Chapter Seven

102 4 0
                                    

Louisse

     Interview was a success. Ok naman yung kinalabasan. Pagkabalik naming classroom, sakto third period na at third period daw nila ie-air yung interview.
     “… That concludes the compatibility of our grade 12 representatives. If you ask me, I think there’s something going on between them.” Gawa-gawa din ng isyu tong si Rica pag may time ha!
     “There’s nothing right?” Nag-aalalang bulong sa akin ni Joseph.
     “Of course.” I assured her. Chismosa lang talaga yang si Rica. Mahilig kasing gumawa at sumagap ng chismis

¥©©¥

     The whole day went on as usual! May mga chismoso’t chismosa na nagbubulungan sa tuwing nakikita ako! Anyway! Kailangan focused nga pala ako para sa buong team ng both girls and boys. Sabay ko silang imemeet ngayon. Pinauna ko na yung mga girls sa court.
     Sumabay na ako sa kanila, at aba! Wala pa talagang niisang lalaki! Dahil nga strategist ako, meron akong mga special rights… isa na dun ay ang makapasok sa shower at locker room ng mga boys. Hehehehe 3:D
     “Huy!” Bigla namang nagtakip yung mga bagong players. Sila Mike, Tim, at Gab hindi na. Sanay na sila eh.
     “Anong ginagawa mo dito?!” Nalolokang tanong ni Karen.
     “Sinusundo kayo. Kanina pa kaming nag-aantay. Ang tagal niyo! Daig niyo pa babae.” With that I left.

¥©©¥

Karen

     “Uh, kuya Mike, kuya Tim, kuya Gab, how can she do that?” Tanong nung grade 10.
     “Easy. Strategist siya ng team kaya may special previllages siya. Tulad na lang nung nangyari kanina. Kaya masanay na kayo.” Mike explained.
     “So that means, no one has to get naked, ever.” I added.
     “Yup! Kung ayaw mong makita niya kung gaano kaliit yan.” Pabiro niyang sinabi sa lahat. Mokong na to oh!
     Today’s meeting was plain. Sinabihan lang kami tungkol sa game namin against Randall at binigyan ng schedule for practices at ayun! Kanya-kanyang uwi na.
     Nauna na rin ako. Gusto ko nang umuwi dahil pagod ako ngayon. Ang hirap kaya maging gwapo!
     Pagsakay ko sa kotse ko… Ay pvta! Ayaw magstart! Anong nangyari? First time na nagkaganito yung kotse ko! Bumaba ako ulit at binuksan yung hood niya. Sh!t! Wala pa naman ako gaanong alam sa ganito! Iniingatan ko naman kasi yung kotse ko eh.
     “Need help?” May nagtanong sa likod ko. Paglingon ko si Louisse. Ano naman ang alam niya sa ganito?
     “At ano naman ang maitutulong mo?” Pinagsungitan ko siya.
     “PMSing lang ang peg! Meron ka ba ngayon? Hehehe joke lang….” Tapos tiningnan na niya yung sasakyan ko.
     “May screw ka kasing natanggal dito oh. Natanggal tuloy yung wiring kaya hindi talaga siya magoon kahit gaano mo pa pudpurin yung susi mo. Siguro, magdadala na lang ako ng ganitong size na screw bukas.” She said. Bukas?!
     “Eh pano ako uuwi ngayon?” Pamimilosopo ko.
     “Gusto mong sumabay sa akin?” Tanong niya. Wait? Diba wala naman siyang kotse?
     Bigla niya akong inabutan ng helmet… Nagmomotor siya?!
     “Nagmomotor ka, wala kang sasakyan, pero marunong ka ng ganito?” I asked.
     “Syempre! Laking mekaniko kaya ako. Hehehe, hindi, joke lang! Ayaw pa kasi ng Dad ko na bilan ako ng sasakyan kaya pinagtitiisan ko muna tong motor ko. Tapos ang negosyo ng Dad ko ay yung naghahandle sa car insurance. Eh hands on siya kaya nakikita ko kung paano mag-ayos ng sasakyan hanggang sa tumutulong-tulong na ako as I grow up.” Kwento niya habang naglalakad kami papuntang motor niya.
     “Ikaw?” Bigla niyang tanong nung hinahanda na niya yung motor niya.
     “Ako?” Nabigla naman ako sa tanong niya. Is she asking me about my mom?
     “Yeah, ikaw. Anong business niyo? Any special talents or skills?” She asked habang sumakay na siya sa motor niya.
     “Well my mom, she’s a famous food critic, pero hindi naman siya magaling magluto. She gets to travel around the world because of her job. Ako… Hindi tulad niya, I can cook.” I told her at umangkas na rin.
     “Eh, your Dad?” She asked tapos kinick na yung pedal na magpapastart sa motor.
     “Hindi sila kasal ng mom ko and nagkaroon pa sila ng problema on keeping their relationship strong. Right now, nasa France siya. Kung ang mom ko food critic, what way could they possibly meet, through criticizing his food. He’s a famous chef naman dun.” Kwento ko habang umaandar na kami.
     Syempre, ang hawak ko yung hawakan sa likod. Baka ma-offend ko pa siya kapag sa kanya ako kumapit… At baka may iba pa akong makapitan.
     “Eh ikaw? Your mom?” Tanong ko. She only said something about her Dad and not her Mom.
     “My mom died nung pinanganak niya yung bunso kong kapatid. Apat kasi kaming magkakapatid, pangatlo ako. At dahil nga pang-apat na baby na niya, hindi na rin kinaya ng katawan niya kaya she died in the process. Buti na lang safe yung kapatid ko.” She said. Walang lungkot na mababakas sa boses niya. Mukhang tanggap niya ang nangyari sa kanya and she doesn’t blame her sibling for it. She’s really a good sister.
     “Oh? Ba’t natahimik ka na? Sabihin mo naman sa akin kung saan na tayo oh?” Pabiro niyang sinabi. Psh! As if hindi pa siya nakakapunta sa bahay ko?!

Reverse Romance:The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon