Finale

1.3K 34 5
                                    

Napamulat ako ng mga mata at saka napahawak sa aking ulo ngunit natigilan ako nang maramdaman ko ang kirot sa aking ulo.

Teka ba't ang sakit? Napatingin ako sa paligid at doon ko napansin na nasa isang kwarto ako na hindi ko kilala per parang nakita ko na pero parang ang gulo lang.

Teka? Nanalo ba kami ng milyon? Ba't mukhang naging tila palasyo ata ang bahay namin?

Langya naman naprapraning na ata ako. Pero paano ba ako napunta rito?

Ay teka?

"You're awake." Napalunok ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok roon ang isang lalaki na hindi ko masyado maanigan ang mukha pero nang tumapat ang liwanag sa mukha nito mula sa buwan ay napasinghap ako.

Shet! Gwapo! Ang hot! W-Wait? Ano ba itong pinag-iisip ko? Nasa isang malaking kwarto ako at hindi ko kilala ang lalaking ito kaya bakit ganito ako umakto? Dapat matakot ako langya naman o'.

"S-Sino ka?" Napabangon ako at umtras para idikit ang katawan ko sa headboard.

Pero nakatitig lamang ito sa akin na para bang hindi nito maialis ang tingin sa magandang mukha ko at sa sexy body ko-- Arghh kapal ng mukha mo Guen!

Napahawak ako sa mukha ko,

"May tuyong laway ba sa mukha ko?" Kumunot ang noo nito at walang babalang tumawa ito kaya mas napapahid ako sa mukha ko pero hindi nagtagal natigilan ako. Langya naman Guen sa lahat ng pwede mong itanong iyon pa talaga? Nakakabawas tuloy ng ganda bwisit.

"Mabulunan ka sana" Mahinang bulong ko pero nagulat ako nang biglang tumigil ito sa pagtawa at saka humakbang papalapit sa akin at walang ano-ano'y dumukwang.

Kaya lunok laway ang peg ko ngayon paano kasi..

ANG GWAPO!!

nakakalaglag ng panty.

"Hindi ako mabubulunan Miss depende na lang kung may ipapakain ka sa akin?" Natameme ako OMG!

Pero teka ang maniac nitong lalaking ito a'.

"Hoy lalake! Hindi ako cheap na babae a' kaya huwag mo akong ginaganiyan." Natawa ito saka mas nilapit ang mukha sa mukha ko kaya tila huminto sa pag-inog ang mundo ko.

"Miss, I save your life and I am not expecting it to be free and I am a man who has a starving..." Huminto ito saglit at napatitig sa aking labi kaya walang ano-ano'y napakagat ako ng labi. Wait? Hindi ko siya nilalandi pero kusa na lang iyon. Promise!

"Stomach so cook for me." Natigilan ako, saka lumayo na ito.

Ano raw? Lutuan ko siya? Akala ko pa naman haistt pero sabagay tinulungan niya nga ako kanina makatakas sa mga humahabol sa akin kaya nga lang ba't ko siya lulutuan? Sa tingin ko naman mayaman ito kaya madami itong katulong.

"Hoy mister teka lang! Nagbibiro ka ba? Sabihin na nating tinulungan mo ako oh sige thank you pero hindi ako katulong--"

"You won't be, because you are ought to be my wife." Mukhang na hang ako.

Ano raw?

Wife? As in asawa?

"Wife mo mukha mo gago! Uuwi na ako!" Galit na napatayo ako at nilampasan ito pero natigilan ako nang magsalita ito.

"You are Luna, you came back and you should be mine." Hindi ako makapaniwala sa tinawag nito sa akin.

"A-Adam.."
Tila mag boses sa utak ko at sinambit ang pangalan na iyon. Pero paano nalaman nito ang pangalan na 'yun ang pangalan ng babaeng laging nasa aking panaginip?

Na mali lang ba ako ng dinig?

Kumuyom ang kamao ko saka hinarap ito.

"Mister hindi ako nakikipaglaro sa'yo hindi mo ako magiging asawa alam mo bang kaya ako tumakas sa bahay namin ay dahil pinipilit din ako ipakasal? Kaya bakit naman ako magpapakasal sa'yo?" Ngumisi ito saka humakbang papalapit sa'kin pero umatras ako.

Humakbang ito muli pero umatras ako pero huli na iyon dahil naramdaman ko na lamang ang malamig na pader sa aking likuran.

Kaya mas lumapad ang ngisi nito saka dumukwang at walang ano-ano'y hinalikan ang gilid ang aking leeg na nagparamdam sa akin ng kakaibang sensasyon, tila nakuryente ako fuck ano iyon?

"I once mark you and I ought to mark you again. My soon to be wife kaya para hindi kana tumakas ay sisiguraduhin ko makukulong ka rito. I won't let you run away wife." Tumitig ito sa akin at tila nakita ko ang mga emosyon na hindi ko alam kung bakit nito iyon nararamdaman.

Love, longing and possessiveness.

Pero teka bakit sinasabi nitong minsan na ako tumakas? Huwag niyang sabihin na..

"Y-You--"

"Yes I am, ako ang fiancee mo. You think I'll let you go? Matagal kitang hinintay kaya bakig kita papakawalan?" Lumayo ito saka ngumiti, ako naman ay naiwang nakatanga bakit pakiramdam ko may ibang pakahulugan ito sa sinabi nito? Bakit tila malaki ang pangungulilang nararamdaman nito?

At bakit ang init na naramdaman ko ay pamilyar?

Bakit imbes na magalit at matakot ay mas nakaramdam ako ng pananabik?

Sino ba siya?

Bakit tila kilala ko siya?

"You can't cage me here!" Kumunot ang noo ko bakit parang nangyari na ang ganito sa akin?

"Yes I can, and I will for you belong to me. You are adam's property." Huling sambit nito saka iniwan akong nakatulala.

Nang makalabas na ito ng tuluyan ay nanghihinang napaupo ako sa sahig.

Adam...










--------

Simula nang bumukas ang mundong ginawa ng mangkukulam ay napunta ang mga lobo sa tunay na mundo kung saan kinailangan nila makihalubilo sa mga normal na tao. Tila nagkaroon tayo ng bagong chance na mabuhay muli ng normal, makahanap ng bagong pamilya at kasiyahan. But still in secret they are still rule by their king, a king who longed for his wife.

"Kamusta naman ang mahal na reyna." Ngumiti ng mapait ang hari saka napatingin sa kanang kamay nito.

"Hindi pa rin ako nito makilala. Pero hindi ko hahayaan na makawala ito. Nga pala kamusta ang research niyo?" Ginalaw ko ang wine glass at kita ko ang paglaro ng likidong pula sa loob.

"Maayos naman ayon sa mga nananaliksik ay maaaring magawang lobo ang isang tao sa pamamagitan ng ating kagat sa gayon magagawa na ng babae magbuntis dala ang isang lobong supling. Pero pag nabuntis ang babae kailangan ito laging masalinan ng dugo ng isang tunay at full breed na lobo upang mabuhay at hindi mamamatay sa panganganak" Napangisi ako saka napatingin rito. Isang magandang balita.

"Tunay ngang magandang balita mahak na hari simula kasi maubos ang mga babaeng lobo at mapunta tayo sa realidad ay kailangan pa rin natin magpatuloy, kaya magandang balita na pwede pa rin tayo magmahal ng tao." Napatango ako pero kailangan matanggap kami ng taong mapipili namin.

Mapait na napangiti ako simula nang mawala ang aking reyna nahirapan na kaming makabangon pero ngayon sisiguraduhin ko na magiging maayos ang lahat.

"Ano ang sunod niyong plano mahal na hari?"

I smirk and drank the wine in my glass.

"I just need to bring my queen back in my arms and let her bore mu heir."













Author's note.

Sa totoo lang nawala ako, hindi ko alam paano makabalik at gusto ko na lang tapusin ang mga ongoing para makasimula ng bagong kwento kung saan aayusin ko na at babalik na ako sa paggawa. Alam ko pangit ang ending at medyo di kayo satisfy pero babawi ako sa my prostitute mate at sa iba ko pang story. Kasi gusto ko magsimula ulit. Salamat po sa suporta..hope 'di kayo magsawa.

The King's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon