Louisse
“So, Alam kong ang dami mo nang alam tungkol sa akin dahil sa mga tao sa school, pero wala pa akong alam tungkol sa taong pinagkatiwalaan ko kahit na hindi ko kakilala na kasama ko ngayon sa sasakyan niya na hindi ko alam kung saan ako dada–“ Madaldal naman talaga ako eh. Hindi lang sa mga lalaki and besides siya yung unang lalaki na magiging kaibigan ko ever since nung naBH ako.
“Fine, fine. Ang pangalan ko ay Robert Karen Intal. Galing akong Randall High. Kung nagtataka ka sa skills ko, yun ay dahil ako ang MVP ng Randall high nung nagchampion kami for 2C years. Uh, meron ka pang gustong malaman?” He asked. Ooooohhh.. Hindi ko mapigilang tumawa sa pangalan niya eh!!! Nasasaklawan pa rin nung pangalan niya yung pagiging MVP niya! XDXD
“At bakit ka naman tumatawa?” Medyo naiinis niyang tanong.
“Seriously? Karen?” Grabeh!
“My parents! They were expecting twins of different genders kaya nung isang male lang pinagsama na lang nila yung name na naprepare nila kaya nagkaroon ako ng name ng babae.” He tried to explain pero still! May pangalan pa rin siya ng babae!
“I know! Yun na lang ang itatawag ko sayo.” I teased.
“Ha?” He asked confused.
“Karen.” I can’t help it! Kailangan kong tumawa!
“Ugh! Ba’t ikaw? Louisse?” He tried to tease me too, eh ako mismo ang pumili ng nickname na to eh.
“Louisse, panglalaki siya pakinggan pero kapag babae ang may ganung nickname and cool kaya. Eh kapag lalaki, may pambabaeng nickname, sa tingin mo cool?” Pambabara ko sa kanya.
“Shut up.” Halatang naiinis na siya. Pagtingin ko naman ulit sa labas malapit na ako.
“Huh! Dito na lang!” Bigla kong naisigaw kasi onti na lang nasa tapat na ng bahay.
“Sige, thank you! Bye, Karen!” Nagmamadali kong sinabi at bumaba, baka makita pa ako ni Papa eh.¥©©¥
Karen
Hindi naman siya kasingsungit ng mga sinasabi nila. Sobrang mapang-asar at maingay, ugaling lalaki talaga. Sabagay, ganun naman talaga yung kwento nila Mike. Lalaking maganda nga raw si Louisse eh.
Karen, Ugh! Sa dinami-dami ba naman ng pwedeng itawag sa akin, Karen pa!¥©©¥
“Good morning!” Bungad ni Louisse pagkapasok pa lang niya ng pinto. Bati niya sa lahat. Aba! Hindi siya late ngayon ha!
“Good Morning Karen!” Bati niya sa akin ng napakalakas, pang-asar niya.
“Good Morning din pare!” Pang-asar ko din sa kanya.
“Tse!” Pikon na ata.
“Paanong?” Di makapaniwala si Mike.
“Ewan ko. Nagkasundo lang siguro kami kahapon.” I answered casually.
“Kahapon? Nagkasundo? Huh! Kailan pa may nakasundong lalaki yan?” Di pa rin siya makapaniwala.
“Ah! Basta! Nagkasundo na lang kami.” Nakakairita na ha!
“Chill! Sorry.” Tinigilan na rin niya ako sa wakas.¥©©¥
Louisse
“Good morning Joseph!” Bati ko sa BFF kong babae na nagnganglang Josephine Zaragosa. Pero mas maganda kung Joseph. Hihihi.
“Good morning Louisse. I see friends na kayo ni Robert?” Tanong niya.
“Robert? Ah! Si Karen, oo.” Robert nga pala first name niya.
“Karen!” Gulat na natatawa niyang sinabi.
“Oo. Nalaman ko lang kahapon nung hinatid niya ako sa bahay.” Pag-eexplain ko sa kanya.
“Hatid? Sa bahay?” Nagtataka niyang tanong.
“Uhm-hm. Kahapon kasi pagkatapos ng try-outs nag training pa ako. Eh nasobrahan, ayun, namulikat ako. Sakto namang nakita niya ako, tapos nagvolunteer na siyang ihatid ako.” Kinuwento ko sa kanya. Medyo naging dimaipinta yung mukha niya.
“Teka! Wag mong sabihing nagseselos ka sa akin?” Tanong ko sa kanya.
“Ha? Ako? Psshh.” Medyo fail ha!
“Alam ko yang mukhang yan noh! Anong akala mo sa akin? Insensitive best friend?.... May gusto ka kay Karen noh?” Pang-uusisa ko.
“Halata ba?” Pabulong niyang tanong.
“Dahil syota mo ako, syempre halata sa akin yun!” Medyo pabiro kong sinabi yun.
“Hoy! Kailan ka pa nagkainterest sa babae? Tomboy!” She shot back.
“Anong tomboy! Halikan kita diyan eh!” Pabiro kong banta sa kanya.
“Huh! Look! Yung TV!” Turo niya sa TV sa may tabi ng blackboard namin. Lahat ng classrooms may TV na naka-hang para sa kahit anong announcements. Broadcasting club ang naghahandle nun.
“Good morning Denver High! And I’ve got a feeling that we will have a good start to a good year. Pero syempre before we move forward we still have to remember our past. One good thing to remember from last year is our own MVP and captain of the Denver High Women’s basketball team or The Blue Fairies, Louissa Chitose Matsuo.” Wow! They showed really good footage of me. Di ko inaakala na magkakaroon na naman ng ganyan this year. Ang dami kasi nilang ginagawang gimmick for the past few years eh.
“And now, let’s welcome some new additions to the Denver High students as we keep moving forward. One of the most controversial students back in Randall High is now in our campus. Robert Karen Intal.” They also showed good shots of Karen. Wow! Talk about stalking. Feeling ko talaga nang-iistalk tong mga taga broadcasting club.
“Robert has been the MVP for two consecutive years as they won the yearly competition, Campus Games. Will these two star athletes pair up and become a strong couple or will they just ‘work together’ as team mates?” Wow! Ang galing din nilang gumawa ng chismis!
“Don’t worry Karen! I assure you that won’t happen!” I shouted at him to assure everyone. I’m not the type to hide everything. Basta naipapakita ko kung sino talaga ako, I have nothing to change.
“Kailan ka pa na-link sa isang taga-campus?” Pabirong tanong sa akin ni Joseph.
“Kaya nga eh! Alam mo naman na puro taga-ibang school yung dinedate ko.” I told her. It’s true. I don’t date anyone from this school. Sobrang dami kasing mga lalaking nagkakandarapa sa akin dito, baka may masaktan pa.
“So, ano? May crush ka ba talaga dun?” I asked her some more. Hindi niya gaanong nasagot yung tanong ko kanina eh.
“Oo nga!” Naiinis niyang sagot sa akin.
“Ba’t mo naman nagustuhan yung lalaking yun?” I asked her curiously.
“Eh kasi… Sa tinagal-tagal nang magkalaban ng Denver at Randall, lagi ko siyang nakikita kapag may laban ang Denver at Randall sa Campus Games.” She’s blushing. She’s blushing! SHE’S BLUSHING!!!
“Tapos?” Hindi halatang chismosa ako diba?!
“Tapos, ayun! Na love at first sight ako?” She told me.
“PSH! Alam mo naman siguro na hindi ako naniniwala diyan diba?” I told her. Hindi talaga ako naniniwala sa love at first sight na yan! Kasi lahat ng taong naiinlove nakikita muna yung taong kaiinlaban nila tapos they just decide na naiinlove na sila because they feel weird things!
“Pero Louisse! Totoo na to!” She tried to convince me.
“Siguro sayo, oo, pero sa akin, I don’t know Joseph, ayokong masaktan ka dahil diyan sa ‘love at first sight’ na yan.” I’m just worried about how this ends up. Hindi ko naman masisi si Karen kung wala siyang gusto sa best friend ko, eh. Sadyang hibang lang tong best friend ko para maniwala sa love at first sight na yan!
“Alam mo, mas masasaktan ako kung yung best friend ko hindi ako sinusuportahan.” She gave me that look na hindi ko kayang tanggihan. She’s really beautiful. Kung ako ‘Ang Lalaking Maganda’ siya naman ang ‘Babaeng Di Maabot’ sa sobrang tataas ng grades niya at sa sobrang galing niya sa swimming at pati na rin yung family background niya. Sabi, siya na daw ang pinaka perfect na babaeng makikilala mo, which is, for me, true! Dahil nga sa sobrang bait din niya, napatunayan ko yun!
“Alam mo naman na full support ako sayo diba? Ayoko lang naman na masaktan ka… I’ve been there, and I don’t want that to happen again to me or anyone.” I told her. I’m just concerned. Dati kasi nagbreak kami nung first serious boyfriend ko dahil sa hindi pala niya ako sineryoso. I got the taste of my own medicine, kaya it’s either serious relationship or stay away from guys.
“I know. Pero paano naman ako matututo at maiinlove kung hindi ko itatry masaktan at magtake risk?” She smiled at me. Desidido talaga to!
“Fine. Just don’t come to me kapag hindi ka niya gusto ha? Alam mo naman ang sasabihin ko sayo?” Maasar na nga lang siya!
“I know! ‘You told me so’.” She answered.
“It’s true!” Humalukipkip ako._______________________
Ah! Sorry! Di nakapagupdate kahapon dahil sa biglang nawala ang aming internet connection! Buti it's back today! Thank you! Kaya ngayon lang nakapagupdate sorry!!!

BINABASA MO ANG
Reverse Romance:The Past
RomanceLouissa Chitose Matsuo.... Half Japanese, honor student, basketball player, Gandang babae, secret casanova. Robert Karen Intal.... Basketball player, cook, Mr. Masungit, Casanova, hindi pa naiinlove, gandang lalaki. As Karen transfers to a...