13

3.3K 123 35
                                    

Adam pov.

Kanina nung makita namin ang pagkukunan namin ng tubig ay bumalik kami ni breeze sa lugar na iniwan namin ang aming mga kasama upang kumuha ng panlagyan ng inumin bago bumalik muli para lagyan ito ng laman. Sa ngayon ay naglalakad kami ulit pabalik sa tent.

"Nga pala adam bakit mo kami kanina pinahinto sa paghabol sa taong nagtangka sa buhay mo? Diba dapat ay hinayaan mo kami para naman mahuli namin ito at maparusahan. Hayy naku nagiging mahirap na puzzle kana ngayon. Hirap mong buoin. Ang gulo gulo mo. " oo kahit ako litong lito na sa aking sarili gulong gulo na ako kung anong dapat maramdaman minsan naiisip ko nagiging isa akong katawa tawa. Nung Una naman ay alam ko na kung anong dapat kong gawin yon ay ang iligtas ang buo kong sinasakupang mamamayan . Pero nung dumating si nic nabaligtad na ang mundo ko may nagagawa akong bagay na hindi ko maisip na kaya kong gawin . May nasasabi akong mga salita na hindi ko lubos maisip na kaya ko palang sabihin. At higit sa lahat nararamdaman ko ang mga emosyon na noon naman ay hindi ko naisip na meron pala ako. . At dagdag pang Eto ang kauna-unahang pagkakataon na kahit ako ay nalilito kung anong dapat gawin hindi na ako sigurado sa anong dapat kong sundin. Gusto kong lumayo pero parang may humihila naman sakin papalapit dito. Gusto kong magprotesta pero ibang mga salita naman ang lumalabas sa bibig ko. . Bakit kasi ang gulo ng sitwasyon at higit sa lahat bakit ganito na lang ang epekto niya sakin i am thorn in two option.

At ang malupet. Ay nung dumating ang misteryosang babae at pagkatapos ay halos magkapareho ang nararamdaman ko dito at sa lalakeng alipin ko .. Pareho ko silang gustong angkinin. And i am being selfish i want them for myself. Ngunit okay lang naman yung sitwasyon ko pati yung misteryosang babae pero si nic shit that is very impossible and unacceptable hirap paniwalaan. Dahil ito ang kauna unahang naging ganito ako sa isang lalake ...

"Naisip ko na sa ilang taon na lumipas walang ibang nagtangka sa buhay konkundi ang misteryosang babae kaya tiyak siya din ang gumawa non at binabalaan lang tayo na wag tumuloy sa ating paghahanap. At saka di niyo naan siya mahahabol buti na lang na maisip niyang nahihirapan tayo sa paghahanap sakaniya and when her guard is down we can easily trap her. " napasuntok sa hangin si breeze at may konting tawa na umalpas mula sa labi nito.

" galing mo doon ha. Hanga na ako sayo.. MAHAL NA HARI weww akala ko kinalawang na yang mga turnilyo sa utak mo pero hindi pala. " sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking daliri dahil sa kalokohan nito. He's really a bipolar. Kung sa harap ng iba aakalain mong isang seryosong beta pero kaoag ako ang kaharap ay tila di ako hari at ginagawa akong bata .

" ano akala mo sakin nabobobo? Tsk i am just plotting a great plan. Para naman di padalos dalos. Kasi Dapat ay may sinusunod na hakbang para tiyak na magtagumpay.. Dahil kung mamadiliin ko.. Baka may chansang mas makawala pa ito. " sambit ko na kinasipol nito at napailing.

"Grabe ka adam ang hirap hirap mo palang kalabanin. . Dahil Ang dami mong plano diyan sa utak mo .. Minsan nga di ko alam ay napapahanga na lamang ako. Tsk You are really a king. " kung alam mo lang breeze na kahit ako mismo ay nahihirapan din. . Minsan tinatanong ko kung nararapat ba talaga ako maging hari sapagkat minsan di ko nagagawa ang aking tungkulin. At minsan nakakagawa ako ng bagay na Hindi dapat gingawa ng isang hari..

"Breeze noon ay pinangarap ko lang ang maging hari pero ngayon na nasa posisyon na ako doon ko lang nalaman na ang hirap pala.. Lalo na kung makita ko na at makaharap ko na ang tunay na problema nito.. But you know what i will never let my brother's down. Gagawin ko ang nararapat para protektahan ang dati na niyang prinoprotektahan " naramdaman ko ang pagtapik ni breeze sa aking balikat kaya napatingin ako dito kung saan sumalubong sakin ang ngiti nito na nagsasabing kasama mo ako sa bagaya na gusto mong gawin.

"Magagawa din natin to lampasan adam ramdam kong matatapos din itong problema natin. " sabi nito na kinabuntong hininga ko.. Sana nga..

" mahal na hari nandito na pala kayo. Tapos na namin gawin ang tent na matutulugan natin " sabi ni ador at kinuha nito ang lalagyan ng tubig mula s aaking kamay.. Hindi ko napansin na nandito na pala kami at teka nga.

The King's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon