/46

2.2K 61 19
                                    

Luna pov

Nagising ako nang makarinig ako ng mga kaonting ingay ng mga yapak kaya agad akong napabalikwas ng bangon at inilibot ko ang aking paningin sa kwartong kinalalagyan ko nagbabakasakaling mali ang iniisip ko na sana lahat ng nakikita ko ay panaginip lamang pero Shit sinasampal ako ng katotohanan na i am still inside of this fucking cage

"Dalian mo! Kailangan natin makapunta agad doon! "

"Pero totoo ba yon? Sino naman ata kakalaban sa hari? "

"At ang mas malala babae pa! Eh masyadong mahalaga satin ang mga babae dahil kumokonti na lamang ang mga ito... Kaya kapag nakarating ito sa hari ay tiyak hindi lang ito uupo lang at walang gagawin. "

teka nga bakit ang ingay? May nangyayari ba? Hindi ko alam pero Nalilito ako sa mga nagaganap lalo na sa mga halos pabulong na mga nagsasalita at mga yabag na tila nagmamadali..

Kaya dahil sa pagkalito ay
sinubukan kong patalasin ang aking pandinig, para marinig ang nangyayari sa labas..

"Ano pa ang ginagagawa niyong dalawa diyan?! Dalian niyo ang paggalaw dahil Kailangan magmadali! Lalo na't nakumpirmang tama ang balita na May nakitang bangkay sa labas ng palasyo" nagulantang ako sa aking narinig ano na naman kaya ang nangyayari? Sa pagkakarinig ko may nakitang bangkay. But h-how? sa pagkakalam ko nasa maayos naman ang palasyo pero bakit may natagpuan na bangkay? Pero diba dapat di ako mangealam? Isa pa iba dapat ang maging layunin ko..

Sa naisip ko ay Nagmamadaling bumangon ako at mabilis na naglakad ako papalapit pinto

àt hinintay kong mawala muna ang mga ingay at saka ko dahan dahan na binuksan ang pinto at tama nga ako dahil sadyang tanga ang mga nagbabantay sakin Dahil iniwan nilang bukas ang pinto baka nga inakalang nagawa nila akong ikulong pero di pala. Tsk pero salamat na din dahil mapapadali ang pag-alis ko sa lugar na to..

Nagsasaya ang kalooban ko sa aking inisip At nang sumilip ako sa labas ay mas lumapad ang ngiti ko dahil wala na ngang nagbabantay. Mukhang nagmamadali silang pumunta sa lugar na pinag-uusapan nila kanina

Ngunit ngayon sisimulan ko na ang dapat gawin.. But before that napangisi muna ako..

'Tignan mo nga naman kung paano ako ka swerte kawawang adam. '

I smirk at pumikit ako trying to calm my breathing at itinaas ko ang aking kanang kamay at nagsimulang kumumpas at bumanggit ng mga salita..

Pinilit ko din pakiramdam ang lahat ng nasa paligid ko upang maalerto sa paraan ng paggamit ko ng matalas kong pang-amoy at pandinig kailangan iyon dahil kung maisipian ng mga bantay na bumalik ay maaalerto ako.

At nang matapos ako sa aking ginagawa ay dahan dahan kong minulat ang aking mga mata only to be greeted by the sight of the forest.. Hindi ko pa kasi magagamit ang aking kapangyarihan upang mas mapadali at mas mapalayo ako.. Dahil kakagaling ko lang at kakailangan ko pa mg madaming lakas.. Pero okay narin to at least nakalabas na ako ng palasyo at makakaalis na ako

The King's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon