Karen
Narinig ko lahat. Lahat ng sinabi ni Mom. Honestly hindi siya sumagot nakaramdam ako ng curiosity at pag-asa… UGH! FVCK! Ano bang nangyayari sa akin?!
Totoo nga ba yung sinasabi ni Mom? Kilalang-kilala ako ni Mom kaya hindi siya pwedeng magkamali, pero yun? Feelings for Louisse? Paano naman mangyayari yun? UGH! FVCK!¥©©¥
Louisse
Saturday na Saturday, aalis pa ako! Ba’t kasi ako yung mag-aasikaso nung mga letters of approval para sa team namin. Buti na lang sa Randall din nag-aaral yung kapatid kong bunso. Dahil sa kanya alam ko kung saan ako pupunta.
Ewan ko ba! Lahat ng kapatid kong lalaki nag-aral sa Randall high, tapos ako sa Denver. Si Papa kasi sa Randall tapos si Mama naman sa Denver. Ang gusto ata ni Mama kapag babae sa Denver, tapos ang gusto ni Papa kapag lalaki sa Randall.
Parang ang ingay nung building. May Saturday classes sila? Buti na lang wala kami. Bago makarating dun sa building, may mga benches muna sa kaliwa. Parang kilala ko yun ah! Hindi ko lang makita yung mukha niya kasi nakayuko na nga, naka cap pa! Pero alam kong taga Denver siya.
“Excuse me.” Lumapit ako sa kanya. Tumingala naman siya.
“Karen?”
“Louisse?” Sabay naming nabanggit.
“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko.
“Ako dapat nagtatanong niyan diba?” He said. Oo nga naman! Sino nga ba ang nag-aral dito?! Siya diba?!
“Inutusan kasi ako ni Coach na isubmit tong mga letters of approval ng bawat players. Papunta sana akong business office.” Dederetso na sana akong building kaso hinawakan niya yung kamay ko. KAMAY KO!!
“Kung sa business office ka pupunta, dun, kanan ng guard house.” Sabi niya. Ay pvcha naman oh! Ang layo ko pala!
“Samahan na nga kita. Mawala ka pa eh.” Naiinis niyang sinabi. Tumayo pa siya na parang napipilitan siya. Medyo malayo sa building yung business office kaya LAKAD! Lang kami.
“Uhm, bakit ka nga ba nandito?” Tanong ko sa kanya. Hindi naman niya sinagot yung tanong ko kanina eh.
“I’m meeting up with old friends.” Sabi niya while looking around. It must be hard for him to adjust to Denver. Mukhang matagal na siyang nag-aaral sa Randall tapos bigla siyang lumipat.
Pagdating namin sa business office kinuha nung cashier yung mga letter tapos sinabi niyang ok na daw… YUN LANG YON!!! ANG AGA-AGA KONG GUMISING TAPOS YUN LANG YON!!! Nahalata ata ni Karen na naiinis ako.
“Gusto mong itour kita? Sayang naman yung aga ng ginising mo.” He whispered to my ear. Pvcha! Ang lapit! Yung puso ko!!
“Ok. Sige.” Ay! Fvck! Kakaisip ko lang na yung PUSO KO!! Tapos papayag ako?! Ano bang trip ko?! May problema na ata ako sa pag-iisip eh!
Nag-ikot-ikot kami tapos nung nasa loob na kami ng building, nag-bell na, hudyat na break na nila. Nagsisilabasan na yung mga estudyante tapos lahat sila tumitingin sa amin.
May bigla namang sumalubong kay Karen na grupo ng mga lalaki… Wait… ETRUSCANS?! Isa si Karen sa Etruscans?!¥©©¥
Oh my gosh!! I'm so sorry for the delay!! Super sorry talaga!!! Yesterday was a stressful and scary day so I had to get some rest when I got home kaya hindi na po ako nakapag-update. Sorry po talaga!!!
BINABASA MO ANG
Reverse Romance:The Past
RomantikLouissa Chitose Matsuo.... Half Japanese, honor student, basketball player, Gandang babae, secret casanova. Robert Karen Intal.... Basketball player, cook, Mr. Masungit, Casanova, hindi pa naiinlove, gandang lalaki. As Karen transfers to a...