Chapter Eighteen

82 1 0
                                    

Karen

     Paggising ko gabi na pala. Nakapagbihis kaya si Louisse ng nandito ako? Meron ding kumot na nakatalukbong sa akin. She must’ve put it on me. Pero ba’t hindi man lang niya ako ginising!
     Paglabas ko ng kwarto niya wala siya sa living room. Tiningnan ko sa kusina wala rin siya. Tiningnan ko rin yung ref, may note nga dun.
     Went to the convenience store. Be back in a while. Written at 8:30
     May note pero ba’t may oras pa? Ano na bang oras ngayon… 8:35. Five minutes pa lang pala since she left. Pumunta na lang ulit ako sa living room at binuksan yung TV. Katabi lang ng sofa yung door kaya malalaman mo kung may tao o wala.
     15 minutes din siyang wala. Pagbalik niya may dala-dala siyang plastic na may lamang cans. At bakit ganun ang suot niya!
     “Ano na naman yang suot mo?” I quickly asked pagpasok pa lang niya.
     “Edi pambahay. Convinience store lang naman yung pinuntahan ko, hindi naman mall. Alangan naman maggown pa ako.” Pambabara niya. Eh ba’t kasi ganun! Black na sleeveless na hapit na hapit na dress lang naman ang suot niya! Buti na lang hindi gaano ka-iksi. Sinong hindi kakabahan kung ganyan ang suot ng babae kapag lumabas ng gabi!
     “Chill ka lang! Ano ka ba!” She said as she took a seat beside me sa sofa. Pinatong niya yung plastic sa gilid nung coffee table at kumuha ng DVD’s sa isang maliit na basket sa gilid ng sofa.
     Must be love, She’s dating the gangster, Talk back and you’re dead. Hindi naman siya masyadong mahilig sa mga ganung stories noh!
     “Tell me, ano bang meron sa mga movies at books na yan at gustong-gusto niyong pinapanood at binabasa yan?” I asked her habang tinitingnan niya yung mga DVDs.
     “They make us feel inlove kahit hindi naman talaga. Alam mo na, yung kilig.” She said in general habang tinitingnan pa rin kung alin ang gusto niya.
     “Eh ikaw? Yun din ba yung gusto mo?” I asked her.
     “I’m just in it for the pain. Tsaka ako ang ultimate goddess of movies!” She made a weird face. Nakakatawa. Bwisit. Nawala tuloy yung kaseryosohan sa mukha ko.
     “Pain? Eh paano kung happy ending yung movie?” I tried to ask without chuckling.
     “Ok lang. Basta nakaiyak ako. I like crying. Pagkatapos mo kasing umiyak, everything feels better kahit wala kang problema.” She explained with a poker face looking at me.
     “Hmmm… Matry nga. Dapat yung movie, yung talagang maiiyak ako ha.” Utos ko sa kanya. Tumayo muna ako para kumuha ng makakain sa kusina habang sinasalang pa niya yung DVD. I got some microwave popcorn at sakto naman na pagbalik ko, ipeplay na lang niya.
     Nung sinimulan na niya yung movie, kinuha rin niya yung binili niya kanina. Nalaman ko na yung cans na yun ay beer pala.
     “Kailan ka magiging normal?” Salubong ko agad sa paglabas niya ng beer.
     “Bakit ba?! Gusto ko ng beer eh.” Parang juice lang ang beer ah! Nagbukas siya ng isang can pero bago pa niya mainuman ito, inagaw ko na agad.
     “Alam mo, kung naiinggit ka, dapat sinabi mo na lang. Hindi naman ako madamot sa beer eh.” She glared at me. Dapat lang! Eh walong cans ng beer ang binili niya eh!
     “Walong cans ng beer ang binili mo. Sa tingin mo ba mauubos mo yung mga yan bago ka malasing?” I asked her.
     “Actually apat ang kaya ko. Eh alam ko naman na kukuha ka kaya dinagdagan ko pa ng apat.” She said as she opened a can for herself at ininom ito.
     “Ahhhh. I miss this.” He said after niyang inomin yung beer.
     “OA mo naman uminom. Parang ngayon ka lang nakainom ulit ah?” If she can drink four cans and not get all drunk, then madalas siyang umiinom.
     “Hindi naman. Pero ngayon lang ulit sa bahay. Lagi kasi akong umiinom sa bahay nila Joseph dati. Yung Dad kasi niya, gumagawa ng alak kaya madaming alak sa bahay nila.” She got sad for a bit. She must’ve been really close to Joseph.
     “Paano kung hindi kita nagustuhan? Paano kung nagustuhan mo ako?” I asked looking straight. She chuckled a little.
     “Bakit? Hindi ba yun imposible?” I asked.
     “Hindi.” She told me smiling.
     “Sige, give me reasons kung bakit hindi yun imposible?” I challenged her. Naisip ba niya na ganun ako kapatay na patay sa kanya?! Grabeh. Feeler. But I still love her.
     “Hmmm…” She smiled at tumingala. Kunwari, nag-iisip.
     “Maganda ako, sexy, matalino, mabait……” Meron pa siyang sasabihin, alam ko meron pa pero tumigil siya at lumingon sa akin. She crawled closer and closer. She placed her hand on my cheek at tiningnan ako sa mga mata then to my lips. Ptngna! A-anong gagawin ko! I shut my eyes and then…
     “… At malakas din ang appeal ko.” She whispered to me. She smiled at humiwalay na sa akin. She went back to her seat. She giggled. Fvck! What was that for?! Hindi ba niya alam na ang lakas nung epekto nun! Akala ko itutuloy niya! Fvck!
     Pero at least ngayon makakahinga na ako ng maluwag. Kapag yung puso ko bumibillis ang tibok, parang nauubusan din ako ng hininga eh. Siya lang ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. None of the girls I’ve dated before ever made me feel like this.
     “Yun yung mga nagugustuhan ng iba sa akin.” She said. Nila? Eh ako?
     “Ikaw. Syempre kasama yun, pero hindi lang yung mga yun yung napansin mo sa akin.” She looked me in the eye at nagsmile.
     “Nakita mo yung mga mali sa akin. Pero kahit na ganun, tinanggap mo pa rin ako. I’m sure, kung ibang lalaki ang nakakita sa akin nun sa CR, Naturn-off siya sa akin at ipinagkalat yung tungkol dun. Baka rin nasuspend ako at tinanggal sa varsity team. Pati na rin sa list of sequentialists.” She was smiling. Tapos pumikit siya, bigla na lang nawala yung ngiti niya at naiyak. No, no, no. I can’t see her cry. Sh!t! Stop crying!
     “What? What happened? Bakit ka umiiyak?” Bakit siya umiiyak kung thankful siya? I couldn’t do anything but hug her.
     “W-wala lang. G-gusto ko lang u-u-umiyak.” She said in between sobs.
     “Look. Walang umiiyak ng walang dahilan.” Maybe she’s hiding something?
     “Edi, sabihin na lang natin na umiiyak ako kasi nagkakilala tayo. Naiiyak rin ako kasi ano kaya ang ginagawa ko ngayon kung hindi kita nakilala, diba?” She smiled at me.

¥©©¥

Louisse

     Pinakalma niya ako. Totoo naman eh. Paano kung hindi kami nagkakilala? Paano kung hindi niya ako kaibigan? Diba!
     “Wala na tayong magagawa. Nangyari na eh. Nagkita na, naging magkaibigan, at naging magka-ibigan din.” He laughed at little, natawa na rin ako. Teka lang…. He’s hugging me.
     “Teka lang, teka lang.” I stopped sobbing at lumayo sa kanya.
     “Bakit?” Medyo nagtataka siya sa ginawa ko.
     “Dumadamoves ka ha! Ako lang ang pwedeng gumawa ng intimate touches.” Humalukipkip ako. Nanliligaw pa lang siya. Kapag ganun ako muna ang masusunod. Hehehehe.
     “Fine.” Mukhang nawindang siya sa pagkabipolar ko. Eh ganun talaga! Rules are rules! And I’m the rules!
      “Gusto mong pumusta?” He asked.
      “Anong pustahan naman?” I asked him back.
      “Kung sinong unang malalasing.” He smirked at me. Huh! Hindi niya kilala kung sino ang hinahamon niya!
      “Game!” Syempre pumusta ako!
     Uminom at nanood na lang kami.

¥©©¥

     Nakatatlong cans na ako and medyo tipsy pa lang naman ako, pero si Karen! Tatlong cans, makulit na siya. Baka pagnakaapat siya, maconfirm kong lasing na talaga siya.
     Kayanin kaya niya hanggang apat na can?

Reverse Romance:The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon