Louisse
“Robert! Welcome back!” Salubong sa kanya nung leader nila na si Dominic Luna. Yes. I know them. Well, two of them. Dominic Luna, leader ng Etruscans. Noah Padilla, best friend at kanang kamay ni Dominic… At first-slash-ex boyfriend ko.
“And, who do we have here. It it isn’t Louisse. The beautiful gentleman. Girlfriend mo?” Tanong ni Dominic kay Karen.
“No. She’s part of our team.” Deny ni Karen.
“Well, ako lang naman pati si Louisse at Noah ang nakakaalam so it’ll be our little secret.” Sabi niya kay Karen tapos inilayo niya muna si Karen at may sinabi siya sa kanya na mukhang ikinagulat naman ni Karen.
Nang nakalapit naman sila, they bid goodbye to each other. Habang naglalakad, hindi siya umiimik.
“A-anong nalaman mo?” Alam kong may sinabi si Dominic tungkol sa akin.
“Nothing.” Pagsisinungaling niya.
“Ano nga?!” I grabbed his wrist.
“It’s a private thing of yours….” Nag-aalangan siyang sabihin yung tungkol dito.
“Ano ba kasi yun?!” Naiinis na ako ha!
“Ano, kasi….. Hindi ka na…. May naka third base na daw sayo.” Sige! Idaan pa sa code…. Wait…. Paano nalaman yun ni Dominic?! It was only between me and Noah. Gag0 siya kung sakaling sinabi niya yun kay Dominic.
“Yeah.” I murmured. I admit it. I lost my purity to him. Simula nun medyo naging fling ako. Don’t get me wrong, legal ang relationship namin nun, pinupush pa nga ni Papa na ok lang daw kung may mangyari sa amin. Si Papa din ang namilit sa akin na sagutin siya. But, we were all wrong. He wasn't really who we thought he was.
Nagsisisi na si Papa sa mga ginawa niya kaya naging mas strict na siya pagdating sa mga manliligaw ko.
As we were walking, kinwento ko sa kanya kung bakit. He understood naman daw.
“Pero ang ikinagugulo ng isip ko ay yung fling ka, at the same time, man-hater ka rin?” Oo nga medyo ganun ng ako sa Denver.
“Man-hater ako sa loob ng Denver Academy. Pero, isa din sa reason kung bakit tumitingin yung mga lalaki dito sa akin, kasi may mga swerte nang nakafling ko.” I explained.
“Whore.” He blankly said to me.
“Grabeh! Whore agad! Ba’t ikaw! Man-whore ka rin ah! Naka 12 na girlfriend ka na nga eh! And hulaan ko, sa 12 na yun, isa or dalawa lang ang hindi mo nai-kama.” I defended myself. Maka-lait naman tong lalaking to!
“OK! Ok! Joke lang naman yun. Chill!” Nagbibiro lang ata siya sa sinabi niya kanina.
“So, after neto, iiwasan mo na ako?” I asked. Syempre! Ayaw naman ng mga lalaking katulad niya sa mga babaeng katulad ko. I felt alone. Feeling ko mawawalan ako ng isang importanteng tao.
“Nope. Birds of the same feather should stick together.” Ang emotionless talaga niyang magjoke! Hindi mo tuloy malalaman kung alin yung biro at alin yung seryoso.
“Baliw ka talaga. Alam mo, kung magiging ganyan ka sa lahat ng babae, makakarami ka.” Pabiro kong tip sa kanya.
“Alam ko! Eh ayaw kong nagiging clingy sila eh.” Tama nga naman. Yun din yung dahilan kaya hindi ako nagpapaka ‘ganun’ sa Denver. Yung mga naka one night stand ko kasing mga lalaki, naghahabol, kaya kung mga taga Denver yun, maghahabulan lang kami sa campus.
“Eh, ikaw… Why not do it with guys at school?” Suggest niya na may halong tanong.
“Eh di isang malaking habulan kami sa campus?” Pambabara ko sa kanya.
“Actually, magkaiba ang mga babae sa lalaki. Mas hindi sila magiging clingy kung alam nilang, you know, ganyan ka.”…. Yeah… May point siya. And coming from a guy, it must be true. Halos pare-pareho lang sila pagdating sa mga gusto at di nila gusto eh.
Well that was a good tip!
BINABASA MO ANG
Reverse Romance:The Past
RomansaLouissa Chitose Matsuo.... Half Japanese, honor student, basketball player, Gandang babae, secret casanova. Robert Karen Intal.... Basketball player, cook, Mr. Masungit, Casanova, hindi pa naiinlove, gandang lalaki. As Karen transfers to a...