Chapter One

198 4 0
                                    

Karen

     If I know, nagagwapuhan lang siya sa akin kaya niya ako kinakausap. Hindi ko na lang siya pinansin. That’s what I do to my fangirls. Hindi kasi nila maintindihan na hindi ako interested.
     “Hmp! Sungit!” She scowled at patagong nagpasak ng earbuds sa tenga niya. Yung totoo?! Babae ba talaga tong katabi ko?
     Buong klase siyang nakatingin sa bintana at nakikinig sa music. Daig pa niya ang lalaking nag-eemo. Mabilis namang lumipas yung oras kaya break na agad. May biglang umakbay sa aking lalaki.
     “Pare, bago ka?” He asked nicely.
     “Ah, oo.” Tipid kong sagot.
     “Kapansin-pansin kasi na pinagtitinginan ka agad ng mga babae kapag nakikita ka nila eh. Tell me, were you popular sa dati mong school?” Pang-uusisa niya.
     “Uh, yeah.” Medyo FC din to ah.
     “Great! You’re one of us now.” He declared at may dalawa pang lalaking umupo sa table namin.
     “Sino ba kayo?” Hindi naman talaga ako interesado na masali sa grupo nila pero sino ba naman ang may ayaw magkaroon ng kaibigan?
     “Michael Guevarra, call me Mike. Timothy Rodriguez, call him Tim, tapos si Gabriel Mendoza, aka Gab.” He introduced.
     “So any group name?” Sa previous kong school I was in a group den kaso hindi naman kami gaanong close kaya hindi rin naging mahirap ang pag-alis ko sa grupo.
     “Nah! Di yan uso sa amin.” He said and took a big bite out of his sandwhich.
     “Hmm. Ok.” Yun na lang ang nasabi ko at katulad ng ginawa niya, kumain na lang ako ng sandwhich.
     “Teka, ano nga bang name mo?” Tanong ni Gab.
     “Robert Karen Intal.” Sabi ko at kumagat ulit sa sandwhich ko.
     “Karen? Grabeh naman! May pangalan kang pambabae.” Sabi niya sabay tawa.
     “My parents were expecting twins na lalaki at babae, eh hindi naging twins, pinagsama na lang nila yung pangalan.” I explained.
     “Wow. Messed up.” React ni Gab.
     “So, anong status niyo?” I asked out of curiosity.
     “The usual, heartthrobs.” Sabi ni Mike.
     “Pero, kahit kami, meron kaming hindi mapormahang babae.” Dagdag ni Tim.
     “Lahat ng babae nadadaan sa pagiging gentleman. Baka hindi niyo lang natatry lahat ng moves.” I told them.
     “Hindi eh. Natry na namin lahat, as in LAHAT. Pati nga yung ‘magpapakamatay ako kung hindi mo ako bibigyan ng pagkakataon’ stunt eh. Kaso wala, poker face tapos sinigaw pa na ‘sige tumalon ka, mababawasan din yung mga sumusunod sa akin’. Dude ganun siya kalamig!” Nagkukunwari pang umiiyak si Gab.
     “Sino ba yung babaeng yun?” May ganun pa lang babae.
     “Si Louissa  Chitose Matsuo. Mas kilala siya bilang Louisse. Ang basa sa nickname niya ay parang pangalan ng lalaki, Luis.” Sabi ni Mike.
     “Teka, yun yung babaeng katabi ko kanina. Classmate ko pala. Pero parang hindi naman maganda.” Ang gulo gulo kaya ng itsura niya kanina.
     “Syempre! First period pa lang yung kanina eh. Kapag break pa siya nag-aayos kaya mamaya makikita mo na ang tunay niyang kagandahan.” OA na pagkasabi ni Tim.
     “Pero ba’t ang friendly niya?” I asked. Eh ang friendly kaya niya kanina sa classroom.
     “Friendly lang yun sa mga babae. Napagkakamalan nga siyang lesbiana dahil puro babae lang ang kinakausap niya at hi man lang hindi niya maibigay sa mga lalaki.” Explain ni Mike.
     “Kinausap niya ako kanina.” I told them. Nanlaki naman yung mga mata nila
     “Anong sinabi niya!” Sabay-sabay silang sumigaw.
     “Nag-hi lang siya tapos tinanong niya kung transferee ba ako.” I told them.
     “Nag-hi! Pare, ang swerte mo!” Tuwang-tuwa nilang sinabi.
     “Ganun ba kasungit yun?” I asked.
     “OO! Mararamdaman mo na lang ang presence niya kapag madami nang lalaking nakatingin sa iisang direksyon… Speaking of.” Tiningnan ko lahat ng lalaki sa paligid at nakatingin sila lahat sa likod ko. Paglingon ko sa likod nakatayo na si Louisse.
     “Mike, Tim, Gab. Basketball try-outs mamaya after class. Lahat ng gusto pakisabihan.” She coldly informed them at umalis na rin.
     “Hanggang ganyan lang niya kami kinakausap. Hay!” Buntong hininga ni Tim.
     “Hmmm. Teka, basketball try-outs? Pati yung sa male? Eh bakit siya? I mean, bakit babae?” curious ako. Ngayon lang ako nakarinig ng ganito. Babaeng nagmamanage ng isang basketball team… basketball team ng lalaki.
     “Siya lang kasi ang kaisa-isang babaeng nakakatalo sa lalaki. Varsity at MVP pa since first year pa lang. Consistent pa siyang nasa class A every year.” Kwento ni Mike.
     “Eh kayo? Varsity din ba kayo?” I asked.
     “Yeah. Five years na ako, habang si Tim ay three years, at si Gab naman, second year niya sa team kung makakapasok siya this year.” Sabi ni Mike. K-12 kasi!
     “Magtatry-out ka?” Tanong ni Tim.
     “Yeah.” Tipid kong sagot. Pero I think getting to know this Louisse girl is worth a shot.
     “So, tell me more about Louisse?” I asked them.

Reverse Romance:The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon