Chapter Four

110 3 0
                                    

Louisse

     “Oh? Saan ka pupunta? Hindi ka ba sasabay sa akin pauwi?” Tanong ni Joseph.
     “Ah! Hindi na. Nagapapatulong pa kasi si Karen dun sa talent portion niya para bukas eh. Mauna ka na. Oh! And! Walang selos ha! Hindi ko siya type! Alam mo yan! Mwah!” I bid goodbye. Dumeretso na ako sa may gate.
     “Ang tagal mo ha!” He scowled at me.
     “Eto na ako diba?! Kaysa naman sa hindi kita siputin diba?!” Pamimilosopo ko.
     “Sakay.” He said at sumakay na rin sa sasakyan niya. Edi ako rin, sumakay na.
     “San tayo?” He coldly asked.
     “Trinoma.” I answered. There are a lot of pretty dresses there at dala ko rin yung debit card ko.
     “Ang layo! Pano mo ko matutulungan kung gagabihin tayo?” He asked, mad.
     “Wala ka bang tiwala sa akin?” I shouted at him. Mukhang nabara siya dun. Natahimik eh.
     Pinaandar na lang niya yung kotse at in no time nakarating din kaming Trinoma. Dahil weekday ngayon, hindi naman kami nagkaroon ng problema sa parking. Pagkababa namin, walang imikan pa rin kami. Sumunod lang siya sa kung saan ako pumupunta. Good thing yung isang store dito kilala ko yung owner kaya alam ko na bibigyan niya ako ng magandang dress for tomorrow.
     “Ay! Boss Louisse! Great to see you again!” Bati nung bakla.
     “Good to see you too.” I greeted back.
     “Uy! Boylet mo? Ang gwapo ha!” Sabi ng bakla.
     “Ah! Hindi! Just hitched a ride.” Kahit naman na wala akong pakialam sa isipin niya, syempre baka kumalat pa sa school namin na kami! And that is never going to happen.
     “Oh… Well! What can I do for you?” He asked. With a really gay gesture.
     “Two dresses para sa Mr. and Ms. Popularity contest.” Even with just a short description nabibigyan na niya ako ng perfect dresses para sa kahit anong occasion.
     “Coming up!” Nagtingin-tingin lang ako ng konti tapos lumabas na siya kaagad na may hawak na dalawang damit.
     “Thanks. Uh, babayaran ko na.” I told him. Sa sobrang dalas ko kasi dito alam na niya yung size ko, kaya deretso bayad na lang ako lagi.
     “Hindi mo ba titingnan?” Tanong ni Karen.
     “Hindi na. Alam ko naman na magaganda yung linabas niyang dresses eh.” I complimented.
     “Well, at least dito ka na pumili ng dress para bukas at para sa Finals.” He suggested. It might be a good idea since hindi pa nga pala ako makakauwi agad.
     “Well, now! Hindi ko alam meron ka pa lang magagandang ideas diyan? So which one?” I showed him both of the dresses.
     “Huh? Hindi mo ba isusukat muna para makita ko kung alin ang maganda?” He asked.
     “Hindi! Pili ka ng isa. Yung isusuot ko bukas, tapos yun yung isusukat ko. So alin dito ang less bongga para bukas?” I asked again.
     “Uhm…. The grey one.” Turo niya. Isang grey at isang black kasi yung dresses. Parehong daring pero what the hell! It’s a contest. Ganun talaga ang buhay.
     “Ok. Wait here.” I said and I hurried to the fitting room. Gusto ko rin namang makita yung itsura nung dress eh.

¥©©¥

Karen

     “Are you ready?!” Tanong niya habang nasa loob pa siya ng fitting room. Seriously?!
     “Ako ba ang magsusuot? Just hurry up.” Baka ako pa ang mapahiya bukas niyan!
     “Fine!” She said at binuksan na yung door….
     “Woah.” Yun lang ang nasabi ko dahil as in woah! Yung suot niya Parang two piece dress na mukhang tela lang na pinagdugtong. It was really daring. Lahat nag makakakita sa kanyang lalaki, for sure, lilingon at TITITIG.
     “Ano? Maganda ba?” She was still flaunting the dress and looking herself at the mirror.
     “Hindi. Palitan mo yan.” I ordered her. Ano na lang ang mangyayari kung itutuloy niya yung balak niyang isuot yan bukas?
     “Anong hindi?! Ang ganda kaya!” She complained.
     “Ugh! Fine! Do what you want, basta bilisan mo na. After neto tutulungan mo pa ako sa talent ko, it’s a deal.” Paalala ko sa kanya.
     “Sure!” And with that, bumalik na siya sa fitting room para magbihis at aalis na rin kami.

Reverse Romance:The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon