Chapter 12

448 14 0
                                    

"Who got crowned this time?" Tanong ko bago umupo, kaharap niya.




Kumibit balikat siya. "It's a prince. Since lalaki ang naging panganay."



Ok.




Inabotan niya ako ng folder na may nakalagay na Breeze Menu. Binuklat ko iyon at halos mapanganga sa nakita. Is this even real?




"Ah, Jana. Pwede bang umalis nalang tayo dito? Or, can we go to another shop?"




"Why? What's wrong?"




"Masyado kasing mahal." mahina at walang pagdadalawang isip kong sabi at pinakita sa kanya ang Menu.




Ang mahal kasi. For a cup of coffee ay naghahalagang three thousand. Three thousand! Sobra naman ang ata ang pricelist nila masyadong mahal para saming walang kaya.




"Hindi, ok lang yan! At saka, treat ko narin to sa'yo for being my friend, and for officialy being part of Golden Pack, and don't worry about that. Ganyan na talaga 'yan ever since this was made. Exclusively for elite kasi ito."




Kaya pala ang mahal. Tumango tango ako at 'di na nagsalita pa saka umorder. Libre 'to. Minsan lang ang may manlibre kaya grab agad!




Ilang minuto pa at dumating na ang inorder namin. Agad naming ininom at kanain. Jana's having a slice of cake and iced coffee while i'm satisfied with black coffee.




Mahilig ako sa kape pero hindi ako mahilig sa matatamis at creamer kaya puro lang inorder ko.




Nang maubos ko na ang kape hindi ko maiwasang titigan si Jana.





She's really beautiful, unearthly. Actually lahat sila. There is something in them na nagpapaiba sa mga tao. Something na nakaka-bighani tipong, the longer you stare the deeper you got bewitched. They are gorgeous without doing anything.





She's beautiful that I'm easily amazed. But i wonder... kung ganito kaganda si Jana kapag malapitan it would be the same as him. Matamimi ako bigla sa gwapo niyang mukha. He was handsome in afar so, he would be more of it when up close. Pero magagawa ko ba siyang titigan ng ganito kung sakali mang siya ang kaharap ko? Nahh! I guess, not. Siguro hindi ko siya magawang titigan ng ganito. Just by looking at him in this amount of space is so impossible. Imposible na nga ang makasama siya ng matagal ang matitigan pa kaya. It's just... he's out of my reach. He's too high for me. He's an Alpha while i'm just an ordinary wolf. Masyadong malayo. An Alpha wolf and an ordinary wolf.





"Is there something wrong with my face?"




"Huh?" Kumukurap kurap kong tanong kay Jana ng magsalita siya bigla. She was wiping her face na para bang may kung ano sa mukha niya.




"May dumi ba ako sa mukha?"




Umiling ako, "Wala naman. Bakit?" Nalilitong tanong ko.




"You've been staring at my face for almost two hours. Hindi kita sinita kanina 'cause i thought you were staring outside pero ng lumingon ako, there was no one behind me, but you are still staring. Directly at me." She pointed herself. "May something ba sa mukha ko?"




I shake my head.




"Dumi?"



I shake again.




"Or may naalala kang kriminal na kamukha ko? Naku ha!"




Umiling ulit ako.




"What? What is it? Baka naman natitibo kana sa'kin. Naku, naku Selene! Wag kang ganyan pareha tayong maganda. Dapat ang magaganda ay para sa gwapo at hindi sa kapwa magaganda. Sayang genes kung ganun!"




Iiling ulit sana ako ngunit agad ring natawa.




She misunderstood me. She thinks I like her. Oo gusto ko siya but not... like in a romatic way. That's gross!




"No. No. Gad no! It's not like that. I'm not a bi or something. I don't like girls.. romantically. Nakakadiri!" I shiver when the thought crossed my mind then shoved it off inwardly. "I was just confused and somehow amazed by your beauty, lahat ng nasa pack actually. Ibang iba sa normal na tao. Para bang out of the world and it makes all of you stand out."




"Really?" She asked confusedly and nibbled her thumb. Kumunot ang noo niya.




Tumango ako at kunot noo ring tinitigan siya.




"Yes. Masyadong obvious. You have a beauty that's incomparable. And maybe, napapansin rin ng ibang normal 'to but doesn't complain since isang myth lang naman ang mga lobo. O baka akala lang ng iba na may lahi kayong dayuhan."




"Really," still confused.




"U-huh." Tumango ulit ako. "Di mo ba nahahalata o napapansin?"




"No. I don't. Hindi naman kasi kami madalas pumupunta sa Phase 1 and 2. Siguro kapag important occasions or rushed meetings. Pero on a normal day? Nope." She shake her head and took a sip on her coffee.




"The stares and glances aren't important to notice since we didn't go there to be famous. It wasn't intended. Being famous is the last thing we wanted as it will only bring chaos to both races. Magiging komplikado ang lahat kapag nangyari 'yun. Ang gusto lang namin ay maging invisible sa hindi natin kauri. We don't care about them, and as long as we live, we cannot be known to them."




Nakuha ko ang ponto ni Jana. Werewolves aren't human sees anywhere or everywhere on daily basis. They are extinct that they thought it's a myth. Para sa kanila ang werewolf o taong lobo ay isang kathang isip lamang at hindi makatotohanan. Wala sa mga kwento ang totoo dahil akala nila gawa gawa lamang ito. Lahat ng tao sa bayan akala nila hindi nag-eexist ang mga taong lobo dahil wala namang naibalita na may nakakita o nakasalamuha na isa sa kanila. Hindi sila naniniwala na may taong lobo.. at isa na ako sa mga hindi naniniwala.




Noon. Noon 'yun. I truly believed werewolf was just a myth and they don't cease to exist. Ngunit nag-iba lahat ng paniniwala ko nang dalhin ako mismo sa lugar kung saan wala kang ibang makakasalamuha kundi taong lobo. A place full of werewolves. At hindi lang 'yun. I,myself, am also one of them. Isa rin ako sa haka hakang iyon na 'di ko pinaniniwalaan noon.




Ang makakita o makilala ng isang taong lobo ay hindi pangkaraniwan kaya unang una mo talagang magiging reaksyon ay matakot, kagaya nalang nung nangyari sa'min ni mama. It was frightening that i almost passed out. Sa mahahaba nitong ngipin, matatalim at matatalas nitong kuko at napakalaki nitong pangangatawan. Nakakatakot na gusto mo nalang tumakbo palayo at magtago.
'Yan ang reaksyon ko nung nangyari ang insidenteng dahilan ng pagkawala ng tinuturing kong ina. It was really terrifying to see.



Paano pa kaya kapag na kapag lahat ng tao ay nakakakita. Hindi lang gulo ang mangyayari kundi aabot iyon ng pagpatay. Humans will annihilate those who they think was horrendous. Na sa tingin nila ay panganib lang ang dala.



Kaya alam ko na agad ang pinupunto ni Jana. It was dangerous if humans know werewolves existent. It was dangerous enough to know what they're capable of. Delikadong malaman na isa rin ako sa kanila. Delikadong malaman ng tinuturing kong pamilya na hindi pala ako tao kagaya nila.

SeleneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon