Prologue

1.2K 36 0
                                    

Malalim na ang gabi. Madilim at tahimik na ang mga kabahayan pero iba ang nangyayari sa isang bahay. Hindi ito gaanong malayo sa iba pang bahay ngunit kakaiba ito. Ito lang kasi ang nag-iisa na malapit sa kakahuyan. At iyon ay dahil sa kagustuhan ni Ginang Selly Quinor at ng asawa nitong si Joseph Quinor.



Gabing gabi na pero hindi parin siya makatulog na kasalungat ito ng kanyang asawang himbing na sa pagtulog. Hindi niya malaman kong bakit, kaya nagpasya siyang umupo sa upuan na malapit sa kanilang bintana.



Habang mabini ang kantang nakapaloob sa luma nilang ponograpiya ay hindi niya maiwasang malungkot. Lungkot ng isang maybahay na nag aasam na magkaanak. Iyon lagi ang pinagdadasal niya ang makaroon ng anak. Pero hindi siya tinugon ng maykapal. Ngunit hindi ito naging hadlang para hindi siya tumulong at maging mabait sa kapwa.



Napukaw si Ginang Quinor sa kanyang pag iisip nang makarinig siya ng ingay. Hindi galing sa kanyang ponograpiya kundi galing iyon sa labas. Pinakinggan niyang mabuti at nang mapagtanto niya kung ano ito ay dali-dali siyang tumayo at naglakad. Tinungo niya ang pinto-an sa likurang bahagi ng bahay kung saan niya narinig ang ingay.



Isang iyak ng bata, iyan ang narinig niya. Pumailalim ang iyon sa tugtugin ng bahay kaya hindi niya agad ito nadinig.



Sa pagbukas palang ng pinto ay tila parang isang mahika ang nangyari dahil biglang tumigil ang sanggol. Ibig yatang mahimatay ni Ginang Quinor sa nasaksikan. Isang sanggol at tanging puting lampen lamang ang suot nito, pinapatungan ng isang kulay pulang jacket.



Kinarga ni Ginang Quinor ang batang sanggol at walang pakundangan dinala sa loob ng bahay. Hindi na naisip ng Ginang na baka ay iniwan lang ito sandali ng kung sino man. Wala ng ibang naisip ang Ginang at para bang nablanko siya pagkakita sa sanggol. Nangingiti siya habang karga niya ito.



Ngunit may napansin siyang kakaiba sa sanggol na nasa mga bisig niya. Mula sa mala nyebe nitong balat. Mala gabi sa itim nitong buhok, maninipis na labi, matatangos na ilong. Alam niyang kakaiba ito. Lalong lalo na sa mga mata nito. Kung gaano kaitim ang buhok nito ganoon rin ang mga mata nito pati ang gitnang bahagi na siya ring kay puti ng kanyang balat.



Gusto mang kabahan ay hindi iyon nangyari ng dahil sa isang ngiti. Isang ngiti na nagpatulo ng kanyang luha, sa pagkagalak. Hinaplos niya ang maamo nitong mukha at hinalikan sa noo. Bago paman, isang salita ang namutawi sa kanyang bibig. Pangalan na magmamarka sa katauhan ng bata.





“Selene.”

SeleneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon