Louisse
“Chitose! Gumising ka!” Ginigising ako ni Kuya Chiaki. Ano ba naman yan!
“Ugh! Kuya! Tumigil ka! Saturday na saturday, nang-uurat ka!” tinalukbong ko ulit yung kumot ko.
“Gumising ka na kasi ate!” Ugh! Kasabwat pa niya si Tsukasa!
“Tama sila, Chitose, gumising ka na. May naghihintay sayo na bisita sa baba.” Relax na sinabi ni Kuya Chiharu from my door.
Panganay si Kuya Chiharu. He’s the cool, calm, and collected, full name, Lance Chiharu Matsuo. Si Kuya Chiaki naman ang sumunod. He’s quirky. Sobrang kulit! Full name, Leonard “Leo” Chiaki Matsuo. And ang bunso sa amin, si Tsukasa. The perfect baby brother. Napakabait at protective din sa ate. Full name, Luke Tsukasa Matsuo.
Lahat kaming magkakapatid, basketball players ng kanya-kanyang schools. Si Kuya Chiharu at Kuya Chiaki, magkaiba ng university na pinag-aaralan nila kaya magkalaban din sila minsan sa mga competitions.
Si Tsukasa, sa Randall siya naglalaro. Ako naman, dahil babae ako, hindi ko kahit kailan makakalaban sila, pero player pa rin ako sa Denver….
Nga pala! Sino naman yang bwisita ay! Este bisita ko?!
Tumayo na lang ako sa kama ko at derederetso na ako pababa sa living room namin…. K-karen?!
“Anong ginagawa mo dito?!” Dinuro ko siya. Wala akong paki kung makita man niya yung muta-muta kong mata, bruha kong buhok, at kung meron man, kahit hindi naman ako tulo laway matulog, panis na laway. Siguro kung makita man niya ako ganito ma-turn off siya at tigilan niya yung kahibangan na sinasabi niya.
Dahil sa kanya wala akong ginawa buong linggo kundi suyuin si Joseph at layuan siya. Tngna! Ang hirap ng buhay ko nitong buong linggo na to ah!
“Hindi ko alam na meron ka na palang bagong kaibigan.” Sabi ni Papa, calmly. Hindi niya pinapahalata yung tension sa pagitan niya at sa pagitan ng kahit sinong lalaking dumadalaw dito sa bahay.
“Ex-friend. He’s not my friend anymore kaya wala na akong makitang rason para magstay pa siya dito.” I said at linapitan ko siya tapos papaalisin ko na sana siya nang bigla siyang pumalag at lumapit kay Papa.
“I’m here to formally court your daughter.” Ptngna! Anong pinagsasasabi niya! Nagaggo na ba siya?! Gusto talaga niyang matikman yung samurai ng Papa ko?!
“Court? Our sister?”Sabat ni Kuya Chiharu. Tiningnan naman niya yung dalawa ko pang mga mokong na kapatid. Ewan ko pero nagkakaintindihan sila ng tingin-tingin lang eh.
Bigla namang hinablot nung dalawa yung pareho kong braso at hinila nila ako pabalik sa kwarto ko.
“Ano ba?! Bitawan niyo ko!” Hinagis nila ako sa kama ko. Grabeh ha! Literal na bitawan! Dali-dali naman silang lumabas at sinara ang pinto. Ay Sh!t! Linock pa nila yung pinto! Nako naman! Baka kung anong katarantduhn ang sabihin ni Karen kay Papa!¥©©¥
Karen
“So, you’re here to court our sister. Pero bakit kami ang kausap mo ngayon?” Nakakakaba. Puro lalaki pala yung mga kapatid niya. Ang lalaki pa ng mga katawan. Mukhang lahat sila athletes eh.
“Bago ko po kasi siya ligawan, gusto ko pong hingin yung blessing po ninyo eh.” Ptngna, hindi ako sanay ng ganito ah!
“Hijo, I will just ask you one thing…. Ano ba ang dahilan kung bakit mo liligawan ang anak ko?” He asked concerned. Hindi siya yung tipo ng dad na nananakot. He’s very nice.
“Hindi ko rin po alam. Bigla ko na lang po naramdaman na iba na pala yung tibok ng puso ko kapag kasama ko po siya.” Cheesy pero totoo naman eh.
“Ok.” He whispered and nodded.
“Welcome to the family.” Her brother offered his hand to shake…. Ganun lang yun?
“S-seryoso po ba kayo?” Seryoso ba talaga sila sa sinasabi nila?
“Yes. We are serious.” Sabi ng kuya niya.
“Hijo, ganito kasi yan… That feeling you’re experiencing right now, yan din ang naramdaman ko sa mommy nila when I always hung out with her.” He simply stated.
“RRRRUUUUGGHHH!!” May narinig kaming kalabog sa taas. Umiling na lang yung si Mr. Matsuo tapos kuya naman niya biglang napangiti. Anong nangyari?
“Chitose!” Tawag sa kanya ni Mr. Matsuo.
“Anong nalaman mo!” She pointed at me pagkababang-pagkababa pa lang niya.
“Bakit mo na naman sinira yung pintuan mo?” Mr. Matsuo asked calmly.
“Eh, Pa!” She whined like a little girl.
“He just asked for my blessing and I gave it to him. Ngayon, kunin mo yung toolbox sa parking at ayusin mo yung pintuan mo.” Kalmado niyang utos. Laging kalmado yung Dad nila pero kahit na ganun alam mo na he’s giving consequences.
“Blessing?! Blessing saan?” She’s clueless.
“Blessing dahil gusto niyang umakyat ng Ligaw.” Sabi nung kuya niya.
“Ano?!” She was surprised. Bigla na lang niya akong hinila palabas ng bahay nila, papunta sa parking nila.
“Ano ba?! Hindi ka ba talaga titigil?! Ano bang gusto mong mangyari?! Hindi to joke Karen. Hindi nakakatuwa na alam ng family ko yung mga pranks mo!” Akala na naman niya linoloko ko lang siya.
“Eh hindi naman to joke eh. Seryoso ako Louisse. Gusto kita, at gagawin ko ang lahat.” Seryoso kong sinabi sa kanya. Bigla naman siyang namula, just like a tomato. Bigla na lang siyang nailang…
“UGH!!” Bigla na lang siyang sumigaw at sinapak ako tapos tumakbo papasok ulit ng bahay nila. Ang sakit! Pvcha naman oh!
“Ok ka lang?” Bigla namang lumapit sa akin yung Kuya niya na kausap ako kanina …
“Dude, sorry tungkol dun. Amazona kasi yun eh.” Sabi nung isa pa niyang kuya. Siya yata yung sumunod dun sa isa pa niyang kuya na kausap ko kanina eh.
“O-ok lang po.” He helped me stand up. Mababait yung mga kuya niya ha! Di tulad ng iba sa mga fling ko. Fling na nga lang, halos mabugbog pa ako ng mga kuya nila.
“She’s usually like that kapag hirap siyang iexpress yung feelings niya. Huli siyang nagkaganyan nung sila ni Noah eh.” He calmly told me. Napilitan siya nung una pero natutunan din niyang mahalin si Noah… She must’ve really fell in love with him.¥©©¥
Louisse
Putragis! Bakit ba ako nagkakaganito?! Hindi! Louisse! Hindi mo pwedeng maramdaman ang mga ganitong bagay towards him.!
“Ate?” Kumatok si Tsukasa. He stepped in na rin dahil bukas naman yung pinto.
“Tsukasa! Tsukasa, nakita ka ba niya?” Napasugod ako sa kanya bago pa man siya makalapit. Napalayo siya sa gulat at pagtataka.
“S-sino? Si manliligaw mo? Hindi. Nakita ko lang siya sa may hagdan tapos pinagising ka na agad ni Kuya Chiharu.” He explained. Phew! Buti na lang. TULOY ANG PLANO!
“Maglalaro ka ba sa friendly match ng Randall at Denver?” I asked.
“Uh, of course.”
“Great! Magpagwapo ka ha! Sige, bye, thanks!” I said habang tinutulak ko siya palabas ng kwarto ko tapos sinara ko agad yung pinto, na kakaayos ko lang. Kailangan maghanda na ako. 3:D

BINABASA MO ANG
Reverse Romance:The Past
RomanceLouissa Chitose Matsuo.... Half Japanese, honor student, basketball player, Gandang babae, secret casanova. Robert Karen Intal.... Basketball player, cook, Mr. Masungit, Casanova, hindi pa naiinlove, gandang lalaki. As Karen transfers to a...