, Jema... Salamat. Hep, walang uuwi ah. Nagpareserve ako, mag cecelebrate tayo kasama swimming team."
Napangiti ng nakakaloko si Kyla sakin. Naku naman naunahan ako ni Yan. Ang hirap pa naman tumanggi sa kanya.
"Yeah, Jema. Don't go ha? Lalapit lang kami don. Celebrate with us, part kayo ng win ng team." baling samin ni Tin.
Ohmygod. Di na ata ako makakatanggi.
"Yeah, Jessica. Samin na kayo sumabay." it's Deanna.
Okay, di na ko makakatanggi.
"Okay, sure." sagot ko.
"Yey! Thank you, Jema!" yumakap pa saglit sakin si Yan.
Tapos bumalik na kami ni Kyla sa pwesto namin.
"Ano, Jema? Hahaha.."
"Oo na, di na nga uuwi."
"Yahoooo! Mag enjoy ka naman kasi, minsan lang to no. Saka lagi kaya nila tayo binubulabog sa clinic hahaha."
"Okay, fine..."
.
.
.
.
.
.Akala ko simple celebration lang, hindi pala. Bumubuhos ang alak at pulutan. Pinareserve lang naman nila yung presidential suite ng isang hotel. Medyo nalula ako sa reservation ni Yan.
"Hey, wag mahihiya, Jema, Kyla. Tara don sa labas, dun tayo. Dun ko pina-set up yung para sa atin."
Dinala kami ni Yan sa may balcony, ang laki ng room parang isang buong bahay na, may pool and bar sa balcony.
Kanina nandito pa yung mga bata pero nag alisan na sila, dun na daw nila itutuloy yung celebration sa bahay nung isang teammate nila.
Pinareserve pala to nila Yan para sa kanilang mga coach, anim sila, si Yan, Tin at Deanna, then, may 3 babaeng assistant coach tapos kaming dalawa ni Kyla. Kahit sampu pa kami kasyang kasya kami dito.
"Uy, Jema may dala ka bang swimming attire? Hahaha."
Di naman kasi kami na inform na may paganito. Kaloka. Nasa pool na nga sila eh, kumakain at umiinom. Si Deanna yung pinaka magulo sa kanila. Tinutulak tulak sila Tin sa pool pag aahon.
"Jema, Kyla! Come here, eat and drink. Dali na para satin to. May swimwear ba kayo? Meron kaming extra kung wala. We will stay the night here ha? Walang tatanggi."
Waaaahhh bakit ganito si Tin, parehong pareho sila ni Yan. Ang hirap tumanggi.
"Sure, sure, Tin. Sige, pahiram kami ni Jema. Wala kaming dala eh." Waah? Kaloka si Kyla.
Excited? Sumama agad kay Tin sa loob para kumuha ng pang swimming. Hila hila pa ko.
Di na ko nanghiram ng swim attire, wala naman akong balak mag swimming. Nag shorts at drifit lang ako, umupo na lang ako dito sa gilid ng pool. Hinayaan ko na si Kyla makibonding sa kanila.
"Hi, Jema." si Deanna. Umupo siya sa tabi ko at may hawak na dalawang bote ng beer.
"Here, Jema. Wag mo ko tanggihan ah." inabot niya sakin yung isang bote, nginitian ko lang siya.
"Ayaw mo mag swim, Jema?" tanong niya sakin.
"Okay lang ako, nilalamig ako."
"Di naman malamig, Jema eh. Tara, langoy tayo, dun oh? Mula dun paunahan tayo hanggang dun sa kabilang dulo. Ano, tara?"
Awwwwww... Parang may kumirot sa puso ko. Ganito yung laging challenge niya sakin pag nag sswimming kami. Ganito yung bonding lagi namin.
Siya yung swimmer pero lagi niyang hinahayaan na ako ang manalo. Kasi sabi niya non, gusto niya lang laging makitang nananalo ako sa lahat ng bagay.
Para tuloy akong naiiyak. Bakit kung ano pang yung mahalaga, yun pa yung ipinatalo ni Deanna, yung amin.
"Come on, Jema. Tignan natin kung mananalo ka ulit sakin." sabay hawak niya sa kamay ko at tayo pero di ako tumayo.
"Jema? Ano? Wag mong sabihing ngayon ka pa matatakot matalo? Eh lagi ka ngang nananalo sakin non."
Tumayo muna ako bago sumagot.
"Fine, Deanna. Pag nanalo ba ko dito, di ka na aalis?" seryosong tanong ko.
Ayokong umalis siya. Hindi pala ako handang kalimutan siya, lalo na't alam kong hindi naman siya nawala.
"Deal, Jema. Deal."
Tapos nakipagkamay siya sakin.
