Louisse
“Okay, eto na yung rice omelette. It’s good with milk.” He served me two plates of rice omelletes. One for me and one for him. Kanina pa siyang naka-apron pagbaba ko pa lang eh. I can see his arms kaya I know his shirtless. Pagtanggal niya sa apron niya….. Am I drooling? If I am, tell me it’s because of the omelette!
“Sorry pero omelette lang ang meron tayo ngayong eh.” He apologized. What?
“Huh? What are you trying to say?” Kung ano-ano na lang yung pinagsasasabi niya.
“Dapat kasi sinabi mo na gusto mo ng PANDESAL. Binilan sana kita, hindi yung tinititigan mo yung akin.” He smiled so wide. Oh sh!t! Pansin pala niya yun! Inirapan ko na lang siya at kumain na.¥©©¥
Karen
Well the day went on pretty smoothly. I just can’t help but tease her from time to time. Hay! Wala rin naman akong magawa. Oo nga pala, hindi nga pala nahugasan yung mga plato na pinagkainan namin. Yeah. Maybe I’ll just do that.
Pagpasok ko sa kusina, I saw her getting ready to wash the plates.
“Ako na.” Siningitan ko siya.
“Ako na. Bahay ko naman to eh.” She insisted.
“Edi para walang away…. Tayo na?” Wait… That didn’t sound right. Medyo double meaning yun ah! Well a smile will be able to fix this. She just froze and blushed like there’s no tomorrow. She just closed her eyes, shook her head and slapped her self using her two hands.
“Bahala ka nga sa buhay mo.” Yumuko na lang siya at nagsimula nang maghugas. Corny pero hindi ko mapigilang magnakaw ng tingin sa kanya kahit na ang gulo-gulo ng itsura niya dahil hindi man lang siya nag-ayos simula nung gumising siya. Nagsuot lang siya ng damit pero yung buhok niya ganun pa rin. Weird ba kung sasabihin kong ang ganda pa rin niya. Kahit na nakikita ko lang siya, pakiramdam ko sasabog na agad yung puso ko ng ganun-ganun lang. Kaso sa sobrang katangahan ko, nadulas yung kamay ko at natalsikan ko siya ng tubig eh.¥©©¥
Louisse
“Ah ganun pala ha!” Talsikan ba naman kasi ako ng tubig! Syempre gumanti ako. And hanggang sa nagbabasaan na kami ng parang baliw hanggang sa sunod-sunod ko siyang tinatapunan ng tubig.
He was trying to stop me hanggang sa pinigilan na niya akong gumalaw by…. Hugging.
“Uh, Karen.” I called. Medyo matagal na din kaming nasa ganung posisyon eh.
“Oh! Sorry.” Pumiglas naman agad siya. Hindi ko alam kung sino ang mas mapula sa aming dalawa, ako ba o siya? Hay! Ba’t kinocompare ko pa!
“Ehem. Maliligo na ako.” I told him para makaiwas na sa awkwardness na to.
“Uh, ok. Ok lang ba kung dun ako sa kwarto mo muna?” He asked bago ako naka-akyat.
“Ha? Eh may kanya-kanya kaming CR sa bawat kwarto eh. Kaya dun din ako maliligo sa CR sa kwarto ko… Fine! Pero kapag nakapasok na ako ng CR tsaka ka lang pwedeng pumasok, at dapat pagpatapos na ako umalis ka na rin, ok?!” I threatened him.
“Syempre naman! I respect the woman I want to be with for the rest of my life.” He grinned. Ang cheesy ha! Pero kinikilig naman ako! Ay pvcha naman oh!¥©©¥
Karen
First time kong makikita yung kwarto niya kaya lulubusin ko na syempre! Habang wala siya, I’ll try and get to know her better by her room.
I jumped at her bed. Ang lambot! Then I found a book sa ilalim ng unan niya. Oh! I’ve seen these before. Pati si JR may ganito eh… Eto yung bestseller sa mga babae ngayon… Pop fiction.
Mahilig pala siya sa ganitong romance eh. I tried reading it as far as I can hanggang sa matapos siyang maligo, kaso I felt very bored and sleepy. Medyo nakatulog na rin ako.¥©©¥
Louisse
Siguro naman wala na siya ngayon sa kwarto ko! Tsaka wala na rin kasi akong naririnig na kahit ano eh. Paglabas ko deretso agad ako sa dresser ko para kunin na yung lotion. Pagharap ko sa kama… Nanlaki pa muna yung mata ko na nandito pa siya, pero narealize ko din na tulog naman pala siya.
Ugh! Forget the lotion! Nagbihis na lang ako ng mabilisan bago pa siya magising. After I got dressed, gigisingin ko sana siya kaso nung linapitan ko siya, nakita kong hawak niya yung libro ko na currently kong binabasa. Nakabukas siya at mukhang binasa niya yung ibang parts.
Kaya pala nakatulog eh. I know guys aren’t into these stuff. Bilang manliligaw, he’s really doing his best to get to know me. Umabot pa siya sa puntong binabasa niya pati yung librong hindi naman niya gusto.
He really looks peaceful. Siguro papagbigyan ko siya ngayon. I’ll let him sleep here for a while.
BINABASA MO ANG
Reverse Romance:The Past
Storie d'amoreLouissa Chitose Matsuo.... Half Japanese, honor student, basketball player, Gandang babae, secret casanova. Robert Karen Intal.... Basketball player, cook, Mr. Masungit, Casanova, hindi pa naiinlove, gandang lalaki. As Karen transfers to a...