Chapter Fourteen

100 1 0
                                    

Karen

     Finals night sa Mr. and Ms. Popularity. Pvcha! Ang daming tao! Number 12 kami ni Louisse dahil kami ang rep ng grade 12. That means we always come last to whatever it is they have tonight. Hindi pa kami actually nagkikita ni Louisse eh. We both don’t have any ideas on how to look good tonight.
     Ugh! Talent portion pa ang mauuna! Everyone did good. At coincidentaly, si Louisse, kinanta niya Chinito by Yeng at ako naman Chinito problems by Enchong Dee. Medyo may konek yung kanta naming dalawa. Siya yung naunang nagperform. Ako naman na yung huling magpeperform. Pati yung damit namin terno eh! Blue!
     “I’d like to say that this song really does tell what’s happening to me right now.” With that sinenyasan ko na yung staff na iplay na yung minus one ko.

Gulat ako nang makilala kita
Natulala sa tinatagong ganda
Bakit ‘di man lang kita napansin
Siguro Malabo lang paningin

Oh, bakit nga ba?
Dati-rati walang kulay ang mundo
Tumingkad ang lahat ng dahil sa’yo
Saang sulok ka nga ba nanggaling
Ang puso’y sabik sa’yong pagdating

     Linapitan ko siya at inayang umakyat sa stage. Nung una umaayaw pa siya pero syempre nahila ko din siya.

Kapag ika’y kasama
‘Di ko mapigilang tumawa
Ako’y tuwang-tuwa
Kahit na magmukha pa akong ewan
Ay ok lang
Kay linaw nang paligid ‘pag ikaw na ang kaharap
Walang gustong makita kundi ikaw

     She just kept getting redder and redder habang kinakantahan ko siya. Seeing her like that really makes me feel happy and at ease. At least alam ko na ako lang ang dahilan ng pagiging ganyan niya.
     Pagdating dun sa part nung kanta na galing sa kantang chinito, biglang kumuha ng mic si Louisse at kumanta rin siya.

At kung ikaw ay nakatawa
Ako pa ba ay nakikita
Nalilimutan ko ang itsura ko
Kapag kausap na kita

Sana naman ako’y pakinggan
At nang ikaw ay malinawan
Dahil nabihag mo ang aking paningin
At damdamin….

     Syempre tinuloy ko na yung buong kanta hanggang matapos ko ito. I couldn’t help but smile at her gesture.  Seryoso ba siyang nagkakagusto na rin siya sa akin?

Reverse Romance:The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon