Karen
“Ano yan?” Tanong ko sa kanya habang nasa back stage pa lang kami.
“Ano ba?! Eh di dress!” Pinamukha niya sa akin.
“Dress? Dress?! Eh sa from the looks of it, parang nagmomodel ka ng lingerie eh!” Itsura kasi ng dress niya! Diba!
“Shut up.” She said at pumila na sa may entrance sa stage dahil we are going on stage na any minute. Wala na akong magagawa. Wala na kaming mga extra clothes na dala eh.
Last rounds, Q&A. Not like the order before, random ang selection ngayon, ibig sabihin, mauuna ang mauuna. Kaso nabunot na ang lahat, kaming dalawa na lang ni Louisse ang natitira. Unlike our original order before, ako ang nauna.
“So Mr. Intal! Nice to see you again. Please pick a card for your corresponding question.” May inabot sa aking fish bowl na lalagyan ng cards na may questions. Dalawa na lang kami ni Louisse kaya dalawa na lang din yung cards. Puro mga tungkol sa love life you mga questions eh!
“So Mr. Intal, here is your question. What would you do if the girl you choose rejects you and why?” Wow! Nakakarelate ako! Grabeh!
“I’d try again. I believe that I might get a thousand, or maybe, even millions of no coming from her, but there will be a time that she’d say yes because I’m going to do whatever it takes for her to fall hard for me as hard as I fell for her.” And the crowd goes wild! Ang hirap talaga kapag gwapo! Ahahaha.
Last but not least, si Louisse na rin ang tinawag. She took the last card dahil yun na nga lang ang natitira.
“Ok! Ms. Matsuo. Your question, how would you prove to everybody who doubts your love for the man you’re in love with?” The emcee quickly asked her. First, she gave a big smile to everyone.
“Easy..” She said at lumingon sa linya ng mga contestants sa likod. Kasama ako sa linya na yun syempre. Lumapit siya at naglakad hanggang sa makaabot siya sa akin, sa dulo kasi ako nakapwesto, malayo dun sa emcee.
I was overwhelmed with everything! Bigla na lang niya akong hinalikan sa lips. Fvck! I feel hot! Nanlaki yung mata ko sa nangyayari. Unti-unti ko ring naisara yung mga mata ko pero before I knew it, she ended the kiss at lumapit na ulit sa emcee.
Everyone was in shock. Tapos after a while nung nagsync-in na sa aming lahat yung nangyari, the crowd went wild. Mas malakas yung sigawan kaysa sa kahit sinong kasali sa contest na ‘to. Kitang-kita ko rin yung surprised look sa mukha nung mga parents at faculty members sa nangyari. Si Mom naman at si JR kinikilig sa isang tabi. Kung sila gulat at kinikilig sa nangyari, ako, baliw na baliw na ako sa nangyari.¥©©¥
Louisse
Bakit ko nagawa yun? Pagkauwi ko kasi nung araw nung friendly match, naikwento ko kila kuya Chiharu, kuya Chiaki at kay Tsukasa yung nangyari. Sila yung nag-umpok sa kokote ko na inlove na nga ako kay Karen. They also said that if I don’t want to loose him, forget about Joseph and fight for him. Dahil kung tunay daw na kaibigan si Joseph, maiintindihan daw niya na hindi ko naman daw ginusto na masaktan siya at ako ang magustuhan ni Karen.
They diagnosed na lahat daw ng nararamdaman at weird na ikinikilos ko ay nagsimula nung makilala ko si Karen. I agree. I’ve never felt these weird feelings in a while. Huli kong naramdaman ito, kay Noah pa. Nung nililigawan at sweet pa si Noah. But after nga nung makuha niya yung habol niya sa akin, ayun! Nawala na lang bigla!
We both won the contest. Lahat ng contestants and mga tao nagwawala dahil they were all rooting for us daw.
Linapitan din ako ni Karen after.
“So tayo na ba?” He asked with a really big smile.
“Anong tayo na? Syempre papahirapan pa kita noh!” I sarcastically told him. Manliligaw pa siya! Hindi pa sapat yung ilang linggong panliligaw noh!
“Gladly! Kahit paakyatin mo pa ako ng pinakamataas na bundok, o pasisirin mo pa ako sa pinakamalalim na dagat, gagawin ko, makuha ko lang ang matamis mong oo.” He teased and wiggled his eyebrows. Inirapan ko na lang yung kalokohan niya.
“Ah!!! Ang galing-galing niyong dalawa!” His Mom came from nowhere at bigla na lang akong binalot ng kanyang mga braso.
“Ehe, thank you po.” I struggled to say. Ang higpit kaya nung yakap niya sa akin.
“OOOHHH!!!” Nagsisugudan namin yung mga kapatid ko at nalamog ata yung buong katawan ko sa pagkasalpak nila sa akin. Kahit kailan talaga! Parang hindi ako babae para sa kanila eh.
“Huy! Ano ba kayo! Nakakahiya!” I pushed them away from me. Hindi ba nila nakita yung suot ko! Babaeng-babae ako pero ginaganyan nila ako!
“She’s right. Behave yourself boys.” Sabi ni Papa na palapit pa lang sa amin.
“You must be Mr. Matsuo. Ako nga pala si Antonette Intal. Robert’s mom.” Pakilala ni tita kay Papa. He gladly shook her hands. Medyo nagsastart nang maging awkward ah!
“So! San tayo? Nagugutom na ako.” I pouted like a child. Totoo naman eh! Nagugutom na ako. At para mawala rin yung awkwardness na namumuo.
“Sama kami!” Sigaw naman nila Mike. At! Kasama pa niya yung kapatid niya!
“Pwede naman kayong sumama kaso KKB.” I told them. Mukhang magpoprotesta pa sila na gusto nila ng libre, kaso may kung anong kaluluwa ng isang galanteng spirit ang sumapi kay Papa kaya pumayag siyang ilibre na rin silang apat. Swerte nila ha!¥©©¥
Car ride was awful! Napagkasunduan nilang boys only yung sasakyan namin kaya napilitan ako at si Mikee na sumabay kila tita at JR sa sasakyan nila. Baka kung ano-ano pa ang ikwento nila kila Kuya Chiharu at Papa!
It’s starting to get cold. Medyo maginaw kasi yung AC eh. Tapos kamusta naman yung dress ko diba?! Mukhang napansin ata ako ni tita. Si JR kasi yung nagdadrive.
“Louisse, kung gusto mo, magpalit ka muna. Mukhang giniginaw ka na ata.” She asked with concern.
“Hindi na po. Wala rin po akong dalang damit eh. Tsaka I love the cold.” Maginaw pero masarap sa pakiramdam.
I wonder what the boys could be talking about? Sana hindi nila ako pinag-uusapan!¥©©¥
Karen
“Alam niyo po, kaya umalis si ate ng ganun ang itsura ng suot niya kasi may maitim yung plano.” Natanong kasi ni tito yung dahilan kung bakit sobrang daring nung suot ni Louisse nung friendly match ng Randall at Denver.
Ikinuwent nila Mike, Tim, Gab, at syempre, pati ako yung nangyari. Natawa naman si Tito sa pinaggagagawa ni Louisse na kagagahan.
“Ano pang kagagahan ang mga nagawa ng anak ko?” He asked laughing. Grabeh! Parang hindi sila mag-ama. They’re like best friends. Best friends na kung ano-ano ang pinagsasasabi tungkol sa isa’t isa.
Nagkwentuhan pa kami. Medyo natahimik na kaming dalawa ni Tito. Naka-upo ako sa passenger seat kaya lahat ng ingay nasa likod.
“Hijo, can I ask you for a favour?” He asked. Hindi kami masyadong naririnig nung mga nasa likod dahil busing-busy sila sa usapan nila.
“Sure po. Ano po ba yun?” Syempre, plus points din yun sa akin.
“Pwede mo bang bantayan si Louisse sa sembreak. I mean kung ok lang sayo–“
“Ok lang naman po. Pero bakit?” I asked. It’s actually weird bakit ako?
“I have a one week business trip. Si Chiharu at Chiaki, may out of the country field trip sa school nila. Si Tsukasa naman may training-slash-outing sila nung team nila out of town. Si Louisse lang ang matitira mag-isa sa bahay. And you’re the only one I trust enough to look after her.” He’s serious?
“Eh, other relatives po?” I asked.
“Nasa Japan. Alangan naman ipadala ko pa siya dun diba?” He smirked at me. I guess I have no choice.
“Sige po.” I agreed to help him. Delikado rin kasi na mag-isa lang si Louisse sa bahay nila. Kahit naman na may pagka-amazona siya, delikado pa rin.

BINABASA MO ANG
Reverse Romance:The Past
RomanceLouissa Chitose Matsuo.... Half Japanese, honor student, basketball player, Gandang babae, secret casanova. Robert Karen Intal.... Basketball player, cook, Mr. Masungit, Casanova, hindi pa naiinlove, gandang lalaki. As Karen transfers to a...