Chapter Three

109 3 0
                                    

Karen

     “Kaya pala natalo mo si Louisse!” Bungad sa akin ni Mike.
     I shot him a look. Bigla-bigla na lang kasing nagsasalita at nagrereact.
     “Yung kahapon. Sa basketball try-outs. Kaya mo siya natalo dahil ikaw yung MVP. Ibig sabihin best player sa Randall high. At siya naman ang best player sa Denver academy, pero there has to be just one best player.” He said so sure.
     “Good morning students.” Bigla namang dumating yung teacher namin kaya we all took our seats.
     “Uh, Sorry I’m late pero meron lang akong gustong iannounce…” I have a bad feeling about this.
     ”…. Mapapaaga yung Mr. and Ms. Popularity contest kaya kailangan ko na agad ng mga representatives. We need one guy and one girl to represent our class.” She so positively.
     “Ms!” Taas agad ni Louisse ng kamay.
     “Yes, Louisse?” She called.
     “I nominate Josephine Zaragosa as Ms. Popularity.” She proudly shouted. Sinulat agad nung teacher namin yung pangalan ni Joseph sa board.
     “Ms!” Agad-agad namang nagtaas ng kamay si Mike.
     “Yes, Mike?” Tawag ng teacher.
     “Ms. I nominate Louissa Matsuo as Ms. Popularity.” He challenged.
     “Ok! Anymore nominations?” Tanong ng teacher.
     “Ma’m! I close the nomination!” Sigaw nung isa pa naming kaklase.
     “Ok, so sino ang iboboto niyo? How many hands for Joseph?” Tanong niya. Kalahati rin siguro ng klase yung nagtaas ng kamay.
     “20 votes! For Joseph. How about Louisse?” Halos kalahati rin siguro yung nagtaas ng kamay para sa kanya. I didn’t raise my hand for the both of them. Actually, kahit sino sa kanilang dalawa will do. They are both great for the role.
     “Oh! 20 votes din! May isang hindi bumoto! Mr. Robert Intal, who do you choose?” Tanong nung teacher namin. Hay! Napansin pa niya ako?! Sino nga bang pipiliin ko?
     “I vote for…. Louisse.” I said, uninterested.
     “No!!!!” Arte ni Louisse! Lahat ng babae gustong sumali sa ganun except for her.
     “Kaya ko pa naman ninominate si Joseph dahil ayoko!” She complained then biglang nagbow ng head.
     “Ok! Now para sa Mr. Popularity? Anyone?” Walang umiimik. Madaming naghahanap lang ng pwedeng inominate.
     “Ms!” Nagtaas na naman ng kamay si Mike.
     “Mike! Yes!” Our teacher called.
     “I nominate…. Robert!” Bigla niyang isinigaw.
     “Yes! Payback!” Pang-aasar ni Louisse sa tabi ko! Ayoko rin kasing sumali diba?!
     “Anymore nominations?” Nagtanong yung teacher pero wala nang nagnominate pa. This cannot be happening.
     “Ok! So it is settled! Our Mr. and Ms. Popularity will be Louisse and Robert. Louisse! Make sure to wear something that would make you look like a girl ok! And Robert, maghanda ka na ng pang talent portion mo.” She reminded. Oo nga! Talent? Anong talent naman ang ipapakita ko? At bakit niya sinabi na Louisse should dress like a girl?
     “Ms! Pwedeng slacks?” Louisse complained.
     “Alam mo naman na mas magandang nakadress ka diba? Dress nicely please! Bukas na yung eliminations sa every year level kaya be prepared.” What?! Bukas na!
     “Pero Ms! Masyado atang mabilis at minadali kung bukas na?” I reacted. Wala akong magagawa kung bukas na!
     “I’m sorry pero like what I said napaaga nga ang contest na to at kailangan nang ipush through.” Paalala niya.
     “Louisse, pwede bang tulungan mo ako sa talent portion?” I asked for her help. Kailangan ko ng tulong!
     “Matapos mo akong ipahamak! Dahil sayo nasali din ako! No.” Pagsusungit niya.
     “Sige na oh! Tulungan mo na ako!” Pagmamakaawa ko sa kanya.
     “No. Manigas ka!” Nagpasak na naman siya ng earbuds. Bakit sa tuwing math nagpapasak siya ng earphones?
     “Tutulungan mo ako o isisiwalat ko yung tungkol diyan sa earbuds mo?” I threatened her.
     “Try mo?” Aba! Hinahamon ako netong babaeng to ha! Sakto namang dumating na yung math teacher namin. Agad-agad naman siyang nagbigay ng mga equations sa board na kailangan naming isolve. Katulad ko, naglabas lahat ng papel, pero siya, naglabas siya ng word search puzzle.
     “Sir! Si Louisse po!” Alam ko mukhang bata pero I need to! Bwisit! Humihingi lang ako ng tulong, tatanggihan pa niya!
     “Anong ginagawa mo?!” Galit niyang sinigaw ng pabulong sa akin then lumapit yung teacher namin.
     “Ms. Matsuo, nagwoword search ka while listening to music, instead of doing what I told you to do? Answer the given equations on the board! Now!” Harsh. Pero buti nga sa kanya! There were two equations on the board. Number one pa lang pero ba’t parang daling-dali na siya sa pagsasagot? Natapos niya nang sagutan yung dalawang equations na pinapasagot sa amin.
     “Dahil sinagutan  mo na, please explain.” Utos ng teacher namin.
     “x varies directly as y and inversely as z. so para makuha yung k, k is equal to xz over y. para naman makuha yung x, x is equal to ky over z. If x=30 when y=40 and z=80…. K is equal to 30 times 40 over 80, K=60… Find x when y=24 and z=40. X is equal to 60 times 24 over 40, x=36.” She glared at me before she continued with the second equation.
     “f varies jointly as h and i and inversely as g, if f= 3/2 when h=4, i=6, and g=16. Find f when h=12, i =14, and g=168. f is equal to khi over g. tapos k is equal to fg over hi. k is equal to 3/2 times 16 over 4 times 6. K is equal to 1. f  is equal to 1 times 12 times 14 over 168. f is equal to 1.” She finished explaining her answers. Madali lang naman talaga yung given eh. Hindi na ako magugulat kung madadalian siya, pero ang bilis niyang sagutan yung ng walang calcu. Ano? Human calculator ang peg niya?
     “Very good Ms. Matsuo. Hindi ko ineexpect na for someone who doesn’t listen in my class can answer those equations perfectly.” Medyo pahiya tuloy yung teacher namin dahil nasagutan niya yung pinapasagutan sa kanya. Bumalik na siya sa upuan niya sa tabi ko at inirapan na naman ako.
     “Ano? Tutulungan mo na ako?” I asked her again.
     “Kailangan may bayad.” Masungit niyang sagot.
     “Bayad? Ano namang bayad?” Ano ba yun! Biglang may bayad!
     “May car ka diba? Samahan mo na lang akong mamili ng damit mamaya para bukas then magpapractice tayo para diyan sa talent portion mo.” Parang sanay na sanay siya sa ganitong offer ha!
     “Deal.” Pumayag na ako. Desperado na ako para dun sa talent portion na yun!
     “Hintayin mo na lang ako dun sa gate sa parking. Uwian.” She smirked with delight. Mukhang plinano niya to ah!

Reverse Romance:The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon