Chapter 2

811 24 0
                                    

“Nakakulong kana naman.”




Kumunot ang noo ko nang makita ko si Jason na papasok sa kwarto. Anong ginagawa nito dito?




“Anong ginagawa mo dito, diba may trabaho ka?”




Myerkules palang kaya alam kong may pasok ito at nakakapagtatakang nandito siya. Isa siyang family driver ng mayor dito sa bayan. Palaging may lakad ang mayor at siya ang inaasahan para magmaneho ng sasakyan.




“Di ka pumasok no?”




Umiling ito, “Nag leave ako ng dalawang araw. May sakit kasi si mama at ako ang nag-aalaga sa kanya.” Paliwanag nito.




“Maupo ka.” Alok ko at tumingin sa labas ng bintana. Ito ang palagi kong ginagawa kapag nag-iisa. Walang maingay at nanggugulo. Pakiramdam ko mas ligtas ako kapag nag-iisa at wala ang mga matang mapanghusga na nakatingin.




Iba ako sa lahat ng tao dito. Alam ko ‘yon. Nararamdaman ko ‘yon. Iba ang katangian na meron ako. Noong bata pa lang ako at buhay pa si mama wala namang nang-api at nanghusga sakin. Pero simula nang mawala siya ay nag-iba ang trato ng lahat. Naging ilag silang lahat at takot na takot sa akin na para bang may nakakahawa akong sakit. Lahat sila ay nagsimula ng manghusga. Mang-akusa.




“Kung may sakit naman pala ang mama mo. Bakit nandito ka? Dapat inaalagaan mo siya, 'di 'yong nagpupunta ka kung saan saan.” Medyo tumaas ang boses kong sabi sa kanya at sinamaan siya ng titig.




Hindi naman ata tama na gumagala siya habang may sakit ang mama niya. Lalung-lalo na hindi tama na ang kapatid niya ang mag-aalaga, sampo palang ang edad no'n. Ang bata pa para mag-alaga ng may sakit.




Napakamot ito ng ulo at yumuko. “Tulog na si mama nang umalis ako. Atsaka nagpaalam naman ako na pupuntahan kita at okay lang sakanya. Kaya.. ayon! Isa pa, 'di mo ba ako namimiss?” pilyo pa itong ngumiti dahilan para maikot ko ang aking mata.




Oo. Nangulila ako sa kanya kahit magkalapit lang ang bahay namin. Ganyan siguro kapag wala kang ibang makausap at masabihan ng problema. Siya lang ang nag-iisa kong kaibigan na lalaki. Ang taong tanggap ako, sa kung sino at ano ako. Alam rin niya ang pagkakaiba ko sakanya at tanggap niya iyon ng walang halong panghuhusga.




“Oo na.” Ungot ko.




Hinayaan ko itong maglikot sa buong kwarto.




“Nga pala. Nadaanan ko ang papa mo kanina sa baba, tulog at basag ang ibang kagamitan niyo. Lasing ba 'yon?”





Isang malalim na hininga ang ginawa ko at tumango sa tanong niya. Sanay na ako. Hindi na iba ang araw na'to nang hindi nagwawala si papa. Araw araw kang nakakarinig ng ingay na nababasag, ng umiiyak. Wala rin akong magagawa pa kahit isang paraan man lang at wala akong balak na gumawa. Dahil alam kong ito lang paraan niya para maibsan ang sakit ng pagkawala ni mama.




“Sanay na ako, Jay. Araw-araw ganyan si papa. Yan lang kasi ang paraan niya para makalimutan ang pagkawala ni mama.” mahina kong saad at tinitigan siya.





Magkasalubong ang kilay niya habang nakatitig rin sa'kin. Para bang hinahalukay niya kung ano ang nararamdaman ko dahilan para mapa iwas ako ng tingin. Hindi ibig sabihin na umiiwas ako dahil naiilang ako kundi ayoko na malaman niya ang totoo kong nararamdaman, ayoko na mag-alala siya sakin.





“Hindi ka parin niya kinakausap?”




Kumibit balikat ako “Kinakausap,” kung matatawag ba na pag-uusap ang tulad ng nangyari kanina, “Madalang nga lang.”





SeleneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon