It's nearly ten in the evening. Lahat ng members ng pack ay nandito mapa bata o matanda man, they were all busy eating and chatting with each other. Makikita mo ang closeness nila sa isa't isa habang nagtatawanan. Hindi ko maalis ang tingin sa mga masasaya nilang mukha.
So, this was peace and happiness looks like.
Sa loob ng isang taon mahigit feeling ko hindi ko na alam ang mga salitang 'yon. I am lacking on those emotions, particularly happiness. But now.. I felt a bit of it, and I hope this is a good thing.
“Akyat ka na.”
Agad akong napatingin kay Jana na nasa tabi ko. Sinundan ko ng tingin ang itinuro niya at mabilis na napayuko.
Nagsisimula na pala ang ceremony and I didn't even notice. Nakakahiya!
Hindi ko magawang tignan si Zack at ang iba pa dahil sa kahihiyan. I was so immerse in my own thoughts nang 'di ko man lang napansing magsisimula na. And everyone was waiting for me to come up! Anong kahihiyan 'to, Selene?
Napatingin ako kay Jana ng nakaakyat na ako. She mouthed me 'good luck' na tinanguan ko lang. 'Di ko magawang ngumiti sa kanya dahil kinakabahan ako masyado. Malakas ang pintig ng puso ko at nangangatal ang mga kamay ko.
“I need you to look at me Selene or we won't get this done.” Biglaang sabi niya at wala akong nagawa kundi ang tumingin.
Tumango siya. Napalunok ako.
“Glory upon the Moon Goddess. Time where we are born and bestowed by this world. Do you, Selene Quinor promise to live, help and heal with this pack, support with your might, accept the name Golden Stone and relive it in your heart?”
“Yes.” Maikling sagot ko.
“Then take this knife and pour some of your blood as you fully accept the pack.”
Nagtatakang tinaggap ko ang maliit na punyal sa kamay niya at kunot noong tumingin sa kanya. Anong gagawin ko dito? Am I supposed to stab my self to get some blood.. o sa akin na itong punyal? Binigay niya kasi.
He impatiently sighed na para bang naiinis siya habang naghihintay sa gagawin ko. But I don't know what to do. Hindi ako na briefing ni Jana sa mangyayari kaya malamang wala akong alam sa gagawin. I can also see, he also has a knife. I assume, na may gagawin din siya.
Pabalik-balik ang tingin ko sa kanya at sa punyal na hawak niya. Hinihintay kung ano ang kanyang gagawin. Sinunod ko siya nang lumapit pa siya ng kaunti sa mesa. Matalas ang mga mata kong nakatingin sa kilos niya habang sinusunod iyon, ngunit agad ring napatigil.
What the hell! Do I have to do that?
Namumutla akong tumitig kay Zach na nagsabing sundan ang ginawa niya. Gusto ko atang tumakbo palayo sa kanya at sa lahat ng nandito. Takot nga akong masaksak ang hiwain pa kaya ang sarili.
He motioned again to do the same. Wala akong nagawa kundi sundin siya.
Nanginginig, itinapat ko ang punyal na hawak ko sa kanang kamay, sa kaliwa kong kamay. After taking some deep breath ay nagawa ko na rin. Hindi ko mapigilang ngumiwi nang piniga ko para tumulo ang dugo, demeretso iyon sa bowl at humalo sa dugong nando'n.
“As the Alpha of the pack. I, Zachary Cain Stone, welcome you, Selene Quinor, as new member of Golden Stone Pack. Welcome to the pack, Selene.”
Bago paman ako makapagpasalamat sa kanya ay umalis na agad ito sa platform. Iniwan akong nag-iisa. Napabuga ako ng hangin.
“Welcome to the pack, Selene! Sa wakas, you're finally part of us.”
“Salamat ulit, Jana.” Ngumiti ako ngunit agad ring napangiwi at humawak sa ulo.
What is this? Bakit ang daming boses akong naririnig?
'Welcome miss Selene.'
'Welcome to the pack, Selene.'
"Welcome, Selene.'
'Welcome po.'
Nalilitong tumingin ako kay Jana na nakangiti lang sa akin.
“Did you hear them?” Naguguluhan akong tumango at pumikit. Why am I hearing voices? Ang dami nila and all of them was only saying the same thing, yun ang 'welcome, Selene'. Hindi naman ako baliw. Pero bakit ako nakakarinig ng ibang boses sa utak ko?
“That's the communication link. Werewolves can communicate through the link. At lahat ng naririnig mo ay galing mismo ng iba pang kasamahan natin sa pack. You can hear them now as you are officialy part of Golden Stone Pack.”
“Communication link?” May ganun pala?
“Yeah, communication link. Wait... Hindi kaba sinabihan ni Alpha tungkol dito?” Mabilis akong umiling. Wala naman siyang nabanggit.
“He should be the one telling you about this. Bago paman mangyari ang seremonya ay dapat alam mo na ang mga bagay-bagay bilang isang taong lobo. The Alpha should tell you about it.”
“He didn't say anything.” Pag-aamin ko.
I feel so dumb right now dahil sa nangyayari. Dalawang beses. Dalawang beses na niya akong pinatawag, pero ni isa sa mga araw na iyon ay wala siyang sinabi tungkol sa mga dapat kong malaman.
“I wonder. Anyway! Let's eat, i'm starving.”
Iginala ko ang aking mga mata habang nakasunod sa kanya hanggang sa narating namin ang mesang inukupa namin kanina. Naunang umupo si Jana bago ako. The table was pre occupied by four wolves, two girls and two boys na sa tingin ko ay isang buong pamilya.
“Welcome to the pack, miss Selene.”
Agad na bati ng ginang sa tabi ko pagkaupo ko. Sinindan iyon ng asawa niya at nang dalawa niyang anak. Nginitian ko sila at nagpasalamat.
Nagsimula na akong kumain ng bigla ko nalang naramadamang may nakatingin sa'kin. Mabilis na iginala ko ng tingin ang paligid ngunit wala akong makitang kahina hinala. Am I being paranoid again?
Umiling ako't tinuloy ang pagkain subalit malipas ang ilang segundo naramdaman ko naman muli ang titig na iyon. I could feel the hair of my neck stand and an uneasy feeling started creeping on me.
Palingon-lingon ako sa paligid ng magsalita si Jana na ikinagulat ko.
“Ok ka lang, Selene? Kanina ka pa hindi mapakali.” Tanong niya. Pati ang katabi kong ginang ay nagtanong rin. “Ok ka lang, iha?”
“Opo. Ok lang po ako.” Ngumiti ako ng pilit.
I tried to ignore this feeling pero mas lumala lang. Mabigat na sa pakiramdam kaya hinila ko si Jana at bumulong.
“S-someone's watching me.” My voice was shaking. Nahalata kong lumingon sa akin ang kasama namin sa mesa. But i couldn't care less. I'm scared.
“Sigurado ka ba? Baka isa lang sa mga kasama na nandito.” Tanong niya na inilingan ko.
No. I can feel it. It's not one of us. It's different. “Hindi e. I already know who's watching me but this one.. it's somewhat disturbing. J-jana, somebody's here. I-i can feel it. Someone entered the pack.”
Pagkatapos kong sabihin kay Jana iyon ay isang malakas na sigaw ang bumulahaw sa lahat. Ang uneasiness na naramdaman ko ay bigla nalang nawala.
BINABASA MO ANG
Selene
WerewolfIn order to find herself she will face the harsh truth that is about to unveil. This is just the beginning she must imbrace to continue until the end. #1 Werewolf 10/13/2022