“Selene. Selene!”
Napakurap ako. Marahan kong kinapkapan ang sarili sa pag-aakalang may maramdaman akong basa o dugo ngunit wala. Biglang umurong ang luha ko. Nagtatakang tiningnan si Papa dahilan para manlaki ang mata ko sa nasaksihan.
Hawak hawak ni Jason ang dalawang braso ni Papa sa likuran nito. Pinipigalan ang planong pagsugod sa'kin. Ngunit naroon parin ang galit at pagkamunghi sa mga mata nito.
“Selene, tumakbo ka na. Di magtatagal makakawala ang Papa mo sakin. Kaya tumakbo ka na! Umalis ka na dito.”
Ibig ko mang masaktan sa sinabi niya dahil parang pinapaalis niya ako at wag ng bumalik pa, ngunit di ko magawa. Alam kong nag-alala lang si Jason sa'kin at inalala niya lang ang kapakanan at kaligtasan ko. Pero paano siya?
Naluluhang ngumiti ako sa kanya. Ito na nga siguro ang huling pagkakataon na makita ko siya. Si Wena, si Tita Marian at si Maya. Ito na siguro huli na nakasama ko sila.
“Jason, salamat. Salamat at naging kaibigan kita, kayo ni Wena. Salamat dahil 'di niyo 'ko tinalikuran bilang kaibigan. Hindi kayo sumuko sakin sa mga nakalipas na buwan. Hindi niyo 'ko iniwan. Pakisabi nalang kay Wena, salamat. Pati narin sa Mama mo at kay Maya. Salamat dahil nakilala ko kayo.” Tumingin ako kay papa. “Pa. I'm sorry.”
Wala akong ibang masabi kundi sorry. Sorry dahil sa sakit na dulot ko sa iyo. Sorry nang dahil sa'kin nawala ang pinakamamahal mo. Ang pinka-iingatan mo.
I'm sorry.
“Heh! Sayo na yang sorry mo dahil papatayin rin naman kita. Papatayin kita!”
Malungkot akong yumuko. Hindi na niya talaga ako mapapatawad.
“Umalis ka na, Selene! Hangga't kaya ko pang pigilan si Tito.” nahihirapang sigaw ni Jason sakin.
“Hindi! Hindi siya aalis! Papatayin ko siya bago pa siya makaalis! Nang dahil sayo nawala ang asawa ko, ang mahal na mahal ko. Nang dahil sayo namatay si Selly! Pinatay mo siya! At pagbabayaran mo 'yon! Pagbabayarin kita sa pagpatay mo kay Selly! Pagbabayarin kita gaya ng pagpatay mo kay Selly!”
Malungkot akong tumingin kay Papa. Gusto kong sabihin na hindi ako ang pumatay kay Mama. Gusto kong linisin ang pangalan ko. Kaso walang naniniwala sakin. Lahat sila kriminal ang turing sa'kin. Isa akong kriminal sa mga mata nila sa pag-aakalang ako ang pumatay kay Mama.
Tumingin akong muli kay Jason. Pilit na pinag sawalang bahala ang sinasabi ni Papa kahit na para iyong kutsilyong pinagsasaksak ang puso ko. “Paalam.” Paalam rin sa'yo Pa.
Hilam ang mga matang tumango siya.
Mabilis akong tumalikod at tumakbo patungo sa likod ng bahay diretso na iyon sa kakahuyan. Wala na akong mapagpiliang takbuhan kundi doon lang. Hindi ako pwede kila Tita Marian at pati narin sa bahay nila Wena dahil alam kong anytime ay pupunta doon si Papa. Ito lang ang tanging paraan ko. Ang tumakbo sa walang kasiguraduhang patutunguhan. Dahil kahit na puno nang pasakit ang taon ko, kahit na gusto ko nang sumuko ay hindi pwede. Hindi ako pwedeng sumuko. Gusto ko pang mahanap ang mga magulang ko. Gusto ko pang malaman ang totoong pagkatao ko.
Ilang oras na ang lumipas simula nang umalis ako ay hindi parin ako tumigil sa katatakbo. Namanhid narin ang mga binti ko. Nagsimula naring manakit ang katawan ko dahil sa pagod at sugat na nakuha ko sa mga sanga'ng nadadaanan ko.
BINABASA MO ANG
Selene
WerewolfIn order to find herself she will face the harsh truth that is about to unveil. This is just the beginning she must imbrace to continue until the end. #1 Werewolf 10/13/2022